KABANATA 10
SUGGESTIONHannah POV
ITINULOY KO ang pagbabasa at doon na napako ang atensyon ko hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras kakabasa nito.
It was the last Friday of the Second Semester. Huling araw ng pagiging third year high school naten.
I was at the library when you spotted me.. I knew that time I thought na baka isipin mong I am some kind of creep kaya I apologized.
After that, magkasama tayo sa loob ng tren when we way back home. Nung oras na yun, I could feel something deep me starting to move.
I found your name on the class assignment during the first day of class nung Fourth year tayo and we were in the same class.
Math class ended and at that time, sinamahan kita non para magdala ng mga notes sa faculty.
Pagkatapos non.. I knew about the fact that your memories with your friends are completely reset after the week ends.
The fact that your friends grew further away from you at your previous school.. The fact that I might just be thinking about your circumstances lightly.. talagang iniisip ko ang lahat at bawat ginagawa ko ng may kasamang pag-aalaga.
However, As I thought my feelings won't change. Hannah, please become friends with me.
Matapos kong mabasa ang huling mga salita ay natigilan ako at napaisip sa mga sinabi niya.
Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi ako makapaniwala. Hindi ko na muling sinulyapan pa ang oras kakaisip patungkol sa bagay na ito at ngayon nga'y nakapagdesisyon na ako.
***
Cielo POV
Tapos na ang break at papunta na ako ng room nang makita ko si Hannah sa upuan niya at nagbabasa na naman.
Wala akong nakitang may nakausap siya sa mga kaklase namin sa loob ng ilang buwan tuwing break time o di kaya'y sa libreng oras na walang kinalaman sa klase.
Nagkakaroon lang panigurado ng communication kapag may groupings kami. Lagi lang siyang nagbabasa ng libro o di kaya ay nakikinig ng music sa cellphone niya.
Nang makarating ako sa mesa ko ay nakita ko sa ilalim non ang diary. Natigilan ako sa tuluyang pag-upo at napalingon sa kinaroroonan ni Hannah.
Hindi ko namalayan ang paglabas ng ngiti sa aking labi.
"Kuya Cielo, pwede po bang mahiram ang M5H Magazine mo?" sabi ng isang junior sa Arts Club nang malingunan ko ito.
Uwian na at nag-aayos na ako ng gamit ng dumating sa akin ang isang 'to.
"Oh right!" hinablot ko ang magazine sa ilalim ng lamesa at nagkalat ang laman non sa sahig, pagkatapos ay napapikit ako sa inis habang iniabot ang magazine sa kanya.
"Johnson.." tawag ko rito.
"Bakit? Hindi ko kasalan iyan ah! Ikaw ang may gawa niyan." nakangusong ani niya.
Binalingan ko ang nagkalat kong mga gamit nang mahagip ko ang diary at nakabuklat ito. Binasa ko ang nakasulat don at nanlaki ang mata ko.
Kinuha ko iyon at tinago sa aking dibdib, pagkatapos ay dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas ng room.
Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Johnson ngunit isinawalang-bahala ko na lamang iyon.
Nagpunta ako sa taas at pumasok sa isang kwarto ron nang makitang wala na ang mga tao don.
Masaya akong tinignan ang diary at napaupo sa isang silya malapit sa pwesto ko. Binuklat ko ito at nahinto sa huling pahina kung saan naroon ang sulat-kamay niya.
Cielo, I'm sorry for always saying "I can't" to you. Sa mga taong naging kaibigan ko.. Hanggang sa ngayon, I still worry about being a burden to people or making them feel uncomfortable.
However.. Nung sinabi mo na you'd still go out of your way to befriend with me. It really made me happy a bit.
Napangiti ako dahil sa napangiti ko rin daw siya ng kaunti. Hahaha.. Ang gaan ng pakiramdam ko at hindi ko iyon maipaliwanag. Itinuloy ko ang pagbabasa ng nakangiti at natatawa.
I have one suggestion. Pwede ko bang iuwi ang diary sa bahay every Friday? I'll read it every Monday morning on my way to school.
I'm sure, I'll know it's you right away.
***
Third Person
"Hannah" tawag ng binata. Lumingon ang babae at ngumiti.
"Ikaw si Cielo, tama ba?" tanong niya rito at tumango naman ang una.
Kinuha niya ang diary sa loob ng bag at iniabot ito sa binata. Nakangiting kinuha ito ng lalaki.
Nang marinig ang mga papasok na estudyante ay sabay silang nagpunta sa likod ng locker kung saan naroon pa ang ilang mga locker na nakalagay.
Nakasandal silang dalawa habang inaantay makaalis ang mga ito. Sabay silang lumingon sa isa't-isa at nakangiting tumugon din sa bawat isa.
Dalawang linggo ang nakalipas, uwian at nasa garden si Cielo at Hannah. Iniabot ng binata ang diary sa dalaga at ngumiti sila sa isa't-isa. Nahinto lamang ang kanilang titigan nang marinig ang ilang paparating na hardinero.
Nagkahiwalay sila ng pwesto. Kinuha ni Cielo ang cellphone at kunwaring nag te-text doon habang si Hannah naman ay binuklat ang hawak na diary at kunwaring nagbabasa naman roon.
Nang makaalis ang mga hardinero ay lumingon sila sa isa't-isa at natawa.
"That was close." ani pa ng binata at tuluyan ng naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/143819152-288-k70986.jpg)
YOU ARE READING
Friends for a Week [HIATUS]
Teen FictionHannah Montes is experiencing Dissociative Amnesia since through Middle School. Cielo Cortes is a young, wild and free boy who have talents in painting yet stubborn and naughty at all times. One day, Cielo found an ID in the library and sniffs it as...