KABANATA 14
FATHERCielo POV
"Excuse me! We're Hannah Montes parents. Where is her room?"
Narinig ko ang boses ng isang lalaki di kalayuan sa aking pwesto may kasama siyang babae sa kaniyang tabi at batid kong asawa niya ito dahil na rin sa sinabi niya sa nurse.
"She's over there." turo ng nurse sa kinalalagyan ni Hannah.
Tumayo ako at tinawag sila bago pa ito umalis. At narinig naman nila iyon kung kaya't lumingon sila sa aking pwesto.
"Uhmm... nice to meet you. I'm Hannah's classmate, Cielo Cortes po." sabi ko at nag bow.
Hindi ko alam kung bakit pa ako nag bow pero ginawa ko na sa sobrang kaba. Ako ang kasama niya ng dalhin namin siya sa hospital at baka isipin nilang ako ang may kasalan kung bakit siya ngayon nakaratay doon.
"You are Cielo Cortes, huh? I'm Hannah's father." sabi ng ama ni Hannah sa akin habang tinitignan niya ang kabuuan ko at tila sinusuri ang bawat detalye ng mukha ko na lalong nagpakaba sakin.
"Uhmm..." banggit kong muli bago sila tumalikod sa akin.
"Can we talk for a while later on?" ani ng ama ni Hannah.
Gusto ko sana silang maka-usap pero mukhang gugustuhin muna nilang makita si Hannah at kamustahin. Ang tanga ko naman at hindi ko kaagad napansin iyon.
"Of course po." sambit ko at tumango.
Tumango din siya sakin at tumalikod nang muli at nagtungo sa kwarto ni Hannah. Nanatili ako roong nakatayo nang dumating si Amy kasunod niya sa kaniyang likuran ang isang lalaki na nakita kong nakausap ni Hannah bago siya mawalan ng malay.
Umupo ang lalaki sa kinauupan ko kanina at humarap naman si Amy sakin at parehas kaming nakatayo malapit sa nurse station. Hinihintay ko pa rin ang pagdating ng Ama ni Hannah dahil may pag-uusapan pa kami at yun din ang sabi niya sakin bago sila pumasok sa loob.
"Her parents are already here so we should head home now." biglang sabi ni Amy matapos ang ilang minutong pananatili ron. Napatingin ako sa kaniya at tumingin siya sa akin at ganon din sa lalaki.
Tumayo ang lalaki matapos sabihin iyon ni Amy at naglakad ngunit napahinto nang magsalita ako.
"I'll stay for a while." ani ko.
"Understood. Let's go!" tugon ng lalaki at hinarap si Amy at tumango naman ang huli.
Sinundan ko sila habang sabay silang naglalakad palabas. Nang tuluyan na silang mawala sa aking paningin ay lumingon ako sa mga upuan at doon umupo habang naghihintay.
Makalipas lamang ang ilang segundo ay lumabas na ang Ama ni Hannah at nagtungo sa aking pwesto na kinagulat ko pa dahil sa hindi ko namalayan ang kaniyang presensiya.
"Sorry for making you wait." sabi niya sakin at tuluyan nang nakalapit.
"No, not at all." sagot ko matapos tumayo.
"Let's take a seat." inilahad niya ang mga upuan sa aking likuran at sumang-ayon naman ako agad pagkatapos ay sabay kaming umupo sa isang mahabang upuan roon.
Yung kaba ko kanina ay bumalik dahil kasama ko nang muli ang Ama ni Hannah at magkalapit pa kami. Hindi ko alam kung paaano uumpisahan magpaliwanag sa mga nangyari. At ganon na lang ang gulat ko sa kaniyang sinabi.
"I am really grateful to you, Cielo." una niyang bati na ikanatulala ko naman.
"Hannah has become quite cheerful recently. At lahat nang iyon ay dahil sayo. I really thank you so much." dugtong pa niya. Hindi ko alam pero nawala ang kabang nararamdam ko sa mga sinabi niya sakin at tila nagkaroon ng ngiti ang labi ko nang hindi ko namamalayan.
"Hindi naman po, that's too much." ani ko na tila nahihiya.
Ngumiti siya sa naging reaksyon ko at nagpatuloy sa kaniyang mga sasabihin.
"You know about how Hannah doesn't remember her friends, right?" sabi niya sabay tingin sakin.
"Opo." sagot ko naman at tumango pa.
"What caused that was a road accident that happened while she was in high school." ani niya na ikinabigla ko. Ganon pala ang nangyari sa kaniya kaya siya nagkaroon ng Amnesia.
"Ang sabi ng Doctor na tumingin sa kaniya ay may possibility that her interacting with friends must be affecting her... so he told that she needed to have a change in her environment. That's why we had her transferred." tuloy niya at matamang nakatingin lamang ako sa kaniya.
Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sa buhay niya. Napaka-komplikado at masalimuot. Siguro, kung ako ang nasa kalagayan niya ay hindi ko rin alam ang gagawin ko kung makikipag-kaibigan paba ako o hindi na? Kung para naman sa magiging kaayusan ng kalagayan ko ay maaaring gawin ko nga ang ginawa ni Hannah una pa lamang.
Pero, hindi ako nagsisisi na pinilit ko ang sarili kong makipag-kaibigan kay Hannah dahil nagpapasalamat naman sa akin ang Ama niya kung bakit siya nagiging masiyahin at masigla these past few days.
Dahil sa ganoon ay nabibigyan ko kahit paano ang buhay niya ng sigla at pag-asang magkaroon muli ng mga kaibigan.
"It greatly worries us how we don't know what happened to her. I was looking over the progress of your exchange diary... Pero matapos ang mga nangyari ngayon... As I thought, it might be too early for her to make friends."
Nabalik ang isip ko nang marinig kong nagsalita ang Ama ni Hannah sakin at tila sumibol muli ang kaba sa aking dibdib. Mukhang hindi ko magugustuhan ang mga susunod niyang sasambitin kaya napabuntong hininga na lamang ako.
YOU ARE READING
Friends for a Week [HIATUS]
JugendliteraturHannah Montes is experiencing Dissociative Amnesia since through Middle School. Cielo Cortes is a young, wild and free boy who have talents in painting yet stubborn and naughty at all times. One day, Cielo found an ID in the library and sniffs it as...