"ANNE"
Masaya, sobrang saya ng mga panahong nakikita pa kita, mga panahong pinagtatawanan pa nating dalawa ang mga bagay-bagay na kahit sa iba'y hindi katawa-tawa, at mga panahong magkatabi tayong dalawa na sinusulit ang pagsilip at paglubog ng umagang kay ganda.
Hindi ba't kaysarap namnamin ng bawat oras, minuto at sigundo ng ating buhay na magkasama tayong dalawa?
Hindi ba't kaysarap amuyin ang halimuyak ng mga petalya ng rosas sa tuwing kapiling kita?
Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam na matamo natin ang tagumpay na matagal na nating pinaka-aasam na pangarap?
Hindi ba't kaysarap mangarap ng ating magiging anak? Masaya ka pa nga kahit simpleng bahay lang basta magkasama lang tayong dalawa.
Ang sarap palang balikan ng bawat segundong kapiling pa kita, mga segundong nagpapaligaya sa buong magdamagan ko at nagiging sangkap sa mga tagumpay ko, mga segundong tuluyan ng tumigil at hindi na nagawang bumalik pa. Sapagkat wala ka na, wala ka na!
Minahal kita ng buong buhay ko ng nabubuhay ka pa at patuloy parin kitang mamahalin kahit ako'y mamayapa na. Sapagkat mahal kita.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi im James Moses Bongo 😊 i express my feelings through making a poetry.