Kabanata 18

991 30 0
                                    

Kabanata 18

Isabella's POV

Nasa loob na kami ng kotse ni Zayn, sinusuyod lang namin ang daan.. Ayoko din namang mag salita, mukhang galit kasi siya..

Akala ko naman hindi siya seryoso sa kanyang sinasabi..

Habang nasa byahe kami, napansin ko na lang hindi kami papunta sa bahay nila, ibang kalye ang nakikita ko..

"Zayn saan tayo pupunta?" Tanong ko

"Wag ka na lang mag salita. Okay?"

"Kasi parang hindi tayo papunta sa bahay niyo.. Saan ba tayo pupunta?"

"Wag ka na lang kasing mag tanong.. Hindi naman kita hoholdapin.."

"K-kasi baka mag-alala si Zoe.."

"Magde-date tayo. Okay!?"

"H-huh?.." Anong date ang sinasabi niya?.. Hindi ko maintindihan ang salitang iyon..

Zoe's POV

Haaay! Gutom na ako. Si kuya and Isabella hindi pa din dumadating.. Ayoko kayang kumain mag-isa noh! Tsaka si manang umuwi sa province nila kasi yung anak niya mangaganak na so nag leave siya ng 1 week.. Grrrrr! Kainis naman tong dalawang to eh!..

*dingdong *dingdong..

Ayos! Mukhang nandito na sila.. Lumabas naman ako kaagad ng bahay at binuksan ang gate..

"Hello Zoe :)"

"Rain?.."

"Oh bat gulat na gulat ka.. Halika na kain na tayo.." Pumasok siya ng bahay habang ako naman naiwan doon na nakatayo..

Zayn's POV

"Hindi ako sweet na tao kaya wag kang mag expect na sa isang restaurant tayo kakain.. Karenderya lang tayo!.. -_-" sabi ko habang papasok sa isang karenderya .. Wag siyang OA, psssh! Yung mga lalaking gumagasto para mapa impress lang ang girl.. Well, hindi kaya ako ganun!.. At tsaka ayokong gumastos sa isang babae lalo na pag hindi ko pa girlfriend.. Mas gusto ko mag effort pag akin na talaga ang isang babae.

//

"Ayaw mo bang kumain?" Tanong ko.. Nakatitig lang sa pagkain eh..

"Uhhhmm. Naguguluhan kasi ako.. Bakit mo ito ginagawa?"

"Hindi pa ba klaro sayo ang lahat?.."

"Ang alin?.." Tanong niya ulit.. Ang manhid ng babaeng to.. Grabe!.. >.<

"Psssh! Kung hindi mo gets. Tumahimik ka na lang.. Pwede?.."

//

Zoe's POV

"Say ahhhh" sabay abot niya sa akin ng food na nasa kutsara..

Nag pout lang ako habang tinititigan yung pagkain.. =3=

"Anong ginagawa mo? At tsaka pano mo nalaman na mag isa lang ako?.."

"Aiisht! Wag ka ng mag tanong.. Kain ka na lang.. Nangagawit na ako oh.." At dahil nakakaawa na ay isinubo ko na yung pagkain..

"Very good.. Kumain ka ng maayos huh.. Maaga ka pa bukas.."

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon