Introduction

25.9K 565 98
                                    

January
February
March
April
May
June
July
August
September
October
November
December

Ano yang mga yan? Mga kuya ko po. Ang galing no? Lahat sila months ang pangalan, ako lang hindi. Only girl ako at higit sa lahat ako ang pinaka bunso.

Iniisip ng iba na ang malas ko daw. Pang-13 daw kasi ako at iba pa ang pangalan ko kumpara sa mga kuya ko. Tch. Arte nila! Eh sa wala nang pang-13 na month eh! Ano pa bang inaasahan nilang magiging pangalan ko? Lecember? Acember?

Yung mga magulang ko, Berry ang ipinangalan sa akin. Atleast daw may "ber". Anong connect? Aish~!

Berry Yoshida. Pinaka bunso sa 13 na magkakapatid. Alagang alaga ako nung labing dalawa kong mga kuya. Ako ang laging inuutusan, parang ako na tuloy yung ate nila!

*Tok!* *Tok!*

"Berry! Bumaba ka na. Bawal tayo ma-late sa school."

"Sige po Kuya Ril! Susunod na."

April 'Ril' Yoshida. Pang apat sa amin. Ako lagi yung kinakausap ni Kuya Ril, ako lang daw kasi yung sumusunod at nakikinig sakanya. Wala daw kasing pake sakanya yung iba ko pang mga kuya. Ang bad nila!

Nag ayos na ako saka lumabas ng kwarto.

Pababa pa lang ako ng hagdan nang biglang may tumulak sa akin. Aish~! Buti hindi ako gumulong pababa ng hagdan.

"Sorry Berry, bagal mo kasi eh! Pagong ka ba? Sabagay, mukha ka namang ganon. HAHAHA!"

"Aish~! Kuya August naman eh!"

August Yoshida. Pang walo sa min. Bad yang si Kuya August, ako ang laging nakikita. Lagi pa akong binu-bully! Hindi niya daw kasi ma-bully yung apat na ugok--- este apat na ber. Quadruplets kasi yung apat na yun. Halata naman diba? Hahaha.

"Tama na nga yan. Kumain na kayo." Sabi namn ni Kuya Feb

February "Feb" Yoshida. Pangalawa sa amin. Ang pinaka-cool kong kuya! Ang gwapo gwapo ng Kuya Feb ko! Kyaaah~!

"Ano toh?!"
"Itlog?!"
"Tag hirap na ba tayo?!"
"Hindi niyo na ba kami mahal?! Bakit itlog lang ipapakain niyo sa amin?"

Boses pa lang at sa sunod-sunod nilang pagsasalita. Alam ko na! Sino pa ba? Kundi ang apat na Ber. Ang arte talaga ng mga kuya ko, lalo na yung Quadruplets na yan.

September "Sep" Yoshida. Pang siyam sa amin. Ang namumuno sa "Ber Ber Ber Ber". Siya ang laging nauunang mag salita at susundan na nung tatlo.

October "Tobi" Yoshida. Pang sampu sa amin. Ang kanang kamay daw ni Kuya Sep. Nako lang!

November "Novi" Yoshida. Pang labing isa sa amin. Siya ang naka isip nung napaka ganda daw na tawag sakanila. Tch! Anong maganda sa "Ber Ber Ber Ber" ?!

December "Des" Yoshida. Pang labing dalawa sa amin. Siya na! Ang pinaka mabait... sa lahat ng masama. Pinaka mareklamo din pala siya sa Ber Ber Ber Ber. Daming alam yang si Kuya Des eh.

"Arte niyo! Kakakin na nga lang eh!" sigaw naman ni Kuya Jan

January "Jan" Yoshida. Pinaka panganay sa amin. Siya lang ang may lakas na loob sigawan yang Quadruplets. Sakanya lang kasi yun mga sumusunod eh! Paano ba naman, mga takot. Ayaw mapalayas.

"Grabe! Ako nagluto ng sinasabi niyong itlog! Kung ayaw niyo, wag kayong kumain! Mamatay kayo sa gutom mamaya!" galit na sabi ni Kuya June

June Yoshida. Pang anim sa amin. Laitin mo na ang lahat! Wag lang ang pinaka mamahal niyang luto. Si Kuya June ang laging nag luluto sa amin at syempre nandyan ang Quadruplets para manglait at manggulo.

"Sinong may sabing ayaw namin ng itlog?" Kuya Sep
"Favorite kaya namin yan!" Kuya Tobi
"Mukhang masarap yung itlog ah?" Kuya Novi
"Wow! Dabest ka talaga Kuya June! Idol na idol ka talaga namin" Kuya Des

"Kapal niyo! Mga sipsip!" sigaw naman ni Kuya March

March Yoshida. Pangatlo sa lahat. Ang pinaka masungit! Pinaka seryoso din! Minsan nga natatakot ako dyan kay Kuya March.

"Hahahaha! Kapal niyo pala eh! Wala kayo kay Kuya March!" Tawang tawa na sabi ni Kuya Juls

July "Juls" Yoshida. Pang pito sa amin. Pinaka masiyahin. Sa sobrang saya, puro na lang siya tawa.

"Anong wala?!"
"Grabe ka Kuya Juls!"
"Oo nga! puro ka na nga tawa dyan!"
"Kala mo nakakatuwa ka? Ang bad mo sa amin! Mga kuya oh~ away kami Kuya Juls~!"

"ANG KAPAL MO DES!" sabay na sigaw ng mga kuya ko.

"Nasaan si Kuya Ey?" tanong ko

"Ano pa nga ba?!"
"Ano pa bang aasahan mo dun?!"
"Antukin talaga yun si Kuya Ey."
"Puro tulog talaga ang alam nun! Bakit hindi niya ako gayahin, puro aral!"

"KAPAL MO TALAGA DES!"

May "Ey" Yoshida. Pang lima sa amin. Grabe! Antukin talaga yang si Kuya Ey. Ang hirap pang gisingin!

Napatingin na lang ako sa wall clock namin...

"What?! Hala! Mga kuya, 6:30 na! Late na tayo!" sigaw ko

Puro kasi sila kwento. Ayan tuloy.

"Ayan, puro kasi daldal."
"Tapos hindi pa gising si Kuya Ey!"
"Tapos itlog pa yung almusal."
"Tapos ang gwapo ko."

"MANAHIMIK KA DES! LATE NA TAYO!"

napa buntong hininga na lang ako saka bumulong..

"Haaaayy. Yoshida Brothers" napangiti ako habang pinagmamasdan sila kung paano mataranta.

"Berry! May gana ka pang ngumiti? Late na tayo oh!"
"Hoy si Kuya Ey! Tulog pa!"
"Gisingin niyo na kasi-- Hoy Des! Ako mauunang maliligo!"
"Hoy ka din! Mas gwapo ako kaya dapat ako ang maunang maligo!"

"HINDI KA GWAPO DES! WAG KA NANG MANGARAP! teka-- LATE NA TAYO!"

My 12 BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon