“PARA”
Hindi ito hango sa dalawang taong mag kasintahan
Ito ay hango sa isang lalaking hindi alam kung saan ang babaan
Sisimulan ko ang kwento sa "Saan, Kailan, at Paano"
Saan? Saan nga ba ang tamang babaan?
Hindi lugar kundi saan ang iyong kinalalagyan kung saan ikaw ay nag hihintay?
Nag hihintay sa lalaking nakasakay, sa lalaking nakasakay pa sa ibang sasakyan at inaabangan mo ito
Kailan? Kailan ka nga ba matututong bumaba? Kailan ka nga ba matatauhan? Kailan mo nga ba malalaman na ikaw ay sinasaktan ng iyong sinasakyan?
Paano? Paano mo nga ba malalaman na ikaw ay sinasaktan? Paano mo nga ba maiisip na ika'y sinasakyan? Paano mo nga ba maiisip na bumaba kung ika'y pinipilit na ika'y pinapakapit
Saan, kailan at paano mo nga ba malalamang bumaba
Saan, kailan at paano mo nga ba maiisip ika'y walang patutunguhan
Saan, kailan at paano ka matututo kung sarili mo hindi mo tinuturuan
kung Saan,kailan at paano mo matutunan ang salitang PARA
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi im James Moses Bongo 😊 i express my feelings through making a poetry.