Kabanata 41

992 26 1
                                    

Kabanata 41

Zayn's POV

Mahirap man paniwalaan, pero naiintindihan ko na ang lahat. Nanggaling si Isabella sa ibang panahon.

Kaya pala may kakaiba sa kanya, maraming mga bagay na hindi siya pamilyar.

 Ang lumang damit niya, ang pananalita niya ng purong tagalog, yung unang beses niyang mka hawak ng cellphone at pati na din yung sa elevator. Mas naiitindihan ko na at napag tagpo-tagpo ko na ang lahat, lalong-lalo na ang taon pinanganak siya, 19920; 94 years ago na yun. Ang hindi ko lang maintindihan ay paano siya napadpad dito. Pero isa lang ang na iisip ko dahil yun sa balon.

Agad akong bumaba ng makarating kami sa park. Napansin ko ding bumaba si Zoe sa kotse at sumunod sa akin.

Lumapit ako sa balon at tinitigan ito.

"Kapag tumalon kaya ako dito makikita ko siya"

"KUYA!!!" Iritang sabi sa akin ni Zoe

Inilapit ko pa ang sarili sa balon at lumuhod upang mamasdan ito sa malapitan.

"Hindi ka man nagpa-alam ng maayos sa akin, hindi ako magagalit; alam kong ang mga desisyon mo ay tama Isabella, kung ito ang tama masaya ako sa desisyon mo" at itinapon ko ang hawak na bulaklak. Pabalik na kami sa kotse ng mapansin ko ang isang matandang lalaki na papalapit din sa balon, pinagmasdan ko siya habang naglalakad, nang makarating kami sa harap ng kotse ay tinitigan ko siya ulit. Nagtapon siya ng isang rosas sa balon. Napangiti ako at naisip na hindi nga panaginip ang mga nangyari noong kasama ko siya.

//

*Biboy's Party

"Kuya Ayn" bungad sa akin ni Biboy at yumakap sa paanan ko.

Lumuhod ako para magkapantay kami.

"Happy Birthday" bati ko sa kanya

"Bakit ngayon ka lang? At ate Lala wala?" Lumingon ako kay Zoe. Ngumiti siya ng pilit sa akin.

"Uhhhmmm. Biboy ang Ate Lala mo kasi nagka--"

"ATE LALA!" Hindi ko natapos ang sasabihin ng biglang tumakbo si Biboy, paglingon ko.

"Zaisa" bulong ni Zoe

"Babe si Isabella?" Tanong ni Rain

"Nope. She's Zaisa. Kuya's fiance"

"Zaisa?"

"Yeah! Long story babe, basta ang masasabi ko may mga bagay talagang hindi natin kayang ipaliwanag"

"Kuya Ayn!!" Biglang tawag sa akin ni Biboy, lumapit na din ako sa kanila. Kinarga ko si Biboy para magka pantay sila ni Zaisa

"Happy Birthday"

"Lamat ate Lala. Alam mo iba ngayon ka. Mas lalo gumanda" Ngumit na lang ako sa sinabi ni Biboy ganun din si Zaisa

"Biboy blow your candle na" tawag ni Sister sa kanya, ibinaba ko si Biboy at tumakbo siya papalapit kay Sister.

Biglang naging awkward ang feeling ko ng mapansing dalawa na lang pala kaming nakatayo dito. Talagang kamukhang-kamukha siya ni Isabella.

"Uhm. Your mom insisted, hinatid nila ako dito" medyo slang yung tagalog niya, yun ang pinagka iba nila ni Isabella.

"Punta na tayo dun" yaya' ko sa kanya. Una akong naglakad at sumunod naman siya sa akin

-She Came from the Past

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon