Chapter 27

189 16 0
                                    

Competition

Competition is not about winning, it's about learning.........

Cream's POV

Najijirits na ako! Hindi ko dinala ang tinimpla kong pampasarap na pinagpuyatan ko kagabi. Kaya heto ako ngayon, tinutubuan na ng ugat kakaisip kung anong kapalit ng ginawa ko. Almost perfect na eh. Almost na almost.

"You only have 30 minutes left to finish your dishes my dear competitors. 30 minutes left." Pagpapa- alala ni Gim the MC sa amin. Isa pa itong lalaking to, mas lalo tuloy akong kinabahan. Isip Cream! Isip!

Bigla akong napamulat ng makaisip ako ng paraan. Pinaghalo-halo ko ang mga natirang ingredients at aking dinurog hanggang sa mapino. Pagkatapos, iginisa ko kasama ang mantika na ginamit ko sa paggisa ng karne ng baboy. Nagdala rin ako ng bawang na galing pa sa probinsiya na siyang fresh na fresh kaya naman nakadagdag ng masarap na amoy. 15 minutes bago ang time's up pero natapos rin ako. Nagpalabas ako ng malalim na buntong hininga hudyat ng aking pagkaginhawa. Nagpunas pa ako ng pawis na nagsituluhan. Nakakapagod pero enjoy. Nakakatense pero kaya pa. kayang-kaya ko pa.

Umupo muna ako habang hinihintay ang oras na matapos. Nilinga ko ang gawi ni Gab at mukhang tapos na rin siya. Napalingon rin siya sa aking gawi kaya naman napaiwas agad ako ng tingin. Baka sabihin pa niya naninilip ako. No way!

Nilingon ko rin si Mighty at mukhang patapos na rin siya. Tumingin siya sa akin tsaka ngumiti kaya nginitian ko rin pabalik. Awtsuuuu! Luto muna Cream bago landi.

Biglang umalingawngaw ang tunog na parang bomba na siyang nagpapahiwatig na tapos na ang isang oras at limampung minuto.

"Time is up competitors, time is up." Anunsiyo ni Gim kaya naman naghanda na kami. Maya-maya nalang, ay tinawag na ang isang kaklase namin para magpresent ng kanyang niluto. Hanggang sa sunod-sunod nang tinawag. Yung mga luto ng iba, may nasarapan, may hindi, may sumakit ang tiyan, may namatay- charot! Iba-iba rin sila ng mga comment. May dinadaan sa biro, pero most of all kapag si Prof K na ang magbibigay ng comment, napaka harsh. Yung tipong pati konting alat, sobrang tamis, masyadong matabang, ang lansa at ang pakla pinupuna niya. Medyo masakit rin magsalita si Prof K pero alam kong para sa ikabubuti rin naming lahat ang kanyang sinasabi. Kasi sa bandang huli, iniiwanan niya ng advise ang mga hindi nakapasa sa kanilang panlasa.

Sunod na tinawag ay si Gab. Naglakad na siya paharap dala-dala ang kanyang niluto na may takip kaya hindi ko-namin Makita kung ano.

"Okay Mr. Greeks, what dish did you make?" tanong ng isang Judge. Lumapit si Gab at inilapag sa kanilang harapan isa isa ang mga pagkaing may takip. Inip na inip panga ako dahil ang dami pang sinasabi yung mga Judges. Pag ako nainis, kakainin ko tong niluto ko. Chos!

"This dish is what we called, "Calamari Caesar Salad." 

" 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon