Huling Kabanata

1.3K 27 6
                                    

Last Chapter :)

Zayn's POV

Tatlong buwan na ang nakakalipas, maraming nag bago. Lalo na din sa pakikitungon namin ni Zaisa sa isat-isa. Nung una halos hindi ko siya kinakaka usap. Mailang kami sa isat-isa pero hindi ko alam isang araw napalagayan na lang kami ng loob.

Habang tumatagal mas nakikilala ko na din siya. May mga ugaling magkapareho talaga sila ni Isabella. Mas naging klaro na din sa amin ang lahat; fix marriage kami dahil sa mga lola namin. Sina Juliet Torres at Isabella del Rosario.

Ang pagdating ni Isabella sa aking buhay ay naging daan na din siguro upang mas makilala ko ang isang Zaisa.

Mahinhin siya kalog paminsan-minsan. Maarte pero kumakamay sa pagkain. Mapili sa damit pero hilig niya ang mura at yung mga sale.

Sa mga positive attitude niya mas nagugustuhan ko ang negative. Isang simpleng babae pero kapag nakilala mo, masasabi mong siya talaga si Zaisa.

"I love this park" sabi niya habang nka hawak sa mga braso ko

"Bakit naman?"

"Kasi dito ka nagtapat na may nararamdaman ka na sa akin" ngumiti ako ng maalala ko rin yun. Ma ulan ng mga panahon na yun, naka sukob kaming dalawa sa isang payong. Sa sobrang lapit ng mga mukha namin halos magka halikan na kami. At sa di inaasahan bigla ko na lang nasabi ang mga salitang "I love you" habang nakatutok sa mga mata niya, pero mas naging special yun ng sumagot siya ng "I love you too"

"Umupo muna tayo" lumingon-lingon ako sa paligid. Maraming tao sa park kaya wala ng bakanteng upuan

"Doon sa balon." Nagulat ako sa sinabi niya

"Huh?"

"We can sit in the well, I think"

Ngumiti ako sa kanya at lumapit kami sa balon. Ito yung balon kung saan kami unang magkita ni Isabella.

Umupo kaming dalawa, bigla kong napansin ang suot-suot niyang necklace. Napansin niyang nakatutok ako dito.

"Lola gave it to me. At creepy talaga. Look" Nung nilingon ko ang kwintas sa likod ng pendant ay may nakalagay na 'Zayn'

Naisip ko na lang. Si Isabella nga.

"Zaisa?"

"Yes?"

"Alam kong sa kasalan pa rin tayo patungo, pero gusto ko lang itanong to sa iyo ng pormal" tumayo ako at lumuhod sa harap niya. Medyo oa man pero wala eh, sadyang ginawa ito ng katawan.

Dinukot ko ang singsing na dala-dala ko sa bulsa kanina pa. Matagal ko ng plano ito, nag hihintay lang ako ng tyempo.

"Will you marry me?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Napansin kong may mga iilan na ding mga taong nakatingin sa amin

"Zaisa?" Tanong ko ulit sa kanya
Ngumiti siya sa akin.

"Of course Mr. Torres, i will" tumayo ako sa pagkakaluhod at niyakap siya.

This is not the end of the story. Nawala man si Isabella sa buhay ko may isang Zaisa naman ang dumating. And this time, i know its the right time.

Note: "Must Read Scene" will be uploaded soon.

Not so sure, pero baka gumawa ako ng Sequel  :)

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon