KABANATA 2
CLASSMATE
Cielo POV
PAGKAPASOK KO sa gate ng HU ay nakita ko kaagad si Carl na pinalilibutan ng tatlong babae habang tumatawa.
Anong nangyayari dito? Tumakbo ako papunta don at tumabi sa mga babae.
"Grabe.. Ang gwapo mo talaga!" habang kumikinang pa yung mata ni Girl 1
"Oo nga, kyahhh!" at tumili naman si Girl 2
"Buti na lang kaklase ka namin. My inspiration na naman kami nito habang nag-aaral." nakangiti namang sabi ni Girl 3
"Oo nga.. Waaahh!" sabi ko rin kay Carl habang nakangiti at sumabay sa tili ng mga babae.
GRABE.. HAHAHAHA! Ang epic ng mukha niya dahil sa panggagaya ko sa mga babae.
Napansin ko ang bulletin board sa bandang likuran ni Carl at marami ang tumitingin don. Tumakbo ako papunta don at hinanap ang pangalan ko roon. Eto pala yung list kung saang section kami ngayong taon.
AHA! Magkaklase kami ni Carl at Amy. Yes!!
Pero ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng mahagip ko ang pangalan na iyon.
What!! Totoo ba'to? Hindi ba ako nananaginip?
Kasi kaklase ko rin si.. si...
Hannah Montes
Gusto kong makasigurado kaya tumakbo ako sa magiging room namin ngayong 4th year at nilibot ang kabuuan nito.
Hindi ako nagkakamali at nakita ko siyang nakaupo sa may gilid ng bintana, second to the last sa kanan eksaktong nakaupo siya.
Tatawagin ko sana siya ng dumating na ang prof namin at pinapaupo na ang lahat. Kahit saan namin gustong umupo ay ayos lang dahil first day pa lang naman.
Syempre, tumabi ako sa gilid ni Carl. Bale, ganito yung pwesto namin.
Ako | Carl | Hannah |Bintana
Oh diba? HAHAHA
Habang nagdidiscuss si Sir Albert sa harapan ay tinawag niya si Carl at Hannah para sumagot.
Tumingin ako kay Carl at nakitang natutulog na naman. Haysst! Eto na naman siya. First day na first day tapos tutulugan niya lang haysst!
Tinapik ko siya sa braso upang gisingin pero.. Ayaw magising kaya ang ginawa ko...
Binatukan ko nga. Hahahaha... Peace bro! Ang sama na kasi ng tingin nung prof eh.
At syempre gumana naman kaya ang sama ng tingin sakin pero sinabi ko na lang na tawag siya ni Sir sa harapan.. Hahahaha!
Maya-maya lang ay tinawag din ako ni Sir sa harap para sumagot sa ikatlo niyang tanong.
Matapos ang dalawang minuto ay unang natapos si Hannah. Sumunod si Carl. Ha? Ang bilis naman neto? Psh.
"Ms. Montes! Hmm..Very good, you may now go back to your seat" nakangiti niyang sabi kay Hannah at tumango lang ang huli.
Napalingon naman si Sir Albert kay Carl .
"Aba! Mr. Mendoza magaling ka naman pala kahit tulog ka sa unang araw ng klase hahaha." at tinapik ang balikat ni Carl.
Umupo na si Carl sa pwesto niya at tumingin lang sakin. Lumingon ulit ako sa ginagawa ko at tinuloy ito.
"Mr. Cortes, are you done?" nakangunot-noo niyang sabi sakin.
"Hehe. Sir kasi ano.. eh.. ang hirap po. Hindi ko po ma-balance." At pinakita ko sa kanya ang gawa ko at pilit ngumiti.
"Hmm.. Oh! Ang ganda! Ako ba yan?" at napatingin siya sakin. Tumingin din ako sa gawa ko at napatango na lang.
"Ayos! Ang galing mong mag-drawing. Hahaha.. Ikaw talaga. Sige na! Umupo kana don." Habang umiiling siyang nakatingin sakin.
Bumalik nako sa upuan ko pero bago ako tuluyang umupo ay may sinabi siya sakin.
"Mr. Cortes pumunta ka sakin sa faculty at bibigyan kita ng test for 20 items. Understood?" seryosong sabi ni Sir habang nakatingin sakin.
Dahil doon ay nagsitawan ang mga kaklase ko habang nakanganga ako dito sa tapat ng upuan ko.
Tumingin lang sakin si sir at lumabas na ng room. Noooooo!! Kainis naman! Malas peste!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Short ud... Sorry!
YOU ARE READING
Friends for a Week [HIATUS]
Teen FictionHannah Montes is experiencing Dissociative Amnesia since through Middle School. Cielo Cortes is a young, wild and free boy who have talents in painting yet stubborn and naughty at all times. One day, Cielo found an ID in the library and sniffs it as...