"PARA SA'YO HINDI AKO SIYA"
Ang manhid mo!
Unang linya na nabuo sa isip ko.
Totoo naman di ba?
Kasi lahat ng pagpapapansin na alam ko ginawa ko na,
pero wala ka man lang napansin kahit isa.Para lang akong palamuti na kahit anong pagpapaganda ang aking gawin, hinding-hindi mo papansinin!
Para lang akong saranggola na kahit anong taas at tayog ang aking marating ay hindi mo titingalain.
Para lang akong musika na kahit anong ganda ang nais kong iparinig ay hindi mo didinggin.
Para akong tula, na kahit anong lalim ng salita ang aking gamitin ay hindi mo iintindihin.
Para akong kayaman na nakabaon sa pinaka ilalim ng lupa, na kahit anong yaman ang mayroon ako ay hindi mo hahanapin.
Para akong bagay na nahuhulog, na kahit ilang beses man akong mahulog nang mahulog ay hindi mo sasaluhin.Kasi para sa'yo, para akong araw, na hindi mo na titingnan ng direkta kasi alam mong masakit sa mata.
Para sa'yo isa akong tao na may malubhang karamdaman na hindi mo naman dapat iwasan pero patuloy mong nilalayuan.
Para sa'yo isa akong trahedya na nanaisin mong wag mangyari wag ka lang masaktan pa.
Para sa'yo ako si kamatayan na iyong kinatatakutan sa takot na kunin kita at mawala ka sa piling niya.
Kasi para sa'yo, HINDI AKO SIYA.Hindi ako siya para tingnan mo sa dalawa mong mata.
Hindi ako siya para pakinggan mo tulad ng pagkukwento niya.
Hindi ako siya para sabihan mo ng mga mabubulaklak mong salita.
Hindi ako siya para maramdaman mo na mayroong "AKO" na laging nasa tabi mo.
Hindi ako siya para lapitan mo sa bawat pagnanais ko na lumapit sa'yo.
Hindi ako siya para mapansin mo.
At mas lalong hindi ako siya, para mahalin mo.
Kasi, hindi ako siya.Isa lang naman ang gusto ko,
Ang makita at makilala mo ako bilang AKO.
Na hindi ko na kailangan pang ikumpara ang sarili ko sa iba para lang sa atensyon mo.
Ang gusto ko tanggapin mo ako bilang AKO, hindi bilang SIYA.
Pagkat magkaiba ang AKO at SIYA.
At hindi ako magiging Siya.
Ako ay ako.
Kaya para sa'yo, isa lang ang masasabi ko,
At marahil ito na rin ang huling linya na sasambitin ko.
ANG MANHID MO!
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi im James Moses Bongo 😊 i express my feelings through making a poetry.