Kabanata 39

770 22 1
                                    

Kabanata 39

Isabella's POV

Bukas na, bukas na ako aalis sa panahon na ito.

Ang tanong na ito sa akin ni Zayn

"Nakikita mo ba ang sarili sa altar na kasama ako?"

Hindi ko nasagot. Siguro nga itinadhana na din na hindi ako makasagot sa tanong na iyun.

Nung mga oras na iyun na ibubuka ko na dapat ang aking mga bibig upang magsalita, biglang sumigaw ang matandang lalaking kasama namin. Nagulat kaming lahat sa pagsigaw niyang iyun. Agad na pinuntahan nina Zayn ang matanda. May nakapasok palang ahas doon sa "tent" na tinatawag nila.

At dahil doon natapos ang laro namin at hindi na din ako nakasagot sa tanong.

Laking pasalamat ko na din at nangyari ang bagay na iyun, ayoko na rin kasing mag sinungaling pa kay Zayn.

"Anong iniisip mo?" Biglang yakap ni Zayn sa akin mula sa likod. Nilingon ko siya upang makita siya, at binigyan siya ng isang matamis na halik.

"Ang sarap naman ng ngiti" niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo

"Kailangan nating matulog ng maaga ngayong. Dahil mamayang alas 10 gigising tayo para mag handa sa pag salubong ng pasko"

"At next week bagong taon naman ang sasalubungin natin. Bagong taon para sa ating dalawa"

"KUYA!! Nandito na sina Tita" biglang sigaw ni Zoe. Pumasok na kami kaagad ng bahay upang salubungin sila. Kapatid siya ng ama nina Zoe at Zayn, nakilala ko na sila nuon kaya hindi na masydong nakakailang. ( Pinsan nina Zoe at Zayn yung bida sa story kung 'Worth Fighting For'. Please paki suporta niyo din pag may time :)"

"Zayn, Isabella ito ang regalo ko para sa inyo. Mamaya niyo na buksan yan. Okay?" Inaabot niya sa amin ang regalo at kinuha naamn ito ni Zayn.

"Salamat Tita."

"Salamat po"

"And Zoe for you and for Rain, by the way where he is?"

"Mamaya-maya Tita dadating na din yun"

"Okay, oh by the way susunod na lang din daw si AC and Tito niyo dito mamaya"

"Ahh. Sige po Tita. Oo nga pala Tita merienda muna tayo" Hinila ni Zoe papunta sa kusina si Tita Cynthia kaya naiwan kami ni Zayn dito sa sala

"Zayn sino si AC?". Tanong ko sabay upo at inayos naman niya ang mga regalo doon sa gilid

"Hindi mo pa pala siya nakikilala no, pinsan namin siya. Medyo may pagka maldita yun eh spoiled kasi dahil nag iisang anak, pero mabait naman siya. Hayaan mo ipapakilala kita pagdating niya" sabi niya at umupo na sa tabi ko.

"Ilang taon na siya?"

"Uhhhm. Ang pagkaka alam ko graduating na yun sa Highschool eh, siguro 16 or 17" tumango ako bilang sagot

"Nagugutom ka ba?. Gusto mo mag merienda muna tayo" umiling ako at isinandal ang ulo sa balikat niya

"Dito muna tayo"

"Oh sige kung yan ang gusto mo" ipinatong niya din ang ulo sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Hinawakan ko din ito pabalik at hinawakan ng mahigpit, kasabay nun tumulo na naman ang mga luha ko.

Third Person's POV

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

"MERRY CHRISTMAS!!" Sigaw ng lahat. Kasabay nito ang sunod-sunod na tunog ng mga paputok

"Merry Christmas Isabella" sabay halik niya sa noo ng kasintahan

Hinawakan nila ang kamay ng isat-isa at sabay nanunood ng mga paputok sa langit.

//

Ang mga susunod na eksensa ay nasa climax na. Kaya hinga muna ng malalim :)

"Kuya please open the door" *bogsh *bogsh

"Babe nandito na ako" Rain

"Hindi ko na alam ang gagawin Rain, dalawang araw na siyang hindi lumalabas ng bahay"

"Nasan ang susi ng kwarto niya?"

"Nasa kanya, wala akong duplicate ng susi niya eh"

"Alright. Lumayo ka na muna" gaya ng sabi Rain, umatras si Zoe palayo sa kanya

*BOGSH! Sipa niya sa pinto, pero hindi pa din nabubuksan

*BOGSH!

"Kunti na lang Rain"

*BOGSH!! Biglang bukas ng pinto.

Pagpasok nila, nakita nila kaagad si Zayn na naka upo sa sahig; balisa, wala sa sarili, habang nka yuko ang mga ulo. Lumapit si Zoe kaagad sa kanya

"Kuya please, kumain ka na muna, aayusin natin to" hindi siya sumagot, napansin na lang nila na umiiyak na naman ito.

"Kuya" sabay yakap nito sa kanya, at tumulo na din ang mga luha nito

"Iwanan niyo na muna ako dito" sabi niya sabay tulak sa kapatid

"KUYA! Please naman oh, nag aalala na ako sayo."

"SABI KO IWANAN NIYO MUNA AKO!! HINDI NIYO NAIINTINDIHAN ANG NARARAMDAMAN KO!! NAWALA SIYA NG WALANG PAALAM!! NAWALA SIYA NG PARANG BULA!!"

"I know what you feel kuya. Alam ko nasasaktan ka pero wala na eh, pabayaan mo na lang siya, dahil kung mahal ka talaga niya nandito siya ngayon!"

"Zayn! Ano ba! Are you gonna stay in this room forever.. Hindi na siya babalik. Makinig ka naman sa amin ni Zoe!"

"DONT SAY THAT!!!! SHE WILL COME BACK FOR ME!!

"PWDE BA!! GUMISING KA NA!!"

Napatayo siya sa pagkaka upo sa sahig.. Tama ang sinabi ng kapatid niya, kailangan niyang magising.. Walang mangyayari kung magkukulong lang siya sa kanyang kwarto.. Kinuha niya ang susi ng kotse at lumabas ng kwarto..

"Kuya san ka pupunta..!!?"

Hindi niya sinagot ang kanyang kapatid at nagtuloy-tuloy siya sa garahe.. Ipinaadar niya ang kanyang kotse at pumunta ng park..

"Dito kami unang nagkita.. Sigurado akong dito rin kami magkikita ulit.." Sabi niya sa sarili habang naka upo at nakatingin sa balon..

//

Ilang oras na siyang nag hihintay..

Bumuhos ang malakas na ulan pero hindi niya ito ininda.. Naka upo pa din siya at hinihintay ang taong mahal niya.. Maya-maya namalayan niya na lang na hindi na siya nababasa ng ulan..



Napalingon siya, may nakatayo doon habang pinapayungan siya...

Nagulat siya sa kanyang nakita....



Siya na kaya ang babaeng hinihintay niya?..

"Isa-bel-la" nanginginig niyang sabi dahil na din sa basa ng ulan

Tinitigan niya ang mukha ng babaeng nakatayo, kamukhang-kamukha siya ng kasintahan; mapupulang labi at pisngi, maputi, magagandang mata at napakagandang mukha. Ngunit habang tinititigan niya ito napansin niya ang nunal malapit sa kanyang pisngi. Nagtataka siya, alam niyang walang nunal ang kanyang nakikilalang Isabella.

"I-ikaw ba y-yan?" Tanong niya ulit dito

"Let's go home" biglang nanlaki ang mga mata ni Zayn, kilala niya si Isabella. Hindi ito nagsasalita ng Ingles. Sa halos tatlong buwan nilang magkakilala hindi ganito ang pananalita ng dalaga.



Sino kaya ang babaeng ito?

She came from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon