“ISLA”
I-kaw ang nais kong makasama,
S-ana'y ako'y iyong pagbigyan sana,
L-alo akong sasaya pag naging akin ka, kaso
A-yaw mo pala, diba?Minsan din akong umasa, siguro ito'y mauulit pa.
Sa salitang ISLA, nais ko'y i ALIS ka, kasi hindi ko na kaya, maawa ka.
Diba nagsimula tayo sa simula? Sana hindi nalang nagsimula diba?
Kasi buhay koy napuno ng iyong mga paasa.
Sabi mo "Mahal kita", at "bilang kaibigan" yan ang dugtong diba?
Hawak ko kamay mo,
Wala bang ibig sabihin yon para sayo?
Sa salitang ISLA, may nakaukit na ISA.
Kung pwedeng dalawa lang sana,
kaso nga Siya lang talaga diba?
Alam mo ISLA ang ating pagitan,
At sa ati'y diba, walang namamagitan?Ngayon mambabasa, ayaw ko nang magsalita, kayo na ang humusga, kasi SA SALITANG ISLA, MAY SILA.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi im James Moses Bongo 😊 i express my feelings through making a poetry.