Kabanata 8

1.3K 35 2
                                    

Kabanata 8

Zayn's POV

Para na akong tanga dito sa shop naka shades pa kahit walang araw sa loob, panira ng mukha yung isa eh.. Laki ng blackeye ko!!

Limang slice na ng cake ang na uubos ko dito pero hindi pa rin ako pinapansin ng babeng ito.. Kanina pa ako nakatambay!.. Lahat pinapansin na ako pero siya wala!!.. Aiiisht! Ang arte! Akala mo maganda.. Haay~ Alright! Fine! Oo na! Maganda siya =_=

Ito namang si Rain mas pini-pressure pa ako! Madami na daw customer sa studio..!! Paano ko naman aasikasuhin yun eh may isa pa akong inaasikaso!! Mas malaki pera dito eh kaya mas focus ako dito.. Bahala na muna yang iba diyan!!.. >:)

Sumakto naman akong busy ang lahat at yung babaeng yun ang available bago ako nag order ulit..

"Waiter.."

"Yes sir.." Naku naman oh!! Bat ba siya ang lapit ng lapit dito??!!..

"Isang slice po ulit ng strawberry cake sir??"

"Ahh.. Hindi.. Hindi.." Ano bang problema niya! Pa cute ng pa cute -_-..

"Gusto ko sana siya mag asikaso sa akin.." Sabay nguso ko ..

"Ahhh. Si Isabella.. Sabagay special request siya palagi.. Wait muna sir tatawagin ko.." Special request?? Huh!! Yan??! Talaga?? ~_~ teka nga lang ano ba tong shop nila?.. Pang bugaw? -_-

"Magandang araw po sir.. Ano po ang sa inyo?.."

"Ikaw.." I said

"Po?.." Halatang nagulat siya.. Kinuha ko naman ang glasses para ma recognize niya ako..

"Z-zayn.."

"Wag mo akong tawaging Zayn! Di tayo close.." Tumahimik naman siya..

"Wag mo na akong pahirapan pwede ba!! Pumayag ka na kasi.."

"Hindi pa ba maliwanag sa iyo?."

"Hindi! Hindi ako susuko hanggang di ka pumapayag!!.."

"Sagutin mo na yan Isabella" biglang hirit nung babae.. Seriously??..

"Hindi naman siya nanliligaw" Isabella

"Asus! Deny pa?.. Sagutin mo na kasi.." Sabay siko ng girl kay Isabella.. Kaya naman medyo natalisod siya at nahulog ang kutsharita.. Ang lampa niya! ~_~ .. Hilig matalisod..

Tumayo naman ako para kunin ito sa ilalim ng lamesa..

"Naku!! Lumuhod pa siya oh.. Ahhhhhhhh!"

"Sagutin mo na yan Isabella!!.."

"Sagutin mo na yan Miss pogi naman.."

Seryoso?? Ano bang pinagsasabi nila?? Eh may nahulog lang eh..

"Naku! Mali kayo ng iniisip.." Sabi niya..

Tumayo naman ako kaagad nung makuha ko na ang kutsarita..

*bogsh!

"Aray!.."

"Oi.. Ayos ka lang pogi..?"

"Ayos ka lang?.." Tanong ni Isabella.. Mukha ba akong maayos? -_-.. Nagtanong pa talaga!..

"What's wrong here?.." Patay! Si Tita Alice..

"Zayn?.. Nandito ka pala?.. Oh anong nangyari bat himas-himas mo yang ulo mo?.."

"Na untog po siya sa lamesa Ma'am.." Sabi nung isang babaeng..

"Talaga?.. Naku! Isabella kumuha ka ng ice sa ref tapos tulungan mo si Zayn para di siya magka bukol.."

"Opo ma'am.."

//

"Ako na kaya ko naman.." Pilit kong kinukuha sa kanya ang yelo..

"Ako na.. Mapapagalitan ako ni Ma'am Alice pag pinabayaan kita.."

"Psssh!!.. Bahala ka nga.." Naka upo ako at siya naman nakatayo lang habang nilalagay ang yelo sa part na natamaan ng mesa..

Di ko naman namalayan naka titig na pala ako sa kanya.. It's true, unique nga yung mukha niya.. Very charming and sweet..

Bigla naman siyang lumingon kaya nataranta ako..

"A-akin na nga yang yelo.." Inagaw ko sa kanya ang yelo pero nahawakan ko ang kamay niya.. Segundo lang naman at inalis ko kaagad at ipinagpatuloy ko na ang pag lagay sa yelo..

"Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka.."

"O-okay.." Umalis naman siya kaagad.. Shit! Ano bang nangyayari sa akin.. Bat na uutal ako..?!!!!!!

//

Isabella's POV

"Ingat kayo.. Una na ako.." Sabi ko sa mga kasama ko at nagpatuloy na sa paglakad papuntang terminal ng jeep..

Habang naglalakad May napansin naman akong lalaking naka sandal sa pader habang naninigarilyo.. Nagdadalawang isip akong dumaan baka masamang tao siya, ngunit naglakas loob na lang ako dahil wala ng ibang daan papunta ng terminal..

Nung dumaan ako, tinignan niya ako, mukhang may balak siyang masama.. Hindi ko na lang siya pinansin at binilisan ang pag lalakad..

"Hoy Miss holdap to!.." Hinawakan niya ako. Naramdaman kong may itinusok siya sa aking tagiliran na isang matulis na bagay..

"M-manong w-wag po.."

"Anong wag po!! Holdap to!!"

"Holdap mo yang mukha mo!!!!"

*bogsssh!!

Nakawala naman ako sa pagkakawahawak niya ng biglang siyang suntukin ng isang lalaki..

"Pati babaeng walang laban pinapatulan mo!!"

*bogsh!!

Bigla namang tumakbo ang holdaper..

"Are you alright?.." Tanong niya

"Z-zayn?" O_O

 -SHE CAME FROM THE PAST

SEE YOU ON NEXT KABANATA ;)

VOTE, COMMENT, SHARE.. <3

- Gladys_Jane 

 

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon