KABANATA 7
ALBUMHannah POV
KAKATAPOS KO lang maligo kaya nagtungo na ako sa kama para humiga. Binuksan ko ang aircon at ipinikit ang aking mata.
Ilang minuto lang ay idinilat ko ito muli. Hindi ako makatulog haysst! Naisipan kong basahin ang diary. Tumayo ako at lumapit sa aking study table. Kinuha ko ang bag ko malapit ron at inilabas ang diary mula sa loob.
Napatitig ako don. Ilang segundo lang ay binuklat ko ito at itinuloy ang pagbabasa mula kanina.
To: Hannah
Today is Thursday. We had History class. It was through this lesson where Kino Tsureki kept a diary that gave me an idea for the exchange diary. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko rin maiisip ito e. hahaha~
Inilipat ko ang pahina pagkatapos at iyon naman ang binasa ko..
To: Hannah
Today is Friday. Kailangan ko nang ibigay ang diary na ito kay Hannah. Ang lakas nang tibok ng puso ko at para itong sasabog. I bought an easy-to-write-with pen together with notebook. Please do use it. I'm from the Arts Club, kaya walang halong doubts ang mga words ko. Hehe.. Speaking of clubs, saang club ka pala galing sa dati mong school?
Matapos kong mabasa iyon ay kinuha ko ang pink na ballpen kasama nung diary. Napaisip ako sa sinabi niya. Hmm.. Tumayo ako at nagpunta sa closet ko. Aha! You're here..
Kinuha ko ang box sa ilalim non at inilabas iyon. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang album don. Binuklat ko ito.. May kuha ako ron nung nasa loob ng classroom. May kuha rin ng buong school. Meron din ang court kung nasaan ang mga basketball varsity maging ang volleyball varsity. Masayang-masayang ang mga ngiti don tila nanalo sila sa isang kompetisyon..
Nahagip ng mata ko at napatitig ako sa larawang iyon. Naroon ako nakangiti kasama ang ilang volleyball players. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.
TOK TOK!
May kumatok sa pinto kaya ibinalik ko ang album sa loob ng box pagkatapos ay tumayo at binuksan ang pintuan. Si Mom ang naroon. Ngumiti siya sakin.
"Pwede ba akong pumasok?" tanong niya sakin. Tumango ako bilang sagot at tumabi para makapasok siya.
"Are you planning to exchange diary with someone?" napatitig ako sa mukha ni Mommy at nagulat. Mukhang naalala niya ang naging usapan namin kanina.. Tch.
"Your father is feeling worried." nakangiti ngunit nag-aalalang sabi ni Mom. Haysst..
"It's fine. Nothing to worry about.. I'm going to sleep now. Goodnight." ani ko sa kaniya ng dere-deretso. Tila nagulat siya ron ngunit wala ng nagawa pa kundi ang tumango.
"Goodnight." nakangiti na niyang sabi sakin at lumabas na nang kwarto ko.
Tinungo ko ang kama at nahiga muli don. Narinig ko ang pagsarado ng pinto hudyat na nakaalis na nga si Mommy. At tsaka ko lamang ipinikit ang aking mga mata. Haysst..
***
Cielo POV
Tinitignan ko ang drawing na ginawa ko sa libro. Naramdaman kong may sumisilip sa gilid at nakitang si Angelo iyon. Kaya isinara ko agad ang libro. Isang junior sa Arts Club.
"It's about time that you showed me that already, kuya." nakangusong sabi niya.
"No way." sabi ko sabay belat at tayo.
"Come on, it's fine right? Kuya!" nagmamakaawang sabi niya.
Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang libro sa loob non.
"Aalis nako. Bye.." paalam ko sa kanila.
"Bye.." ani ni Dave
"Be well.." sabat naman ni Axel
"Thanks for your hardwork." at sabi ni Ken
Ngumiti na lamang ako sa kanila at nagpaalam muli habang kumakaway.
Hahaha! Nakita ko pang nakanguso si Angelo habang nakatingin sakin... Cute!
Lumabas na ako ng Arts Club room at sinarado ang pinto. Paglingon ko ay naroon si Hannah at nakatingin sakin. Nakakagulat naman 'to! Aatakihin pa ata ako sa puso nito e.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita siya sa harapan ko at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"Please come to the rooftop." seryosong sabi niya.
"S-sige" kinakabahang sagot ko.
Shet! Ano 'to? Ibig bang sabihin ay pumapayag na siyang maging kaibigan ko? Mag-uumpisa naba kami sa pagpapakilala? Ayy bobo ka self! Hindi niya nga pala maaalala yon hanggat hindi nakasulat sa diary yun! Argh..
Umalis siya pagkasabi niya non. Napangiti ako dahil don. Pakshet! Ito na talaga! Waaahhhh!
YOU ARE READING
Friends for a Week [HIATUS]
Teen FictionHannah Montes is experiencing Dissociative Amnesia since through Middle School. Cielo Cortes is a young, wild and free boy who have talents in painting yet stubborn and naughty at all times. One day, Cielo found an ID in the library and sniffs it as...