Kabanata 1

3.3K 64 1
                                    

Kabanata 1.

Pilipinas, 1940

Isabella's POV

"Isbella gising na.. Maligo ka na at ikaw ay pupunta pa ng paaralan.."

"Opo mama.. Babangon na.." Bumangon na ako sa aking kama at dumiretso ng palikuran..

Pagkatapos ay nag bihis at bumaba ng kwarto..

"Magandang umaga po.. Mama, Papa.."

"Umupo ka na at kumain ng almusal.."

"Opo" umupo na ako at nag simulang kumain.

"Isabella umuwi ka ng maaga ngayon pagkatapos ng iyong klase.."

"Bakit po mama?" Tanong ko..

"Ika-tatlong buwan ngayon.. Bubukas ang balon.. Mas mabuti ng nag iingat.."

"Opo.."

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa bahay ng aking kaibigan na si Juliet.. Araw-araw ay sabay kaming pumapasok ng paaralan..

//

"ISABELLA!!!!" Sigaw ni Juliet habang tumatakbo papunta sa akin..

"Mag ingat ka Juliet baka madapa ka.."

"Halika na.." Hinila niya ako..

"Sandali lang.. Bakit ka ba nagmamadali?"

"Gusto ko ng makita si Eduardo.."

"Si Eduardo? Nagkita na kayo kahapon di ba?.."

"Oo nga pero gusto ko na siyang makita ulit.."

Si Eduardo ay kasintahan ni Juliet.. Mahal na mahal nila ang isat-isa..

Naglalakad kami papuntang paaralan ng madaanan namin ang balon..

"Juliet naniniwala ka ba sa alamat ng balon na iyan?" Tanong ko

"Oo.. Hindi ka ba naniniwala sa kuwento ni Jacinta?"

Si Jacinta ay ang unang babaeng nahulog sa balon, matagal na panahon na rin iyon.. Ang sabi ng nakakatanda ay napadpad daw siya sa hinaharap, at makalipas ang tatlong buwan ay bumalik si Jacinta at ikinuwento ang naging buhay niya doon, may isang babaeng gustong maranasan ang naranasan ni Jacinta kaya sinubukan din niya ito ngunit makalipas ang tatlong buwan hindi na siya nakabalik dito, at hanggang ngayon ni kahit anino ay hindi na siya nakita.. Kaya sa nangyaring iyon ay wala ng naglakas loob ulit na pumasok sa hinaharap..

//

"Eduardo!" Sigaw ni Juliet.. Lumapit naman si Eduardo..

"Kamusta ka na Juliet?.."

"Maayos naman.." Nag lakad sila papasok ng paaralan at naka sunod naman ako sa kanila..

"Isabella.." Lumingon ako para makita kung sino ang tumawag sa akin...

"Fredo ikaw pala.." Siya si Fredo Buenavista, kaibigan ko at manliligaw.. Ngunit dahil hindi pa ako maaring magkaroon ng kasintahan hanggang ngayon ay hindi ko pa siya pwedeng sagutin..

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon