Chapter 13

210 15 0
                                    

 Bipolar

In this world, we meet different people with different personalities. Different faces with different attitudes. But we encounter some human which acts with many characters. Yun bang feeling nila eh hindi sila comfortable sa isang pag-uugali. We know there are many emotions to feel but it is peculiar for us to feel it at the same time. Being MOODY, I guess is one of a kind, but the sudden and unexpected shifting of mood can be treated as BIPOLARITY, and I hate people who are Bipolar.



CREAM's POV

Gumising ako ng maaga dahil pagsisilbihan kopa ang aking MGA masters dahil yun ang aking trabaho sa ngayon. Pero bakit nakangiti ako?

Dumiretso ako sa banyo at naligo na kahit alam kong napakalamig ng tubig. Medyo binilisan kona ang pagligo at nagpalit na ako ng damit. Yun bang simple lang na white t-shirt at shorts tsaka tsinelas na pangloob which makes me comfortable. At sa pagtira ko dito sa bahay na ito namimihasa na ako sa pagsasalita ng English.

Maganda naman palang magsalita ng ingles dahil nakakadagdag sa aking ganda ito kaya pinagbubutihan ko pa haha.

Pababa na ako ng makasalubong ko si Gab. Pansin ko lang na laging maaga ito kung gumising.

"Good morning!" masiglang bati ko ngunit umirap lang ito kaya nawala ang ngiti ko. Ano nanaman bang problema.

"Psh!" asik ko at sumunod na sa kanya sa kusina.

Umupo siya at nagtimpla ng favorite niyang chocolate. Nagsimula naman na akong magluto ng noodles dahil yun lang ang naisipan kong lutuin. At dahil sa mayaman sila at mukhang maarte sa pagkain kaya nagpaka chef na ako at in-apply ang natutunan kong cooking skill. Medyo binonggahan ko ang pagluluto nitong noodles nato at naglagay-lagay ako ng mga sangkap na matripan kong Makita sa loob ng refrigerator.

"What are you Doing?" bored na tanong ni Gab sa akin.

"nagsu-swimming bakit?" pilosopong kuda ko dahil napaka common sense ng tanong niya. Sumama naman ang kanyang tingin kaya sinamaan ko rin.

"I mean what are you cooking?" paglilinaw niya ngunit napairap lang ako sa kabilang dimensiyon.

"uhmmm... Breakfast?" patanong ko pang dada na nakapag-pakunot ng kanyang noo.

"Sagutin mo nga ako ng maayos tss.." asar na siya base sa tono niya.

"Aba! Ayusin mo kasi yang tanong mo! ako pa ngayon ang mag-aadjust!" singhal ko naman at pinagpatuloy na ang paghiwa sa sibuyas na wrong move dahil nag-init ang sulok ng aking mga mata at napaluha na ako. Waaah!

"And why are you crying?" tanong niya sa akin ngunit singhot lang ako ng singhot.

"Ang ganda ko kasi." Sagot ko sabay singhot ulit.

Wala naman na akong nakuhang sagot kaya tinapos ko na ang paghihiwa at hinalo-halo ang noodles.

"Uhmmm...... ang bango!"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita kong pumasok ang tatlo sa kusina sabay upo sa kani-kanilang upuan para magtimpla ng kape.

"Good morning!" masigla kong bati at hindi ko na sana sinabi iyon dahil maa-anghang na sagot ang bumalik sa akin.

"What's good in the morning?!" – Great

"Huwag mo nga akong kausapin!" – Greg

"Ang ingay mo nasan na yung pagkain?!" _ Gin

"Ang aga aga ang susungit niyo! Imbyerna si atashi!" sabi ko sabay hain ng almusal nila. Lagyan ko nga ng lason minsan. Para naman bumait sila. Ang babait nito kahapon pero kung maka-asta ngayon akal mo naglilihi.

"is that even breakfast?" tanong ni Great sa akin.

"Dah! Kung mag-iinarte ka di kumain ka ng iba! Kakain ka na ngalang magrereklamo ka pa" singhal ko sa kaniya.

"PSH! Shut up!" asik niya at abot sa mangkok ng Noodles tsaka sinipat sipat pa. Akala mo kung may lason.

"What kind of noodles is this? Kulay black pa ang noodles and the color of the ingredients are so pale. To think of it na para kaming kakain ng Barbaric food." Sabat naman ni Greg. Ang sakit niya magsalita!

"For your information Japanese cuisine yan noh! Kainin niya nalang kaya! " sabi ko at nauna nang kumain. Mmmm....tsalap.

Napansin ko na napapalunok sila habang nakatingin sa akin sabay tingin sa kanilang mangkok at parang nandidiri.

"Kung tititigan niya lang yan di dapat kinuhanan ko na lang ng litrato tsaka pinasak ko sa mga mulagat niyo!" singhal ko sa kanila na ikinagulat nila. Medyo naiinsulto na ako wah! Pinaghirapan kokaya yang niluto tapos gaganyanin lang nila?! How could they!

Nagsimula nang magsalok ang apat at dahan-dahang isinubo at sabay-sabay na napatigil.

And voila santisima! Pinapak nila ito ng walang katapusan. Mukhang sarap na sarap sila sa niluto ko at mabilis nila iyong naubos.

"Shit ang sarap!" namumulang kuda ni Gin. Tumingin siya sa akin tsaka iniabot ang kanyang mangkok hudyat na gusto pa nito.

Nakangiti ko naman itong inabot pero nagulat ako dahil sumunod naman ang tatlo.

"M-me t-too" nahihiyang sabat ni Greg at Gab pero namumula naman na iniabot ni Great ang kanyang mangkok.

"Sabi sa inyo masarap eh! Mga ignorante kasi to!" nakangiti ako at pinagsandok sila. Mabilis na naubos ang pagkain dahil nailabas rin ng apat na ito ang kanilang katakawan dahil walang natira sa akin. Nakatatlong mangkok itong mga to pero bitin pa daw! Samantalang ako iisang mangkok lang.

"T-thanks for the food." Nahihiyang sabat ng apat.

"My pleasure." Sagot ko naman at akmang tatayo na sila ng pinigilan ko.

"HEPHEPHEP! Sandali" natigil naman sila at hinihintay ang aking sasabihin.

"Dahil nasarapan kayo sa niluto ko, kayo ang maghuhugas ng plato!" excited kong dada.

"You Wish!" –Greg

"Masakit kamay ko pasensya (insert sarcasm)" – Gin

"Ayaw ko nga!"- Gab

"F*ck hindi ko yan trabaho!" – Great.

Nagsi-alisan naman sila matapos ipukol lahat ng mga salitang hindi ko maabsorb at iniwan nila akong nakalaglag ang panga.

"HOOOY! Bumalik kayo dito! Kayo ang maghugas!" sigaw ko pero inirapan lang ako kaya naman napasabunot na lang ako sa aking buhok sabay hilamos ng mukha.

Matapos nilang ubusin lahat at kung makatake –three kanina akala mo anghel na humihingi ng tulong sa sobrang bait pero akala ko lang pala yun! mga bipolar sila nakakainis!






"MGA BIPOLAR NA HUDAS KAYOOOOOO!!!!!!!"









Tiny_moja

All rights reserved 2018

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon