KABANATA 5

84 48 55
                                    

KABANATA 5
UNEXPECTED

Cielo POV

SANA MAGUSTUHAN to ni Hannah. Hehe! Nakakakaba naman! Eh ibibigay ko lang naman to sa kaniya.. Kaya mo yan Cielo! Fighting!~

Naglalakad ako at kita ko na ang bahay nila Hannah.. Sampung hakbang palapit sa kanila.

Siyam..

Walo..

Pito..

Anim..

Lima..

Apat..

Tatlo..

Dalawa..

Isa..

Isang malalim na inhale at exhale bago mag doorbell. Hooooo!! Kaya mo yan Cielo!

*Ding-dong*

Pumihit ang seradura at lumabas ang isang magandang babae na sa tingin ko'y nasa late 30's ang edad. Ngumiti ako sa kanya at tinanong kung nandirito si Hannah at ito'y tumango lang at ako ay pinapasok sa kanilang tahanan.

Hindi maliit ang loob ng bahay nila. Pero nakakamangha lang dahil malawak pala ito sa loob kasi kung makikita sa labas parang ang liit lang. Malinis at maaliwalas ang paligid at hindi mo aakalaing may ganito ka-simple at kagandang bahay dahil ibang-iba talaga ang disenyo sa labas.

Umupo ako sa pang-dalawahang sofa na kulay asul habang inaantay si Hannah. Nakita kong bumaba ang Mommy niya galing taas at dumiretso sa kusina.

Kasunod nitong bumaba si Hannah at ngumiti ako sa kanya. Lumapit siya sa pwesto ko at hinawakan niya ako sa kamay at hinila niya ako paakyat sa kwarto niya.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at kinabahan. Anong gagawin namin sa kwarto niya? Gulp! Pero ng marating ko ang kwarto niya ay nilibot ko ang paningin sa loob nito.

Color green ang kulay ng pader, may isang kama at cabinet sa bandang kanan. Nasa kaliwa naman ang CR ng kwarto niya.

Malinis at mabango. Halatang babae ang gumagamit ng kwartong ito base sa mga design na nakakabit sa dingding.

"Bakit ka nagpunta dito? Anong kailangan mo?" walang emosyon niyang sabi

Napatingin ako sa gawi niya at nakitang nakaupo siya sa kama. Nag-init ang aking mukha at tila napahiya.

"M-may gusto kasi akong ibigay sayo." at iniabot ko sa kaniya ang binili ko kanina.

Tinignan niya iyon at tila naguluhan.

"Isang notebook at ballpen? Really?!" nakangiwi niyang sabi at napailing.

"A-alam ko namang marami kang notebook tsaka ballpen.. P-pero may dahilan naman ako kung bakit ko ibinigay sayo yan."

Tumingin siya sa pwesto ko at tinitigan ang mukha ko na parang nakakagulat ang mga sinabi ko.

"At ano namang dahilan yon?" Tumatangong sabi niya sakin.

"Gusto kitang maging kaibigan, kaya ibinigay ko yang notebook para maging diary mo. Ilalagay mo lahat ng ginawa naten sa bawat araw para hindi mo makalimutan." kinakabahang sabi ko.

Baka hindi siya pumayag? Hayyst.. sana pumayag please!

Nakatingin lang siya sakin ng ilang minuto at ganon din ako sakaniya. Maya-maya ay yumuko siya.

"Bakit sa akin mo'to ginagawa? Hindi kaba napapagod na sundan ako kahit saan? Marami namang iba diyan na gusto ka maging kaibigan, b-bakit ako pa?" hindi ko makita ang kaniyang itsura dahil nakayuko siya pero ramdam ko ang lungkot at pagkairita niya sa sinabi.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ganon ba kahirap para sa kaniya na magkaroon ng kaibigan? Pwes! Hindi ako susuko! Hindi ko siya susukuan hanggat hindi kami nagiging magkaibigan! Aja!

"I can't be friends with you.. I have Dissociative Amnesia." sinabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Napatulala ako sa sinabi niya at nanlaki ang mga mata ko.

Bakit ganon kahit alam ko na ang sakit niya at nung siya mismo ang nagbanggit sa bagay na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Nakakagulat at nakakakaba.

Hindi mawala sa isipan ko kung ano nga ba ang nangyari sa kaniya at bakit siya nagkaroon non?

***

Hannah POV

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ipinipilit ang sarili niya saakin para lang maging kaibigan ko. Haysst!

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang notebook na ibinigay niya.

Hindi ko alam kung anong nag-udyok sakin at binuklat ito. Maganda ang sulat-kamay niya. Mukhang hindi lalaki ang sumulat ng mga letrang ito.

To: Hannah Montes

I startled you with this sudden diary exchange right? Pero, salamat sa pagbabasa nito. Ako nga pala si Cielo Cortes from the same class. Now, that we're in fourth year, we became classmates. Well, uh... today is Monday. Monday is when M5H releases a new issue for this week. Bumili ako ng kopya after school.

Friends for a Week [HIATUS]Where stories live. Discover now