Zoe's POV"Oh bakit mukhang gulat na gulat ata kayong dalawa?" I asked..
"I met her before"sabi ni kuya
"Talaga?.. Pano?"
"Sinampal niya ako.."
"What?.." Nakakagulat naman yun.. Tong mukhang to? Nanampal?
"May rason naman ako kung bakit kita sinampal.. Binastos mo ako.." Isabella
"Kuya?!!" Galit kong sabi sa kanya..
"Binastos? Hoy Miss ako na nga yung tumulong ako pa ngayon ang bastos ni hindi ka nga nagpasalamat eh!!"
"Dahil sinadya mo yun.. Sinadya mong mawala sa balanse.."
"Anong!! Hoy hindi ko yun sinadya noh! Talagang mabigat ka lang.."
"Op op op.. Tama na nga yan.."Pumagitna na ako sa kanilang dalawa.. Parang may kuryente effect na sa gitna nila eh..
"Zoe!! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.. But She can't stay here." Sabay umalis siya..
"Wag mo siyang pansinin Isabella.. Kumain ka lang diyan.. Okay?.. Kakakusapin ko siya.."
Hinabol ko naman si kuya at pinilit siyang dito na mag stay si Isa, nung una hindi ko talaga siya mapilit pero dahil sa pagmamakaawa ko ay napilit ko din.. Yun nga lang 1 month lang si Isa mag s-stay sa bahay.. Haaay~ . Kawawa naman si Isa.. Hinahanap pa naman niya yung parents niya, wala pa naman siyang ibang kilala dito..
Pero nung ipinaliwanag ko naman sa kanya naiintindihan niya naman daw si kuya kaya ngayon maghahanap daw siya ng work, di ko tuloy matulungan kasi may pasok pa ako.. Haaay~ naaawa ako sa kanya..
"Hey Zoe.. What's the matter?.." Sabay siko ni Rachel sa akin..
"May problema lang.."
"Mas malaki pa ba yan sa problema ko?.."
"Kung maka problema ka naman?.. Para nawala ka lang sa pagiging lead model eh.."
"That's a big problem for me.. You know that ever since I'm a kid that's my profession tapos marereject lang ako ng ganito?.."
"Wow! Kung maka reject ka naman diyan huh!!"
"It's true.. Yung kuya mo naman kasi hindi lang naman ako pinagtanggol kay President.."
"Eh talagang nakakasawa naman talaga yang pagmumukha mo eh.."
*boink!
"Aray! Mangbabatok talaga?"
"Inaaway niyo talaga akong magkapatid!!" =3= (pout)
"Haaaist! Wag ka na ngang mag emote diyan Rach.. Pasok na tayo sa room.." Tumayo ako at iniwan na siya.. Kaya ayun nag sisisigaw na naman ang gaga!.. Haaist! Hirap magkaroon ng bestfriend na baliw/maarte..
This college ko lang naging bestfriend si Rach, naging close lang din naman kami kasi magka work sila ni kuya, kaya ayun habang tumatagal nagiging close na kami at nagkataon pang pareho kami ng course.. hindi naman namin namalayan na araw-araw na pala kaming magkasama at kalaunan naging mag bestfriend kami..
Isabella's POV
Ang hirap palang humanap ng trabaho.. Kanina pa ako palibot-libot dito ngunit walang tumatanggap sa akin.. Kailangan daw nila ng mga papeles.. Wala naman akong maipakita sa kanila.. Haaay~.. Nahihiya na talaga ako kay Zoe, bago siya umalis kanina binigyan niya ako ng dalawang daan para daw pamasahe at pangbili ko ng pagkain sa paghahanap ng trabaho.. Mabuti na lang talaga at mabait siya kung wala siya ano na lang kaya ang mangyayari sa akin..
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang naghahanap ng puwedeng pagtanungan kung may trabaho ba silang maibibigay.. Mga ilang minuto na rin ako palakad-lakad.. Mukhang nauuhaw na ata ako
*bogsh!
"Sorry Miss.."Sabi ng lalaking nakabangga sa akin..
"Ayos lang po manong.." Masyado kasing maraming tao dito.. Kaya di mo talaga maiiwasang may mabangga ka.. Haay~ ganito na talaga siguro ang hinaharap, mabuti pa sa panahon namin, wala pa masyadong mga tao.. Presko pa ang kapaligiran at hindi magulo..
Humanap na muna ako ng pwdeng mapagbilhan ng tubig.. Nakahanap naman ako kaagad dahil marami namang mga tindahan ang nakapalibot kahit saan..
"Ale pabili po ng tubig.."
"Bente iha.." Dumukot ako sa bulsa para kunin ang pera..
"Sandali lang po ale huh." Bakit nawawala ang pera ko.. Hindi ko makita.. Nasan na ba yun.. Ang alam ko ay nandito lang yun sa aking bulsa..
"Ito po Manang Fe bayad.." May lalaking kumuha ng tubig ko..
"Teka po gino--" inabot niya sa akin ang tubig..
"Hindi mo napansin kanina, yung lalaking nakabangga sayo nanikawan ka niya.."
"Huh?.. T-talaga?.."
"Oo.. Kaya sa susunod miss mag ingat ka na, marami talagang magnanakaw dito.."
Tumalikod naman siya sa akin at humarap kay manang..
"Maayos na ba siya..?"
"Oo maraming salamat talaga sa tulong niyo.."
"Walang ano man po.. Basta kung may problema tawagan niyo lang ako.. Okay?.."
"Opo.. Salamat.." Nagpa-alam siya kay manang at umalis..
"Ginoo!.." Tumutulong siya sa ibang tao, siguro naman matutulungan niya din ako.. Hindi ko muna iisipin ang iisipin niya sa akin, ang importante ngayon ay magkaroon ako ng trabaho..
"Maari mo ba akong tulungan?"
//
"Come in.." Pumasok naman ako at sumunod sa kanya..
"Oh Timothy.. Bakit ka nandito? Wala kang work?."
"I'm on my way to work.. Dumaan lang ako kay Manag Fe, and oh I want you to meet Isabella.. She will be working here in the Cake Shop, your finding a waitress right?.."
"Yeah.. Sobrang kailangan ko talaga anak.. Nagiging busy na rin kasi dito sa shop.." Tinignan naman ako nung babae, kung hindi ako nagkakamali ay ina niya..
"Magandang araw po.." Bati ko..
"Hi, you look so sweet.. Bagay na bagay ka dito sa shop.. Can you start tommorow? just bring your papers with you.. Alright?"
"K-kasi po--"
"Mom it's okay.. No need for that.. She will be working for just a month.." Oo buwan, isang buwan lang ang inihingi ko sa kanya basta tanggapin niya lang ako ng walang ibibigay na papeles.. Pumayag naman siya sa condition ko..
"I think I need to go.. Male-late na ako sa work.. I'll just call you mom.." Umalis na siya pagkatapos magpa-alam sa ina niya..
Ako naman ay tinuruan kung anong magiging trabaho.. Dapat daw bukas ay alas sais ng umaga nandito na ako, ang sabi sa akin ni Ma'am Alice bente kwatro oras daw silang bukas kaya pwede daw na gabi ako magta-trabaho.. Ayos lang yun, ang importante may trabaho na ako.. Malaki naman ang sweldo, salamat na lang talaga at tinulungan ako ni Timothy.. May mga mababait pa rin palang tao dito sa hinaharap kahit papaano.. :)
-SHE CAME FROM THE PAST
SEE YOU ON NEXT KABANATA ;)
VOTE, COMMENT, SHARE.. <3
- - Gladys_Jane
BINABASA MO ANG
She came from the Past (COMPLETED)
Storie d'amoreHighest Rank #13 Can an ancient Filipino person understand a modern Filipino men? Isabella del Rosario is an ancient person, she was born in the year 1920. There are legends in their time, a well is believed to have access to the future. She acciden...