Kabanata 9

1.2K 32 0
                                    

Kabanata 9

Isabella's POV

Isinabay niya na ako pa uwi sa kanilang bahay.. Nasa sasakyan niya na kami ngayon..

"Ayos ka lang?" Tanong ko.. Nakita ko kasing medyo may dugo sa kamay niya at galos, at kung titignan mo parang kumikirot dahil nahihirapan siya sa pagmamaneho..

"Yeah.." Sagot niya..

Kawawa naman siya.. Ang dami niya ng pasa dahil sa akin..

"Pumapayag na ako.."

*scrrrreeeetchh.. Napahinto siya sa pagmamaneho..

"Huh??."

"Payag na ako sa pagkuha niyo sa akin bilang modelo.." Sabi ko ng dire-diretso ng hindi nkatingin sa kanya.

"Talaga??" Sabi niya

"O-oo.. P-pero may kondisyon sana ako.."

"Ano yun?.."

"Magtatrabaho pa din ako kay Ma'am Alice.. Lunes hanggang Biyernes ang aking trabaho sa kanya at kung maari Sabado at Linngo lang ako sa inyo magta-trabaho.."

"Sure!!.. Hindi naman araw-araw ang shoot eh.. Saturday bukas kaya sasama ka sa akin papuntang EFashion.. Okay?"

Kinabukasan

Zayn's POV

Ang tagal naman ng babaeng to mag ayos!! Diyos ko! Kalahating oras na ako nag hihintay..

Bigla namang bumukas ang pinto at nakikita ko na siyang naglalakad pababa ng hagdan.. Nagulat naman ako sa nakita ko..

"Are you sure you'll gonna wear that?" Nagpipigil na ako ng tawa..

"Bakit may masama ba sa suot ko?.."

"Pfffffffffffffffffft! Hahahaha! Nagtanong ka pa.. Isa ka ng modelo ngayon dapat hindi yan ang isuot mo.."

"Isabella!! Aalis na kayo? OMG! Bat yan ang suot mo?" Kung nakikita niyo lang.. Nagsuot siya ng dress na parang 19something pa na uso.. Hindi ko ma explain, basta ang masasabi ko sobrang lumang damit..

"Bakit Zoe? Anong problema sa suot ko?."

"I told you not to wear that dress again.. Di ba bumili na tayo ng mga damit mo tsaka may mga naibigay din ako sayo, sana yun na lang sinuot mo.."

"Mas kumportable kasi ako dito.."

"A big NO! Hindi ako makakapayag na yan ang suotin mo.. Halika dito aayusan kita.." Hinila naman ni Zoe si Isabella sa kwarto.. Naku naman!! Mag hihintay na naman ako -_-..

After an half hour.. Woooaaah! Kung nagulat ako kanina, mas nagulat ako ngayon.. Naka dress pa din siya pero yung mga usong damit ngayon, flowery white na kita ang pusod and sandals.. Di na masama.. Makinis din pala siya..

"Z-Zoe di ako komportable.. Magbibihis na lang ako.." Sabay binababa niya pa yung damit niya..

"Wag ka ng mag bihis late na tayo.. Halika na!!" Hinila ko na siya papuntang kotse at pumunta na kami sa EFashion..

//

Nang makarating na kami ay nag park kami kaagad pagkatapos ay pumunta na kami kaagad ng elevator..

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon