"TAGAHANGA"
Ako ay tagahanga mo.
Tagahanga na mamahalin ka magpakailanman.
Tagahanga na magiging kumot mo, na yayakap sayo kapag nalulungkot ka.
Tagahanga na hindi kayang ipako ang mga binitawang pangako.
Tagahanga na magsisilbing daanan, sa iyong kapalaran.
Tagahanga na walang ibang hiniling kundi ang makapiling ka.Ako ay tagahanga mo.
Sana'y magawa mong pagbuksan ng bintana.
Nang malaman ng lahat na ako'y sayo'y lubos na humahanga.
Pangalan mong pantatak na sa puso ko'y nakatatak.
Isipan ko'y walang ibang inisip kundi ang larawan mong kay sigla.Subalit ako'y tagahanga mo lamang.
Na nangangarap na tayo'y para sa isa't-isa.
Subalit ako'y tagahanga mo lamang.
Ngunit bakit nakakaramdam ng kirot sa tao na iyong hinahangaan.
Mata ko na nasisilawsa inyong paglalambingan.
Tenga ko na mabibingi sa salita n'yong "Mahal kita".
Dila ko na mawawalan ng panlasa sa tamis ng inyong pagmamahalan.
Ilong ko na mawawalan ng pang-amoy sa bango ng inyong dating.
Kamay ko na mawawalan ng pandama, dahil ako'y naging manhid sa pag-iibigan n'yong dalawa.Pag-ibig ko sayo'y magiging bituin na mawawalan ng ningning.
Larawan mo sa aking isipan ay unti-unting kumupas.
Siguro panahon na para gumising sa katotohanan.
Siguro panahon na para burahin ang pangalan mong nakatatak sa aking puso.
Siguro panahon na para lukutin ang larawan mong kumupas sa aking isipan.
Siguro panahon na para ibaling ang pag-ibig at pagtingin ko sa tao na ako'y lubos na hinahangaan.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi im James Moses Bongo 😊 i express my feelings through making a poetry.