Chapter 42

147 10 7
                                    


On this Day

**.*.**

Have a nice day minna! Enjoy reading ^_^

**.*.**

N/A: This chapter is the continuation of the present time.......The time when they have to visit their families' death anniversaries.


Great's POV

After my twins told to me their stories about them who confess to Cream, hindi na ako mapakali. And I f*cking hate it!

Hindi ko man lang alam na pati pala kakambal ko nagkagusto sa kanya, but I'm grateful in the fact that I'm the one whom she chose. And I suddenly smiled out of nowhere.

"Damn! What move shall I make?" I asked myself as I pick up my phone who keeps ringing. Then I saw Dad's number who is calling.

"Hello Dad?"

["Son! Where are you? Nandito na kami ng mga kapatid mo sa cemetery. You should come now."]

"Okay dad I'm coming."

[Alright gotta hang-up now"]

I hang-up my phone and wait for myself to compose and after that, I change my clothes into formal and went to the cemetery, where late Mom buried.


Cream's POV

"Hello Pa, kuya, baby bunso! Kamusta na kayo?" kausap ko sa puntod ng magkakatabing sina Papa, Kuya Ahron at Baby Gabriel. Katabi ko naman si Mama at tahimik lang na nagsisindi ng kandila. Naiintindihan ko si Mama. Pati nga ako labis na nagluksa eh.

"Alam niyo po, may nahanap napo kaming bagong pamilya ni Mama. Mabait po si Papa Gel Pa kaya huwag po kayong mag-alala." Tumingin ako kay Mama at saka ko lang napansin na umiiyak na pala siya. Hinayaan ko nalang dahil paminsan-minsan, kailangan rin ni Mama na maglabas ng sakit.

Wala na akong nagawa kundi ang mapaluha narin. Pero patuloy parin ako sa pagsasalita

"P-pero Pa, hindi po porket nakahanap napo kmi ng Bago eh kakalimutan napo namin kayo. Alam ng Diyos kung gaano kalaki ang pwesto niyo sa mga Puso namin ni Mama." nagkatinginan kami ni Mama tsaka nagkangitian kahit punong-puno nang luha ang aming mga pisngi.

"Miguel......sniff....sniff......Alam mo bang napakagwapo ng kamukha mo?" saad ni Mama na siyang ikinatingin ko sa kanya ng nagtataka. Kamukha?

"Hindi man alam ng iba pero sa tuwing nakikita ko si Gel, parang ikaw narin ang nasa piling ko. The way He show his Love to me is just like you Miguel Torrez. Kaya pumayag akong magpakasal sa kanya dahil alam kong gusto mo akong maging masaya." Nagpunas ako ng luha at tahimik lang na nakikiramdam kay Mama.

"Alam mo Miguel, ang saya ko dahil nakilala ko si Gel. Parang siya ang reincarnation mo dahil hindi nagkulang sa pagpaparamdam kung gaano niya ako kamahal. Parang ikaw." Nagpunas narin si Mama ng kanyang luha tsaka ngumiti. Masayang ngiti.

"Kaya Miguel, sana maging maayos ka sa kabilang-buhay ah? Huwag kang haharot jan ng babaeng hindi pasok sa banga at shoot sa pasong kagaya ko. Hahaha pero joke lang." natawa ako sa kanyang sinabi. Haha si Mama talaga.

"Pero kung may magmamahal man sayo jan sa kabilang buhay, hinihiniling ko para sayo na sana huwag kang magsasawang mahalin rin ang makikilala mo jan. Pero ang totoo ay nirereto lang kita jan sa kabilang-buhay para kwits na tayo hehehe Just Kidding! baka multuhin mo pa ako weh"

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon