18

3.3K 19 0
                                    

"MAY MAHAL KA NANG IBA"

Tandang tanda ko ang bawat segundong lumipas
Nung araw nang ang lahat sa atin ay nagwakas
Ako ba ang may kasalanan?
Oras ko ba sayo'y di nalaan?
Ating mga kwentuhan at tawanan
Lalong lalo na ang iyong kakulitan
Agad ba akong nakalimutan?
Sa sandaling panahon
Na ako ay hindi makaahon
Sa sandaling panahon
Na ako'y tila nasa isang kahon
Hindi alam ang gagawin
Na dinadaan nalang sa mga awitin
Ang aking mga pasakit at hinanaing
Di mo ba naisip na nahihirapan din ako?
Oo
Hindi lang ikaw
Hindi makagalaw
Kailangan ko nang ilaw
Pero nasan ka?
Kinakausap ang isang kaibigan
Para ipaalam ang ating hiwalayan
Nang hindi ko lubos maunawaan
Napakasimpleng dahilan
May mahal ka nang iba
Hindi na ako
Ang nagpapasaya at nagpapangiti sayo
At ang dating tayo na magkasama sa ibang lugar dumadayo
Ay isa nalang larawan sa malayo
Ikaw na mismo ang lumayo
Kaya ako ay tatayo
Ngunit hindi lalayo
May mahal ka nang iba
Pero hindi ibig sabihin
Ikaw ay aking hahayaan
Patuloy kang mamahalin
Di pababayaan
At habang buhay na aalagaan
Masasabing katangahan ito
Hindi
Ako'y nagpapakatotoo lang
Hindi ang utak ang nagmamahal
Ang puso ang tanging may alam
Nang mga katanungan
Sa malabong kasagutan
May mahal ka nang iba
Pero pangako
Ito'y hindi mapapako
Saan mang dako
Sayo ay pupunta ako
Kahit na MAY MAHAL KA NANG IBA
Hindi magsasawang patunayan
Na di ko pinanghihinayangan
Na ika'y aking natagpuan

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon