Kabanata 11
Timothy's POV
"Kuya Timo? Bakit wala ka po girlprend?" Tanong ng isang bata dito sa Orphanage habang kandong-kandong ko siya..
"Walang may gusto sa akin Isay eh.."
"Talaga? Eh gwapo ka po eh.. Ako na lang po girlprend mo :)"
"Sige.. Ikaw na lang girlfriend ko huh.." Sabay gulo ko sa buhok niya..
"Opo.. Sige Timo laro muna ako huh.." Umalis naman siya sa pagkandong ko
"Oh bakit Timo na lang tawag mo sa akin? Di ba dapat kuya Timo?.."
"Eh boyprend na po kita eh.. Kaya Timo na lang.. Sige babye.." Tumakbo naman siya papunta sa mga kalaro niya.. Ang kulit talaga ng batang yun..
Every Sunday pumupunta ako dito sa Orphanage, minsan kasama ko si mom and dad, pero busy silang dalawa ngayon kaya ako lang mag isa ang pumunta dito ngayon.. Likas talaga sa aming mag pamilya ang tumulong, may mga scholar din kami ngayon.. Ang isa nga sa kanila ay graduating na ng college.. Masarap talaga sa pakiramdam pag may natutulungan ka..
*boink
"Hoy! Ikaw Timo!.." May isang batang lalaking tinapunan ako ng bato, maliit lang naman.. Pero masakit pa din huh.. Sapul sa ulo eh!
"Anong problema Biboy?.. Di ba sabi ko sa inyo Kuya Timo ang itawag niyo sa akin.."
"Di na kita kuya! Agaw mo girlprend ko.."
"Huh? Sinong---- ahhhh! Hahahaha! Kayo talagang mga bata kayo.." Ginulo ko naman ang buhok niya..
"Wag hawak! Akin lang Isay! Akin lang! Bleeeeh!" Tapos ay tumakbo siya papunta kay Isay.. At ito namang si Isay, choosy pa.. Ayaw magpa hawak.. Hahaha! Nakakatuwa silang panoorin..
//
Pilipinas, 1940
Juliet's POV
Mag iisang Linggo na din simula nang mahulog si Isabella sa balon.. Halos hindi na rin ako makatulog sa mga nangyari, gabi-gabi ko na lamang napapanaginipan ang kanyang pagkahulog.. Hindi na ako makakain ng maayos..
Nung gabing iyon, dumiretso kaagad ako sa kanilang bahay at sinabi ko sa kanyang mga magulang ang nangyari.. Iyak ng iyak ang ina ni Isabella noon, ganoon din si Fredo, hindi niya din matanggap ang mga nangyari.. hindi ko talaga mapigilang sisihin ang aking sarili.. Kasalanan ko iyon, kasalanan ko kung bakit nahulog si Isabella..
Walang kasiguraduhang makakabalik siya rito.. Maaring makabalik siya katulad ni Jacinta ngunit maari ring hindi, katulad ng isang babaeng naglakas loob na makita ang hinaharap..
Bigla namang bumukas ang pintuan ng aking silid..
"Juliet.."
"E-eduardo.."
Lumapit siya agad sa akin at akoy niyakap..
"Hindi ka na pumapasok ng paaralan.. At sabi din ng iyong ina ay hindi ka na raw kumakain.."
"Patawarin mo ako Eduardo.. Sa mga nangyari hindi ko na kaya pang kumain o kumilos lang man.."
"Juliet kailangan mong kumain, paano mo masasalubong si Isabella kung hindi ka kakain.. Babalik siya mag tiwala ka lamang.."
"Paano kung hindi na siya makabalik rito?"
BINABASA MO ANG
She came from the Past (COMPLETED)
RomanceHighest Rank #13 Can an ancient Filipino person understand a modern Filipino men? Isabella del Rosario is an ancient person, she was born in the year 1920. There are legends in their time, a well is believed to have access to the future. She acciden...