Chapter 04

263 13 0
                                    

HUDAS NG TAHANAN


As of the moment, kailangan kong pairalin at panindigan ang kasabihang "ONE IS ENOUGH, TWO IS VERY MUCH, THREE IS TOO MUCH AND FOUR IS GLUTTONY" at talagang magkakasala ako sa sitwasyong ito.


CREAM's POV

Nandito kaming lahat ngayon sa hapag-kainan at walang imikan dahil mukhang inaabsorb pa lahat nila mama at papa ang sitwasyong nagaganap. Pero ako? Hindi ko kayang tumingin sa kanilang lahat lalong-lalo na sa apat na douple ganger na ito. Hindi sa nahihiya ako sa kanila kundi nahihiya ako kila Mama at Papa sa mga pinag-gagagawa ko sa lalaking naka kulay pula ang t-shirt. Gosh! Anong gagawin ko?

"Kindly explain kung ano ang nadatnan ko kanina?" tanong ni fatherhood sa amin at napa-angat naman ako ng ulo.

"ahh...ehh..he-hehe k-kasi po.....uhmm....." hindi ko alam ang aking sasabihin!!!! Lupa please bumukas ka't lamunin mo ako ng buong-buo!

"IT'S HER FAULT! I AM JUST WATCHING A TELEVISION AND THEN SHE SUDDENLY APPEAR AND TALKING NONSENSE THEN GRAB MY HAIR! SHE IS CRAZY!!" asik ni Pula habang nakaturo sa akin sabay tingin ng matalim.

Napatingin naman si Papa sa akin at hinihintay ang aking sasabihin. Tumayo ako at pumunta sa kanya at lumuhod na parang sa Korean Drama na kapanahunan pa ng Joseon Dynasty.

"Patawarin niyo po ako sa kasalanan ko aba mama! Sadyang hindi ko lang po inaasahan ang pagkakaroon niyo ng apat na nagwagwapuang nilalang na hinulma ng puong maykapal sa pare-parehas na pagmumukha. Ako po'y nagkasala dahil hindi kopo alam kung sino sa kanila ang walang hiyang bumunggo sa akin ng ako'y bumibili ng cellphone" pagsusumamo ko at yumuko upang hintayin ang sasabihin ni Papa.

"PLEASE I DESERVE TO DIE ABA MAMA!" dagdag kopa at nabalot kami ng matinding katahimikan.

"BWAHAHAHAHA!!" bulalas ng lahat maliban sa akin na napaangat ng yuko at takang-taka sa kanila. Tinignan kopa si Mama at siya pala ang nangunguna sa pagtawa. Nakangiti naman si Papa sa akin at humahagalpak naman ang apat na Hudas.

"HAHAHA told ya she's crazy! Hahaha!" tawa ni Hudas na Asul sa akin.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ng nakangiti kong Papa na animo'y aliw na aliw sa nakikita. ANAK NG TOKWA NA TINORTA! Pulang pula na ang aking pisngi. Wala na akong magagawa kaya kinuwento ko sa kanila ang nangyari mula sa pag-aalitan namin ni Asul hanggang sa pagsasabunutan namin ni Pula.

"At yun nga po yung naabutan niyo kanina. P-pasensya napo talaga Papa. At s-sorry rin po sa inyo" nahihiyang paghingi ko ng tawad sa apat na Hudas nato.

"Pero teka po, diba sabi niyo bukas pa ang uwi nila? At hindi po talaga ako nainform na quadruplets pala ang anak niyo Papa?" tanong ko sa kanila.

"Actually nung sinabi mong tumatawag kami sayo ngunit nasira ang phone mo ay dahil sa sasabihin sana namin sayo na dumating na ang mga kapatid mo." Explain ni Papa sa akin.

"At mukhang hindi nasabi sa iyo ng Mama mo na Quadruplets ang anak ko. Kaya sons ang sinabi ko diba?(balikan niyo ang chapter 02 if you are curious)" dagdag pa niya na siyang nagpatianod sa aking ulirat. Oo nga no? ba't diko agad napansin yun? May "S" pala ang son niya meaning to say plural siya. Okay information added.

"Sons, this is Creztia Amz, but you can call her CREAM. And iha these are your Brothers. The one who is wearing Blue t-shirt is Greg Azer, the one in Black is Gin Albert, Gab Aldrich is wearing the Green t-shirt and Great Axell, the one you have a fight earlier." Pagpapakilala ni Papa sa kanila. Lihim naman silang napairap ngunit hindi nakaligtas sa akin kaya inirapan ko rin sila. Mga Plastik na HUDAS!

Matapos ang nakakalokang Session namin sa hapag-kainan eh napagdesisyonan ko munang magmuni-muni sa likod ng Garden kung saan may swimming pool doon. Napaisip lang ako, ano kayang magiging reaksiyon ni Honey kung sabihin ko sa kanya ang mga Vulgar na nangyari sa araw na ito.

Mukhang mas nakakapagod palang mag-isip kaysa magtrabaho. At napasampal ako sa aking noo! Shutainames naman oo! nakalimutan ko yung paghahanap ko ng Part time Job! Kahit pa hindi na kami naghihirap eh magpapakasarap na ako ng buhay. Kailangan ko paring maghanap ng trabaho para may maipagmamalaki akong pera na sa akin galing.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagmumuni-muni at nakarating ako sa parang gubat na ewan. Gosh! May Urban forest yata tong bahay na ito. Nakakaloka lang na ang swimming pool dito ay napalilibutan ng mga halaman na napakaganda. Ang sarap palang pumunta dito. Pero nakapagtataka lang, buti walang mga nagtatambayang ambisyosang froglet rito.

"Ay Gwapo!" gulat kong kuda nang biglang bumulaga sa aking hsrapan ang isa sa apat na Hudas sa aking harapan. Nagkamali ako may Froglet pala!

"Yes? Bakit mo ako tinatawag?" nakangising sabi niya na ikinairap ko sa malayo. Buhatin ba naman ang sariling bangko.

"tss... feelinga si otoko.(tsss.. ang feeling ni kuya)" sabi ko naman na ikinakunot niya.

"What?" tanong niya na ikinangiti ko. Sige duguin ka sana sa ilong kakaintindi sa sinasabi ko!

"Wala ang sabi ko ang feeling mo!" hindi kuna dinagdag ang kuya dahil hindi nila bagay. Baka mas matanda pa ako hehe.

"Psh...crazy!" asik niya tsaka umalis na siya.

"hmp! Sungit!" wika ko ng mahina pero mukhang narinig niya iyon dahil tumigil siya.

"Anyway, welcome to Hell Ms. May Sira sa Tuktuk" malamig niyang dada tsaka umalis na.

At talaga nga namang winelcome pa ako. Hagisan ko kaya ng nuclear Bomb ng tumigil tigil din. Pero hell daw, mukhang may balak silang hindi magugustuhan ng Gorgeous Cells ko kaya kailangan ko nang maghanda.

IHANDA MO ANG KAPA CREAM, DAHIL MAGSISIMULA NA ANG GIYERA NATIN SA MGA HUDAS NG TAHANAN! HIYAAAA!!!





Tiny_moja

All Rights Reserved 2018

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon