KABANATA 8
UMBRELLACielo POV
UMAKYAT KAMI sa rooftop ni Hannah. Masaya ako dahil mag-uusap daw kami. HAHAHA.
Pagkalingon ko sa kaniya ay nakatingin siya sa mukha ko. Hindi ko mabilang kung ilang minuto niya akong tinitigan at ganon din ako sa kaniya.
Maya-maya lamang ay nagsalita nako. Hindi ko kinakaya ang mabigat niyang mga tingin sakin.
"Is that it? It's about the diary, right?" nahihiyang sabi ko sa kaniya.
"Ano.. Lahat ng memories ko kasama ang ilang kaibigan ay nawawala pagkatapos ng isang linggo. My memory gets reset. That's the illness I have.." nakayukong sabi niya.
Nakaramdam ako ng lungkot at awa sa kaniya. Hindi ko alam na maaaring sobrang bigat niya itong dinadala araw-araw. Haysst..
"Lahat ng alala ko sayo.. Lahat yon ay mawawala ulit kapag sumapit na ang araw ng Lunes. That's why I can't be friends with you." dugtong pa niya.
Mas lalo akong nalungkot sa sinabi niyang iyon.. 'Hindi ba niya kayang subukan?' Gusto ko siyang tulungan.. Gusto kong naroon ako sa tabi niya kapag kailangan niya..
"If I said, 'It doesn't matter' what will you do?" tanong ko sa kaniya.
"Nasasabi mo lang iyan ng madali dahil hindi mo naiintindihan ang issue ko." medyo naiinis niyang sabi.
"Pero.." bitin kong sabi.
"I don't want the people I became friends with, to go through such a hard predicament.." putol niya sa sinabi ko.
"Nangyari na'to dati, sinabi ko sa kanila isang beses ang tungkol sakin.. I didn't want to repeat themselves every time.. They would just say the same things many times.. Alam kong nakakapagod ang bagay na iyon, right?" kunot-noong sabi niya.
Natahimik ako at hindi ako makapagsalita. Bakit ganon? Ang bigat sa pakiramdam. Nakatingin ako sa maganda niyang mukha at nakikita ko don ang halo-halong emosyon.
"In my previous school, It seems like everyone turned away from me. I'm sure magiging pabigat at problema lamang ako sayo. Being friends with me will become a burden." ani niya pa habang nakatitig siya sa mata ko.
Kinuha niya ang diary sa loob ng bag niya at binigay sakin. Tapos ay isinakbit niya muli ang bag at umalis sa harapan ko. Tinignan ko ang diary sa mga kamay ko..
Hindi maaari.. hindi pwede ang ganito. Kaya lumingon ako sa dinaanan niya at hinabol siya.
Hindi pa siya nakakalabas ng pintuan kaya naabutan ko siya. Huminto ako sa harapan niya at dahil don ay napahinto rin siya sa paglalakad.
"Hannah.. please become friend with me!" malakas kong sabi.
Kinuha ko ang diary at iniabot sa kaniya. Sabay ngiti ng malaki. Utos yon at hindi tanong!
"I will definitely not get tired of this at hinding-hindi ka magiging burden sa akin kailanman.. Every time Monday comes, I'll keep on saying it.. Kahit ilang beses ko pang sabihin ay hinding-hindi ako mapapagod na ulit-ulitin na sabihin sayo ang 'Please become friends with me!' hehe."
Nakangiti at tuloy-tuloy kong sabi sa kaniya. Tinignan niya lamang ako at tila hindi alam ang gagawin. 'Kung tatanggapin ba niya ang notebook o hindi?'
***
Papasok nako ng room at nakita ko si Hannah sa upuan niya habang nagbabasa. Napangiti na lang ako at naglakad patungo sa upuan ko.
Ganon na lang ang gulat ko nang makita ang diary sa ilalim ng desk ko.. Bakit 'to nandito? sabi ko sa isip ko. Napatingin ako sa gawi niya at napaisip..
Uwian na at nagligpit na kami ng mga gamit. Palabas na ako ng makitang malakas ang ulan sa labas. Mabuti na lang ay dala ko ang payong ko.
Pagbaling ko sa kanan ay nakita ko dun si Hannah at nakatayo. Mukhang wala siyang dalang payong dahil nakatingala lamang ito sa makulimlim na kalangitan at tila malalim ang iniisip. Wala siyang hawak na payong.
Kinuha ko ang payong ko sa bag at lumipat sa pwesto niya. Naramdaman niyang may tao sa gilid niya kaya lumingon siya sa kinatatayuan ko.
"Meron pa akong extrang payong sa locker.. gamitin mo na'tong akin." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"P-pero.." nahihiyang sabi niya. Natawa ako dahil don.
"It's okay. Take it! Here.." sabay lagay ko ng diary sa bag niya tapos ay binuksan ko ang payong at inihawak yon sa kamay niya.
Nahihiya man ay kinuha niya din ang payong kaya naman lalong lumaki ang ngiti sa labi ko. Haystt.. Hindi ko na alam ang gagawin sayo.. hahaha!
Nag-umpisa na siyang maglakad at maya-maya lang ay lumingon siya sa pwesto ko. Kumaway na lang ako at nagpaalam ulit habang nakangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/143819152-288-k70986.jpg)
YOU ARE READING
Friends for a Week [HIATUS]
Teen FictionHannah Montes is experiencing Dissociative Amnesia since through Middle School. Cielo Cortes is a young, wild and free boy who have talents in painting yet stubborn and naughty at all times. One day, Cielo found an ID in the library and sniffs it as...