KABANATA 6
GIRL
Hannah POV
NATAPOS KO nang sagutan ang nasa pisara kaya umupo na ako. Tinignan iyon ng prof at tumango. Mukhang satisfied sa naging sagot ko.
"You did well Miss Montes" nakangiting sabi niya sa akin kaya ngumiti na lang din ako.
"I will give out some test. If you fail, you will need to stay back after class for a retest." ani ng prof sa amin lahat at ipinamigay ang mga papel pagkatapos.
To: Hannah Montes
Ipinahiram ko ang M5H Magazine na ibinili ko kahapon sa mga juniors at pinagpasahan nila iyon paikot hanggang bumalik sa akin. Hahaha! Ang saya nila tignan at ang kukulit.
***
Kinuha ko ang diary sa bag. Naisipan kong basahin ito habang inaantay si Mommy na sunduin ako after class. Nakakalibang ang pagbabasa ng diary na ito. Hindi ko alam kung bakit naaaliw ako sa mga kwento niya bawat araw.
To: Hannah Montes
Today is Wednesday. And by Wednesday, it's the day of hell wherein there are three math classes for this day. Para sa akin I always "engage" in creative activities during math lessons. Hindi naman sa nahihirapan ako sa subject na iyon. Kundi I draw in the middle of class in order not to fall asleep during discussions. Hehe.. secret lang natin yon ah? Huwag mong sasabihin kay prof. Shhh!!
"Hannah, Anak." napalingon ako sa boses na iyon. Nandyan na pala si Mommy. Tinago ko ang diary at pasimpleng nilagay sa loob ng bag upang hindi niya makita. Naglakad ako papunta sa kaniya at hinalikan ang pisngi niya na ikinatawa niya.
"Mom?" sabi ko sa kaniya at lumingon siya sa aking pwesto.
"Did you experience doing an exchange diary?"tanong ko sa kanya at napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto din ako. Ilang segundo lang at itinuloy niya muli ang paglalakad kaya sumunod agad ako.
"Hmm... Exchange diary, huh? Brings a lot of memories. Ginawa ko dati kasama ang isang kaibigan noong grade school kami." nakangiti niyang sabi at mukhang binalikan ang mga pangyayaring iyon.
"She was the one who made me take notice of my feelings I have for some other guy through the diary." natatawang sabi niya sakin kaya napangiti na lang ako.
"Makes you think so mature, right? Kahit na mga bata pa lang kami at isa pang grade school. Nakakatulong iyon para ma-express ang feeling niya sa mga bagay-bagay na hindi niya masabi sa school. I really had fun with it." dugtong niya pa.
"What's up with the exchange diary, by the way?" tanong niya sa akin kaya napalingon agad ako.
"Hmm... nothing particular." sabi ko at yumuko. Kinabahan ako sa di malamang dahilan. Wala namang dapat na ikabahala dahil diary lamang iyon at normal yon sa lahat ng tao.
"Hannah" boses iyon ng isang babae sa bandang likuran namin.
Napatingin kami ni Mommy sa kaniya. Kilala niya ako? Sino ba siya? Hindi ko na matandaan kung paano niya ako nakilala.
"It's been a while Mika. Anong ginagawa mo dito?" nakangiting sabi ni Mommy sa babae.
"Ah.. kakatapos lang po ng volleyball practice namin." nakangiting sabi nung babae kay Mommy.
"I see. Naglalaro ka pa rin pala ng Volleyball." tumatangong sabi ni Mommy.
Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Mommy. Hindi ko talaga siya maalala kahit anong pilit ko. Haystt!
Ganon na lang ang gulat ko nang iangat ko ang ulo ko at magtama ang mga mata namin nung babae.
"Hannah.. Are you doing well?" tanong niya sa akin ngunit hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko at alam ni Mommy ang bagay na ganito.
"Mika, pasensya na at nagmamadali kami eh. Sa susunod na lang ulit." paalam na sabi ni Mommy at hinawakan na ang kamay ko para umalis sa lugar na iyon.
***
Third Person
Nagluluto ng hapunan si Misis Montes nang marinig ang pagbukas ng pintuan kung kaya't ito ay kaniyang nilingon.
"I'm home." sabi ng kaniyang asawa
"Hmm.. welcome back." nakangiti nitong sabi.
"Ito na ba yung dumating na package?" tanong ng asawa habang hawak-hawak ang papel roon na nakalagay kanina sa mesa.
"Yes, kanina lang dumating." tugon nito.
"Nasaan si Hannah?" tanong muli nito at umupo sa sofa habang binabasa ang padalang papel.
"Naliligo sa taas." sagot muli ng ginang.
Ilang minuto lang ay binitawan niya ang hinihiwang gulay at lumapit sa asawa na busy sa pagbabasa.
"Hon.. it's about Hannah." umupo ito sa katabing upuan.
"What happened?" nakangunot noo niyang sabi at tumingin sa ginang.
"Kinausap niya ako kanina kung I exchange diaries before. Hindi kaya.. nagpaplano siyang gumawa?" bakas ang pag-aalala nito base sa kaniyang itsura.
Napaisip naman ang kaniyang asawa at napabuntong hininga.
"The doctor said already. Mas maganda kung hindi siya makakahalubilo sa maraming tao. Hanggat maaga pa patigilin mo na ang bata sa gagawin niya." seryosong sabi nito at wala na ngang magagawa pa ang ginang kung hindi ang sumunod dito.
"Okay. You're right!" tumatangong sagot niya rito at tumayo na upang ituloy ang inihahandang hapunan.
YOU ARE READING
Friends for a Week [HIATUS]
Novela JuvenilHannah Montes is experiencing Dissociative Amnesia since through Middle School. Cielo Cortes is a young, wild and free boy who have talents in painting yet stubborn and naughty at all times. One day, Cielo found an ID in the library and sniffs it as...
![Friends for a Week [HIATUS]](https://img.wattpad.com/cover/143819152-64-k70986.jpg)