Chapter 29

216 16 2
                                    

Red Day

**.*.**

Happy Reading minna! XD

**.*.**  

"Women's regular bleeding engenders phantoms."

-Paracelsus

Cream's POV

"Ang sakiiiiiit!! Waaaah huhuhu!" nandito ako sa salas na parang bulateng namimilipit. Dahil sa kamalas-malasan ko, it's my day. My RED DAY! Inaalo pa ako ni Mama na bakas ang pagkarindi sa akin. Ito ang pinaka-ayaw niya sa akin. Kapag red day ko kasi, ibang-iba ang ugaling ipinapakita ko. Hindi nila maintindihan ang aking kilos, pananalita at ginagawa. Sabi ni mama, mas masahol pa raw ako sa takas mental na malala ang sayad at topak sa ulo. At katulad nga ngayon, kapag magsisimula na ako, lagging nagigising ang aking diwa ng alas tres at sasakit ang aking puson. Sisigaw na parang mamamatay na at hihintayin si Mamang mag-aalo sa akin.

"Pusa tumahimik ka! Ako'y naririndi na sayong sigaw!" bulyaw sa akin ni mama. Patuloy lang ako sa pagsigaw kaya bwisit na bwisit siya. "Anak naman, alas tres palang ng madaling araw! Walang kaso sa akin kung nasa probinsiya tau pero anak, kanina kapa tinitignan ng papa at ng mga kambal. Mahiya ka nga kundi sisikmuraan ko yang puson mo lehe ka!" dagdag pa niya at napatingin ako sa gawi at tama nga si mama. Nakita ko si papa na pailing-iling habang nakangiti.

Si Gab at Great nakakunot ang kanilang noo, si Gin nakahawak na sa tiyan kakatawa at nakangisi naman si Greg. Wala akong maibigay na emosyon kundi sakit sa puson lamang. Ang sakiiit!

"Bahala ka diyang bata ka. Ititimplahan nalang kita ng gatas para kumalma naman ng kaunti yang puson mo. Tumigil ka sa kakasigaw ha?" wika ni mama at naglakad na papunta sa kusina. Sumunod naman sina papa at apat na hudas. Nung wala na sila sa aking paningin, itinuloy ko nanaman ang pamimilipit at paggulong sa sulok sulok ng salas.


Gin's POV

Ang sakit ng tiyan ko kakatawa sa bangayan ni Mama at Cream kanina. Hindi namin alam kung anong problema ni Cream at kung bakit sobrang asar na asar si Mama. Sumunod kami sa kanya na pumunta sa kusina para raw magtimpla ng kape.

"Good morning ma." Bati ko sa kanya at humalik sa kanyang pisngi ganun rin ang ginawa ng aking kakambal pati si Papa. Kung titignan mo kasi si Mama, parang kapatid lang ni Cream. Magkamukhang magkamukha silang dalawa. Straight lang kasi ang buhok ni mama kumpara kay Cream na wavy.

"Hon, what's with Cream? Nagulat pa kami dahil sa lakas ng kanyang sigaw" kausap ni Dad kay Mama. Nakabusangot naman si Mama na tumingin kay dad.

"Naku Hon, red day ng bwisit na babaeng yan. Masakit daw ang puson kaya walang magawa kundi gisingin ako at magsisisigaw." Asik niya na ikinatawa namin. "tsaka Hon, ganyan talaga yan kapag araw niya." Dagdag pa niya.

"Eh Ma, bakit yung isang buwan na magkakasama kami noong pumunta kayo sa france, hindi naman siya naging ganyan?" I asked all of a sudden. Tinignan naman ako ni Mama ng nakabusangot. Ang cute niya haha.

"Haay naku. Alam kong mangyayari iyun kaya pinakain ko ng maraming pagkain para magstop temporarily ang kanyang menstruation perod. Hindi naman siya nagreklamo dahil alam niyang isang malaking problema iyon." Explain ni Mama sa amin.

"Problem? What problem?" tanong ni Greg.

"Naku anak, huwag mo nang alamin. Basta kapag magsisimula na ang araw niya, sasakit ang kanyang puson sa oras ng alas tres ng madaling araw. Pagkumalma nayan, walang makakaintindi sa buhay niyan. Hindi siya makausap ng matino, hindi malaman ang gustong kainin at gawin, at higit sa lahat, nakakatakot." Wika ni Mama. Mas lalong naguluhan sina Greg kaya nagtatanong ang kanilang mga mukha.

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon