Kabanata 33

744 25 0
                                        

Kabanata 33

Isabella's POV

Kung titignan mo sa mga larawan mukhang ang saya nila, maaari kayang bago ako umalis ay i-bilin ko si Zayn sa kanya?.. Ang saya nilang panoorin, kahit sa ganoon mapapanatag ako kung lilisanin ko na ang panahon nila.. Mapapanatag ako kung may makakasama si Zayn sa aking pag alis. May mag mamahal sa kanya, may mag aalaga, may makakasama siya sa buhay.

"Isabella ayos ka lang?.." Tanong ni Zoe..

"Oo.. Pupunta na muna ako sa banyo Zoe.."

"Samahan na kita?.."

"Hindi . Ayos lang ako.." Tumayo ako at dumiretso na ng banyo..

Pagpasok ko, humarap ako sa salamin. Mabuti na lang at wala na masyadong mga tao dito sa banyo..

"Pinapangako ko Zayn, sa mga natitirang araw ko dito.. Pasasayahin kita.." Sabi ko sa aking sarili at sa di inaasahan ay bigla na lamang tumulo ang aking luha sa mga mata..

Huminga ako ng malalim..

May mga panahon talagang magmamahalan ka ngunit hindi kayo magtatapos sa isang magandang alaala..

Napansin ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg.. Hinawakan ko ito at tinitigan..

Nung iniikot ko ito, may naka ukit sa likod..

'Zayn' . Ang pangalan niya, ngayon ko lamang ito napansin..

Naka ukit ka din sa aking puso Zayn, hinding-hindi ka mawawala dito..

*bong

*bong

"Isabella.." Tinig ni Zayn. Inayos ko na ang sarili at lumabas na ako ng banyo..

"Ayos ka lang ba? Anong nangyari?.." Agad na tanong niya sa akin..

"Kailangan ko lang kasing mag banyo Zayn.. Halika na.." Pagyayaya ko. Bumalik na kami sa aming upuan.. Hinawakan niya naman ang aking kamay habang nag lalakad..

Pag balik namin ay nag simula na ring kumain..

//

Pagkatapos kumain ay nag kwentuhan at nag kumustahan lang yung iba.. May sayawan din namang nagaganap..

"Halika Isabella.. Ipapakilala kita sa mga kakilala ko.." Tumayo kami at lumapit na sa kami sa mga kakilala niya, masaya silang kausap lahat.. Magiging kumportable ka talaga habang kinakausap sila..

Napansin ko naman si Janica sa isang lamesa, nag iisa siya..

"Zayn maari ba tayong lumapit sa kanya?.." Nagulat siya sa sinabi ko..

"Are you sure?.."

"Uhhm *nod. Ipakilala mo ako sa kanya.."

"S-sige.." Kahit nagtataka ay lumapit kami sa kanya..

//

"Janica!." Tawag ni Zayn dito..

"Oi Zayn.." Ngumiti siya..

"Nga pala girlfriend ko si Isabella.."

"Ohh! Hi, mas maganda ka nga talaga sa personal.. Nice meeting you.." Bati niya sa akin.

"Ikinagagalak din kitang makilala.. Maaari bang maki upo.?."

"Sure.. Dali! Upo kayo.." Umupo kami ni Zayn at nakipag kwentuhan sa kanya..

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon