KABANATA 12

60 22 20
                                    

KABANATA 12 
FIREWORKS

Cielo POV

      NANDITO NA kami malapit sa Beollia Bridge kung saan gaganapin mamayang gabi ang Fireworks Display. Excited na ako at kinakabahan dahil baka hindi dumating si Hannah. Kahit na pumayag siya at sumang-ayon na darating nga siya ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang hindi mag-alala.

Limang minuto ang nakalipas nang matanaw ko na siya sa dulo. Hindi ko namalayan ang pag-angat ng labi ko at tuluyan na nga itong naging ngiti. Ang ganda niya!

Suot niya ay isang dress na kulay puti, at ribbon lamang ang design non sa bandang bewang. Tsaka isang wedge na beige ang kulay. Simple pero napaka-eleganteng tignan. 

Wala siyang ibang make-up kundi pulbos at lip gloss lang ang nasa mukha niya. Higit na nagmumukha siyang anghel sa paningin ko. Napakaganda niya! Maganda na siya ng walang make-up at kung maglalagay man siya ay higit na mas gaganda siya. 

"Sorry, pinaghintay ko pa kayo." 

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil mas lalong nakakabighani ang ganda niya sa malapitan. Nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha mula sa pagiging masaya ay naging malungkot ito.

"Does it look weird?" nakakunot-noo na niyang sabi sakin.

"No, not at all." iling-iling kong sabi sa kaniya.

"It suits you so well." dugtong ko pa ng nakangiti na at ngumiti na rin siya.

"Seriously, do you even see us, Cielo? We're here too, you know?" nakangusong sabi ni Amy nang bumaling ako.

"E-eh? You were here?" nagugulat kong sabi sa kaniya at kay Carl na naka-poker face lang sa gilid.


***

Naglalakad na kami sa loob at mula sa labas hanggang dito sa loob ay maraming nagtayo ng booth at ilang paninda. Marami ang taong nagsipunta para sa mamayang event at may nakita rin akong ilang turista na nandito rin.

"Alam mo ba kung saan natin makikita iyon?" tanong sakin ni Amy sa bandang kaliwa ko kaya napalingon ako sa kaniya at umiling. Hindi ko alam kung saan magandang pumesto mamaya. Para kitang-kita sana namin nang buo ang mga fireworks.

"There's this awesome place I found! Can we go there?" nakangiting sabi ni Amy at tumingin sa akin.

"Here we go. I guess we could go there." tumatangong sagot ko sa kaniya at bumaling sa likod kung nasaan si Hannah at ngumiti.

Ngumiti din siya at iniabot sa akin ang isang paper bag. Nagulat ako at kinuha ko iyon sa kaniya. Binuksan ko ito at nakita doon ang diary kaya napaangat ako ng tingin sa mukha niya.

"Thank you." nakangiting ani ko at sinuklian niya lamang din ako ng isang ngiti.

"The streetlight is about to change color." baling samin ni Amy at tinuro ang mga streetlight na unti-unti na ngang nagbabago ang kulay ng ilaw.

"Let's run!" sabi pa niya saamin sabay takbo kaya wala din kaming nagawa kundi ang tumakbo na lang din.

"Hurry, hurry!" sigaw na ni Amy na nauuna samin kasunod si Carl.


***

Hannah POV

Tumakbo kami nang sabihin ni Amy na kailangan na namin magmadali para maabutan namin ang magandang pwesto na sinasabi niya samin kanina. Nauuna si Amy kasunod si Carl at nasa harap ko naman si Cielo at ako ang nahuhuli sa aming apat. May iilan na rin ang tumatakbo kaya nagmadali pa ako sa pagtakbo nang di sinasadya ay nakabangga ako.

"I'm sorry." hingi kong tawad sabay kuha ng bag niyang nalaglag sa sahig at iniabot ito sa kaniya.

"It's dangerous to rush off! Please don't run into each other!" sabi ng kasama niya na mukhang boyfriend pa ata.

Humingi na lang ulit ako ng tawad at ganon din si ate na nakabangga ko. Pagkatapos ay lakad-takbo na ang ginawa ko nang maabutan naman ako ngayon ng 'Stop signal' kaya nag-antay pa ako ng ilang segundo bago mag 'Go signal' atsaka pa lamang ako nakatawid.

Hinanap ko sila pero hindi ko na makita pa ang isa sa kanila. Tumingin-tingin pa ako sa paligid nang masanggi ako ng isang tumatakbong lalaki sa aking likuran na siyang ikinatumba ng aking katawan kung hindi lamang ako nahawakan sa kamay upang hindi iyon tuluyang mangyari.

Tinignan ko kung sino iyon at nang mag-angat ako ng tingin ay si Cielo pala iyon. Nag-aalala ang makikita sa mukha niya.

"Are you okay? I'm glad I caught you." sabi niya at binitawan na ang aking kamay na hawak niya sa aking pansambot.

"I panicked, maiisip ko pa lang na hindi kita makikita ulit if we got separated since wala ka pa man ding dalang phone." nag-aalalang sambit niya pero kalaunan ay napangiti na lang din.

"Those guys are looking for a spot for us. Let's join them too." tumango ako sa sinabi niya at ngumiti na lamang habang nakasunod sa kaniya papasok sa loob.


***

Alas-syete na ng gabi at hindi namin makita sila Amy at Carl.

"Really.. Where'd they do?" sabi ko kay Cielo habang paakyat kami.

"Carl..." sigaw pa niya ulit nang palinga-linga.

"Sorry about this, Hannah." baling na niya sa akin at tumango na lamang ako.

Nauna na siya sakin at palinga-linga pa rin sa buong lugar.

"Where the heck are they?" narinig ko pang bulong niya at napapakamot na lang sa batok.

Nandito kami sa may mataas na pwesto at isa ito sa may pinaka-magandang pwesto rito. Tumingin ako sa bandang ibaba at pinagmasdan sila mula sa aming pwesto. Nakita kong ganon din ang ginawa niya matapos akong tignan.

"I thought before that I wanted to hurry at tapusin na agad ang high school life ko tapos ay maghahanap ng part-time job." paunang sambit ko habang nakaharap sa mga nagkakasiyahan sa ibaba.

Lumingon siya sa gawi ko at hindi ko iyon nilingon bagkus ay ngumiti na lamang ako at nagpatuloy.

"But it's different now. I no longer hate it when Monday comes.. I'm no longer afraid of making new friends too." masayang ani ko at sobrang nakakagaan sa pakiramdam.

"Hannah.." sabi niya at tila hindi alam ang sasabihin.

"Cielo, thank you." nakangiti kong sambit sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

Unti-unti ay umangat ang labi niya at naging isang ngiti iyon kasabay nang pagputok ng fireworks sa kalangitan. Sabay kaming napabaling ron at napakaganda niyon. 

Wow! Nakakamangha lalo na at nasa itaas kami nakapwesto.

Friends for a Week [HIATUS]Where stories live. Discover now