43

1.6K 6 0
                                    

“UMPISA”

Mula sa umpisa kala mo isang laro na walang katapusan, kasiyahang animo walang mag sasanhi ng kalungkutan. Isang lugar na walang gulo, isang bansa na walang masasamang tao. Dyan tayo nag umpisa sa mga ngiti na walang bakas ng mga problema , mga tuhod na may peklat ngunit masaya, nadapa sa kanal ngunit kasiyahan ang dinadala. Masarap balikan, ang ating mga inumpisahan. Sa mga panahon kung saan tayong lahat ay namulat, sa mga sakit at saya ng kahapon, sa mga peklat na ginuhit ng panahon. Ngunit saan ba tayo nag umpisa na maging malungkot --- maging malungkot sa buhay, buhay na pinakamahalagang biyaya, biyayang masaya ngunit malungkot ang kinalabasan. Bakit di makita ng iba na napakaganda ng buhay na sakanila ay ibinigay.  Di makita ang buhay ay mahalaga. Ngunit sabi nya wag ko silang sundin, pakinggan ang puso't isipan. Wag sa ibang tao na iba ang sinasalita. Sinabi mo na sundin kita. Sinunod kita. Sinunod ko ang payo mong napakaganda. Na kahit kasing laki pa ng ereplano ang problemang ibigay lumaban ka. Dahil ang himpapawid na nililiparan ng ereplano ay ikaw ang mismong may gawa. Minahal mo ko ng buo, tinanggap mo ko kung sino ako. Kahit ilang beses kitang binigo, kahit dumanak na ang dugo sa palad mo --- ngunit tinatanggap mo parin ako. Pinakita mo sakin na kahit masakit ang wakas ay maganda ang umpisa nito. Na sa bawat umaga ay may mga pag asang nag hihintay sayo. Yan ang sinabi mo, naniwala ako sa iyong pagmamahal na mag liligtas sakin. Tama ka, sayo dapat ako naniwala nung umpisa. Di na sana umabot sa punto na ang kamay ko ay sugatan na. May peklat sa balat, na ang sanhi ay kalungkutang dinala ng iba. Kaya patawad at salamat sa aking nagawa at sa inyong pag papatawad ama. Doon ako nag umpisa ngunit sayo ako mag tatapos. Salamat sa napakaganda aral ng umpisang matatapos sa pamamagitan mo. Sayo ako mag papasalamat ama. Salamat.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon