Chapter 17

217 12 2
                                    

Blind Date

Hai Tinies! Medyo mahaba-haba to ng kaunti so huwag mainip sa kaka scroll okay?

People tend to meet and greet other people. Maraming tawag jan. May Closure, interaction, mingle, at meron ring mga feeling Close but that is only when you want to accumulate friends or acquaintance.

Sometimes we are like BDO. We find ways. Marami tayong alam when it terms of coping with other person. Need relationship? Then go for Blind date. Marami kang makikilala. Pero hindi mo maiiwasan ang pakiramdam na ikaw ay madisapoint, lalong-lalo na kapag tayo ay too much Assumera. We are expecting someone that are ideal type pero kapag kaharap mona, errrrrr...... no comment.

CREAM's POV

Tapos na ang isang linggong pasok namin sa GA University. Nakakapagod siyempre but the fact na mas nakakapagod ang ginagawa kong pag-iwas sa apat na Hudas ay sobrang nakakajirits! Isang linggong walang pansinan, walang tinginan at always iwasan. Pati nga sa bahay ipinagluluto ko lang sila ng almusal at hapunan pero wala ng imikan. Kumakain naman ako dito sa cafeteria n tanghalian kaya hindi ko alam kung saan sila pumupunta. Pero hindi ko na dapat pang pagtuunan ng pansin iyon dahil maraming mata ang nakapaligid.

Minamanmanan nila ako sa loob ng isang linggo dahil sa nangyari sa akin.



Flashback........


Pagpasok ko sa loob ng campus ay may nagkukumpulan sa may school ground. Dulot ng kursyunidad, lumapit ako dito para makiusyoso at napansin kong kinukunan nila ng litrato ang kung ano man iyon or kung sino.

Bago ako makalapit ay biglang naghiyawan ang lahat. Sumiksik ako para Makita ang nangyayari at nagulat sa nasaksihan.

Nakita ko ang apat na Hudas na tinapunan ng pintura ang isang babae at lalaki na nakaluhod habang magkayakap. Nakayuko lang sila habang dahan-dahang nabubuhusan ng kulay puting pintura habang kinukunan nila ito ng litrato. Nakaramdam ako ng inis dahil hindi ko alam na dinadala pala nila ang kanilang kabulastugan maging dito sa paaralan.

Agad-agad akong lumapit sa kanila at itinulak ang isa sa kanila na siyang ikinagulat ng mga nakasaksi.

Nagulat naman yung hinila ko palayo at hindi ko na pinansin kung sino sa kanilang apat at dali daling pintayo ang dalawang biktima.

"Mga walang hiya kayo!" bulyaw ko sa kanila habang tinitignan sila ng sobrang talim.

Napasinghap naman ang lahat pero walang reaksiyon lamang ang apat.

"How dare you mess with our plan!" galit na sabi ni Greg na nagpainit sa aking tuktok.

"I'm not messing your plan! I'm just saving someone! In the first place, masyado namang kabastusan yang mga ginagawa niyo!" singhal ko sa kanila na ikinagisi lang ng apat.

"Hey Bitch! How dare you say that to the GA brothers! Sino kaba sa akala mo?" sabi ng isa at nadagdagan pa ng iba.

"Pakialamero!"

"Mind your own business!"

"huwag kang magpaka heroine! Hindi mo bagay ewww."

"Umalis ka nga jan pakialamero!"

"PSSH! Back off Nerdy!"

Ang dami kong naririnig na masasakit na salita ngunit hindi ko iyon pinansin. Nakatingin parin ako sa apat na parang hindi ko kilala sa kanilang asta ngayon. Oh well, hindi ko nga pala sila dapat kilala.

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon