Kabanata 37

787 26 2
                                    

Kabanata 37

Zayn's POV

"Z-zayn" ang huling sinabi niya at nabagsak na siya ng tuluyan

mabuti na lang at nasalo ko siya kaya hindi nauntog ang ulo niya, kinarga ko siya kaagad at ipinasok sa hospital mabuti na lang talaga at hindi pa kami gaanong nakakalayo.

Sumigaw ako kaagad pag pasok namin.

"NURSE!" Biglang lumapit ang lalaking nurse na may dalang stretcher. Inihiga ko siya kaagad at nagpatuloy kami sa ER.

"Anong nangyari sa kanya?." Tanong ng nurse.

"Nahihilo siya kanina tapos maputla yung mukha niya at bigla na lang siyang nahimatay." Parang namumutla na din ako sa pag-aalala sa kanya. Sana walang mangyaring masama o malubhang karamdaman..

Nang makarating na kami sa ER inilipat siya sa kama at niligyan ng dextrose sa kamay, bigla dumating ang doctor at chineck kaagad ang hearbeat niya.

"Painumin niyo siya ng anti-depressant." Sabi ng doctor pagkatapos ay humarap na siya sa akin.

"Ikaw ba ang kamag-anak niya?." Tumango ako.

"May problema ba sa bahay niyo or anything na nangyari na pwedeng niyang ika depress?." Nag isip muna ako bago sumagot

"Wala naman po doc."

"Alright. Sa ngayon she's okay but keep an eye on her. Wala naman siyang malalang sakit. Depressed lang siya kaya nothing to worry. Kapag nagising na siya pwede mo na siyang e-uwi"

"Sige po Doc, Salamat." Umalis na ang Doctor at lumapit ako kaagad kay Isabella.

"Sir pag nagising na po siya paki inform na lang po kami." Sabi ng Nurse

"Okay. Salamat" At umalis na din sila.

Ibinalik ko ang tingin kay Isabella at hinawakan ang kamay niya.

"Depressed? Bakit Isabella? Ano ba talaga ang problema?. May dapat ba akong malaman?.."

//

4 days left..

*Fashion Show

Zoe's POV

At dahil hindi ako model, dito na lang ako sa audience.. Kasama ko si kuya Josh and ate Rena.. Marami ng tao ang nandito.. In a minute mags-start na rin yung fashion show.. Si kuya photographer ang drama, of course para naman may documentation yung show..

"Ate what's your plan for Christmas?.." Out of the blue natanong ko na lang, para may topic din kami. Hahaha. At tsaka 5 days na lang kaya Christmas na. Parang feeling ko may mangyayaring maganda. Nakaka-excite.

"Uhmm. Siguro sa morning sa family ko and pag eve sa bahay nina Josh.."

"Ohhh! Buti pa kayo makakasama mga family niyo.." Malungkot kong sagot.

"Don't be sad Zoe, di ba uuwi naman parents niyo.. Malay mo sa Christmas nila kayo e-susurprise.."

"Sana nga po ate.." Then nag weak smile ako.

Biglang namatay ang ilaw mags-start na siguro ang program.

"And for December's Issue of EFashion let us all welcome the Prince's and Princess's of EMag with our Queen, Isabella del Rosario" Isa-isang lumabas ang mga models with partners . Ang cu-cute ng mga damit nila. Para talaga silang Royal. WAAAAAAAAAAAAAA! Ka inggit. Sarap maging model.. Nung makalabas na silang lahat, last syempre yung Queen at pag labas ni Isabella, hiyawan kaagad ang mga tao. Grabeeeeeeeee! She's so pretty, georgeos, hot . LAHAT na!!!!

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon