Kabanata 35

735 21 4
                                    

Kabanata 35

Zoe's POV

"Ayan! Ikaw kasi.." Pag tutukso ko kay kuya.. Hahahaha. Hindi kasi siya pinapansin ni Isabella..

"Ano ba kasi pare?.. Masarap naman yung luto ni Isabella.." Kuya Josh

"Oo nga.. At napaso pa siya dahil sayo huh.." Rain.. Sige go! Idiin niyo pa kasalanan ni kuya..

Si Isabella kasi nasa garden kausap si ate Rena, kanina niya pa talaga iniiwasan si kuya.. Pag lalapit si kuya, aalis si Isabella tapos tatabi sa akin pag lumapit ulit si kuya, kay ate Rena na naman siya tatabi.. Hahaha. Kawawa tuloy si kuya, parang aso.

"Sige na lapitan mo na kuya.." Sabi ko.. E encourage naman natin ng kaunti..

Isabella's POV

"Oo--" napatigil ako sa pagsasalita ng dumating si Zayn.. Tatayo sana ako ngunit pinigilan ako ni Rena..

"Kailangan niyong mag usap.." Tumayo si Rena at umalis na..

Umupo naman sa tabi ko si Zayn..

Hindi ako makatingin sa kanya, sa ibang direksyon ako nakatingin.. Ewan ko ba, pero nag tatampo lang talaga ako.. Inihanda ko kasi ang mga iyun para sa kanya ngunit ganun ang aking makikita. Kahit mababaw, oo; nasasaktan ako..

"Isabella.." Hinawakan niya ang braso ko.. Hindi ko pa rin siya nilingon..

"Sorry na.. Nabusog kasi ako sa cake.. Siguro nawala lang yung gana ko dahil dun.. Pero promise gusto ko naman talaga kainin yung mga niluto mo eh.." Tahimik pa din ako, pero oo nga, madami ang nakain niyang keyk kanina at dahil din naman yun sa pag-aasam niyang makuha ang premyo.. Hinay-hinay akong lumingon sa kanya ngunit hindi pa din ako nakatingin sa mga mata niya..

"Uy, sorry na.." Hinawakan niya ang baba' ko..

"Isabella..." Hindi ko pa din siya nililingon..

"Sorry na kasi.. Kung gusto mo lahat ng natirang pagkain kakainin ko.. Promise." Napa angat naman ang ulo ko sa kanyang sinabi..

"Wag ka ng magalit. Okay?.." Ngumiti naman ako..

"Pangako? Kakainin mo lahat ng iyun?.."

"Opo.. Kaya tayo na sa kusina, sisimulan ko na ngayon.." Nagulat ako sa kanyang sinabi..

"S-sigurado ka ba?.."

"Oo naman.. Basta para sayo.." Hinawakan niya ang aking kamay at pumunta na kami kusina..

//

Isabella's POV

2:00 am

"AHHHHHHHHHHHHHH!!" Nagulat ako sa aking narinig na sigaw.. Bumangon ako kaagad sa aking kama. Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyun ni Zayn.. Tumakbo ako kaagad papunta sa kanyang silid..

Pag bukas ko lumapit ako kaagad sa kanya..

"Zayn?.. Anong nangyayari? Anong nararamdaman mo?"

"Isabe--lla h-hindi k...o na ka--ya" halos hindi siya makagalaw habang nagsasalita.. Pinagpapawisan din siya.. Nung hawakan ko ang kanyang noo hindi naman siya mainit..

"Kuya.." Biglang dumating si Zoe kasama si Manang..

"What's wrong Isabella?.." Agad na tanong sa akin ni Zoe

"Hindi ko alam, ngunit namimilipit siya sa sakit at pinagpapawisan.."

"Dalhin na natin siya sa hospital.." Zoe..

"Sandali lang.. Isabella.." Manang..

"Bakit po?.."

"Inubos ba ni Zayn lahat ng pagkain kanina?.." Tumango naman ako..

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon