42

1.7K 16 0
                                    

“KABIGAN”

Walong letra sa isang salita
Yan ang tingin sa akin ng iyong mga mata
Gusto ko sanang baguhin sa isang kisapmata
Diktahan ang puso mo at gawing ako ang  
                           sinisinta         
Gusto ko sanang panghawakan ang iyong salita
Na sinabi mo na sayo'y ako'y mahalaga      
Pero ayoko,ayokong maniwala sa salita mo
Ayokong maniwala na mahalaga ako

Dahi ang salitang "mahalaga"
Ay parang isang damit na magara
Na gagamitin mo kapag ang ang okasyon
                              ay bongga
Na sa mga tao'y iyong irarampa

Pero kapag ang okasyon ay tapos na
Itatabi mo na lang ako sa isang aparador
Maghihintay na bubuksan mo muli ang tukador
At ako'y muling itatratong espyesyal kaya  
                        ayokong maging mahalaga

Masokista na kung masokista
Pero anong aking magagawa
Kung ang puso ko'y nginangawa
Ang walang kamatayang "mahal kita"

Na kahit may ngiti sa aking mga labi
Sa pagtalikod ko ay mapapalitan ng hikbi
Dahil akala ko ako na
Pero ang pipilin mo pa rin pala ay siya

Ang sabi mo wag kitang iwan
Dahil bibihira ang katulad kong kaibigan
Paano mo nagawang sabihin yan
Kahit alam mo naman na higit pa diyan
                      ang aking nararamdaman

Pinilit kitang inintindi
Na tipong pinilit kong tenga ko'y mabingi
Na kahit ako'y rinding rindi
Sa sinasabi ng utak ko na ito ay mali

Naging sentro ka ng aking mundo
Pero para sa iyo isa lang pala ako sa kontinente
                            ng mundo mo
Masakit ang mahalin ka,sobrang sakit
Dahil ang aking nararamdaman sayoy aking
                             pinilit

At ang di ko maintindihan
Ano bang wala sa aking katauhan
Kung bakit hindi mo ako magustuhan
At sa lahat pa ng tao ang aking pang pinsan

Sadyang ang tadhana'y mapaglaro
At sa larong ito ako ang buro
Pagod na pagod na ako
Pero hindi ko pa rin kayang tumigil sa paglalaro

Sana matutunan ko na mapagod
At hayaan ka na lumayo
Lumayo at sundan ang mahal mo
Yung tipong akoy tatalikod at hindi na susunod

Para sa tuwing sasambitin mo ang pangalan niya
Hindi na kumikirot ang puso ko at para bang
                            pinipiga
Na sa pagkakataon na pipiliin mo muli siya
Wala ng tutulong mga luha sa aking mata

Na sa tuwing hindi ka niya kayang saluhin
At hindi ka niya kayang mahalin
Sarili ko'y hindi ko na aabalahin
Na tumakbo sayo at ikay saluhin

Na kapag mahal niyo na ang isa't isa
Hindi ako magiging ampalaya
Pagmamahal ko sayo ay tuluyan ng kumawala
Na para bang ibong malaya

At masasabi kong para sa inyong dalawa
Ako ay masaya

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon