“BAKAS NG ALAALA”
Bato, Gunting, Papel
Tatlong bagay na pumukaw sa aking isipan
Habang binabalikan ang bawat ala-ala ng nakaraan
Tatlong bagay na minsan ng pinaglaruan
Gamit ang mga kamay kasabay ng bawat tawanan,
Bawat kulitan at bawat KASIYAHAN na nadarama
Sa tuwing tayo ay MAGKASAMANaalala ko pa yung gabi ng ako'y NANAGINIP
Mula sa pagpikit ng aking mga mata ay tila makikita
Ang bakas ng mga ngiti sa aking mga labi
Habang niyayakap ng mahigpit ang malambot na unan
Na siyang nagsisilbing pagkapit ng iyong mga kamay
Na ayaw ko ng bitawan
Naalala ko pa yung mga LETRA
Na sa mga labi mo mismo nagmula
At parang naging asukal sa tamis ang bawat salita
Naalala ko pa yung mga PANGAKO na iyong ipinangako
Na kailanma'y 'di magagawang sumuko
Naalala ko pa yung mga ALA-ALA na walang kasing saya
Mga bagay na pinangarap para sa ating dalawa
Naalala ko pa...naalala ko pa... at ako'y naniwala
Naniwala sa bawat panaginip, letra, pangako at ala-ala
Na mag-iiwan ng bakas ng kasiyahan
Sa oras na aking maaalala ang lahat ng ating pinagsamahanNgunit biglang nagbago ang lahat
Ang takbo ng mundo ay tila naging salungat
Inalala't naniwala ngunit ito'y 'di parin sapat
Pinaniwalang ala-ala na sayo'y naging tapat
Sa kabila ng lahat ng ating pinagsamahan
Habang buhay na kasiyahan ay aking inasahan
Bakit ka lumisan? at ano ang dahilan?
Mga tanong na nag-iiwan sa'kin ngayon ng kalungkutan
At ngayon ay sawa na'kong marinig pa
Ang tibok ng aking puso, na hinahapo na
Damdaming para sayo ay nawalan na ng tiwala
Kaya't ako'y hindi na muling maniniwalaHindi na muling maniniwala pa sa bawat LETRA
Na bibigkasin ng iyong mga salita, hindi na
Hindi na muling maniniwala pa sa bawat PANAGINIP
Na naroon ka at laging nasa isip, hindi na
Hindi na muling maniniwala pa sa bawat PANGAKO
Na iyong bibitawan na minsan ng naglaho, hindi na
At hindi na muling maniniwala pa sa bawat ALA-ALA
Ng ating istorya na kasing ganda ng mga tala, hindi na
HINDI NA....Dahil masyado ng masakit, masyado ng masikip
Ang damdamin at gusto ng lagyan ng takip
Para lang matakpan ang sugat na nararamdaman
At kung babalik man ang nakaraan
Hiling ko lang na sana'y 'di na maulit kailanman
At sa paglipas ng panahon
Mga ala-ala'y mananatiling nakabaon
Ala-alang nag-iwan ng bakas ng sakit, kirot at hapdi
Ang siyang magpapa-alala sa oras na umibig muliBato, Gunting, Papel
Tatlong bagay na pumukaw sa aking isipang ginambala
Pagkatapos balikan ang bawat BAKAS ng ALA-ALA
Tatlong bagay na minsan ng pinaglaruan
Gamit ang mga kamay kasabay ang bawat kapighatian
At bawat KALUNGKUTAN na nadarama
Ngayong WALA KA NA.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi im James Moses Bongo 😊 i express my feelings through making a poetry.