KABANATA 11
TOGETHERThird Person
"Sino ang magtatapon nang basura ngayon? Bato, bato, pick!" sabi ni Angelo.
"Yay!" tuwang-tuwa ani naman ni Kate.
"I lost" sabay na sabat ni Jane habang napapakamot na lamang sa batok si Jay na kasama niyang natalo sa laro.
"Jane, we're sorry!" sabi ni Kyla kasama ang nakangiting si Kate.
"Gusto ko ng Ice Cream!" baling ni Kate kay Kyla.
"Ayy! Gusto ko yan! Bili tayo mamaya paglabas." sagot naman ni Kyla sa kaibigan.
"Hey! I heard may bago raw bukas na shop!" ani ni Kate habang nag-aayos ng upuan.
"What's it?" tugon muli ni Kyla habang pinupunasan ang whiteboard.
"Ang alam ko ay nandyan lang sa kabilang tawiran eh!" ani ni Kate
"Kabilang tawiran?" nakakunot-noong sabi ni Kyla.
"Oo, sa bandang kanan. Yung makulay yung labas ng shop." sagot ni Kate.
"I'm sorry." sabi ni Hannah nang mabangga kay Kate na kaklase niya.
Nagkatinginan sina Kyla at Kate sa papalayong dalaga.
Naglalakad naman ng dere-deretso si Hannah papalabas at nang makarating sa locker ay binuksan niya ang kaniyang bag para sana kuhain ang diary at ilagay yon roon sa loob ng locker ngunit pagtingin niya rito ay wala ron ang diary.
Dali-dali siyang bumalik ng classroom para kunin ito. Nang matapat sa pintuan ay napatigil siya ng marinig ang pag-uusap nang dalawang kaklase sa loob.
"Hey, hey! Did you notice that Hannah has been acting kinda weird recently?" sabi ni Kyla sa kaibigan.
"You see, she smiles on her own at times." dugtong pa nito.
"Oh? I wonder kung ano kaya ang nangyayari sa isang yon." sagot naman ni Kate.
Sa kabilang dako naman ay dumating ang magkaibigang sina Carl at Amy. Napansin nila si Hannah na nakatayo sa labas ng kanilang classroom.
"Nung isang araw, tinitignan niya yung notebook while grinning creepily." nakangiwing sabi ni Kyla at tumayo sa pagkakaupo.
"No way! That seems nakakatakot." di makapaniwalang tugon naman ni Kate.
"It is! Hey, diba ito yung seat ni Hannah, right?" naglalakad na ani ni Kyla pagtungo sa mesang iyon. Pagyuko niya sa ilalim ng mesa nito ay nakita niya roon ang isang notebook at nakangising kinuha iyon habang iwinawagayway at tila ipinapakita sa kaibigan.
Dahil don ay napalingon si Hannah na nakikinig sa labas at papasukin na sana ang loob ng maunahan siya ng kung sino.
Natigilan ang tawanan ng dalawang magkaibigan nang makita si Carl na pumasok sa loob ng room.
"It is really that funny to look at somebody's notebook without their permission?" nakatiim-bagang na ani ni Carl sa dalawa.
"No way! Nakikinig ka sa usapan naming dalawa?" gulat na sabi ni Kate sa lalaki.
"Rinig na rinig ang mga boses niyo mula pa sa hallway ng mga locker." seryosong sabi ni Carl.
Napayuko ang dalawa dahil sa kahihiyan at sa paghuli nito sa kanila sa akto. Inilahad ni Carl ang palad niya sa harap ni Kyla at nagugulat itong tinignan ng huli ngunit sa huli ay ibinigay din niya ang notebook dito.
"What's creepier is you looking into someone's stuff as you talk trash and laugh behind her back." ani ni Carl sabay talikod sa dalawa at lumapit kay Hannah.
YOU ARE READING
Friends for a Week [HIATUS]
Teen FictionHannah Montes is experiencing Dissociative Amnesia since through Middle School. Cielo Cortes is a young, wild and free boy who have talents in painting yet stubborn and naughty at all times. One day, Cielo found an ID in the library and sniffs it as...