Chapter 38

169 10 2
                                    


About them who liked her

**.*.**

Enjoy reading minna! Have a Nice Day/Good Night ^_^

**.*.**

Cream's POV

"Aaaaaaaah!" napasigaw ako sa sobrang gulat ng makaramdam ako ng malamig na bagay na nakahawak sa aking binti. Ang sarap ng tulog ko tapos ganito lang ang mangyayari.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at sinilip mula sa aking paanan at laking gulat ko ng makita si Mama na nakangisi papaharap sa akin.

"Haist! Mama naman eh! Bakit kaba nanggugulat? Kita mo nang ang sarap ng tulog ko weh!"

"Happy Birthday Anak!" masayang bati ni mama sa akin habang hawak-hawak ang isang malamig na gatas.

Tipid nalang akong napangiti. Ang bilis talaga ng araw. Pang-ilang beses ko nabang sinabi na mabilis lumipas ang araw? Nevermind.

Sa dami ng nangyari sa aking buhay ay November na pala ngayon.and it's my birthday- My legit Birthday. Pero hindi ko ramdam ang kasiyahan sa aking puso. In fact, natatakot nanaman ako. Kaya siguro maaga akong binate ni Mama para pampakalma.

"Thank you Ma! Pero alam niyo naman siguro na ayoko ang naghahanda kapag kaarawan ko ano?" saad ko at kinuha na ang gatas na iniaabot ni Mama saka ito ininom.

"Oo alam ko, pero hindi moba alam na maghahanda ako ngayon dahil Death Anniversary Ng Papa mo, Kuya mo at si Baby na hindi man lang nasilip ang liwanag ng mundo?"

Natahimik ako sa sinabi ni Mama. Oo nga pala nalungkot nanaman tuloy ako maging si Mama dahil bumalik nanaman sa aking isipin ang nangyaring trahedya.

"T-tama na nga ang drama Mama! alam kong ayaw nila Papa, kuya at Baby na malungkot tayo. Tsaka pano nalang sina Daddy at ang apat na Hudas? Tiyak nagluluksa rin ang mga yun sa pagkawala ng dating asawa at Mommy nila. Kaya dapat happy lang tayo para naman hindi magmukhang haunted house ang atmosphere dito." Pilit kong pinapasaya ang aking boses at nakita ko naman na napangiti si mama.

"Tama ka Anak. O siya siya magluluto pa ako para sa pagbisita natin mamaya kaya mag-ayos ka narin jan ha?"

Umalis na si Mama at nang maisara niya ang pintuan ng aking kwarto tsaka ako napabuntong-hininga.

Kung makapagsabi ako ng dapat masaya akala ko naman kung ang saya ko. Haist! Natatakot talaga ako tuwing kaarawan ko. Aware naman ako sa nangyari pwera nalang nung natrauma ako pero hindi ko mapigilan ang mabahala.

Pumunta nalang ako sa banyo upang maligo at makapag-ayos narin. At dahil probinsiya ang pupuntahan namin, dapat medyo fresh and simple ang peg. I will try my very best to be happy today.




~*~




Great's POV

"Dude today is Cream's Birthday" I stopped reading after hearing Gin's words. He's right, today is her birthday but she doesn't want to celebrate it.

"Pero alam naman natin na hindi siya nagdidiwang ng kaarawan niya ever since that tragedy happened to their family." –Gab

"Gab's right. Pero Bro it's your time to make a move. Alam na naming lahat including Dad and Mom Ammy na you like Cream" – Greg

Nagulat ako sa sinabi ni Greg. Shit! Nag-init nanaman ang aking dalawang tenga. Everytime I remember my force confession to the planned they've set I feel myself blushing.

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon