~Halloween Special~

222 9 0
                                    


Halloween Special Chapter

Waaaaaaah!!! Good Day and Belated Happy Halloween Everybody! Namiss ko kayo My dearest Tiniies na nakapang-abot sa last chapter at karuruk-rurukan ng librong ito! By the way Nawa'y ang mga yumaong kaluluwa ay na sa magandang kalagayan. Ano my dearest Tiniies, nabisita niyo naba ang mga mahal niyo sa buhay na sumakabilang buhay na? Well then huwag niyong papalampasin ang Halloween Special ng Kauna-unahang libro ko........Ang Taming the Four Greeks yeheey! (Insert sabog confetti)

Pero WARNING ko po sa inyo! Hindi po ito nakakatakot. Halloween Special siya pero hindi ito yung chapter na tatayo ang mga anit niyo sa takot hehehehe. It is just a simple yet special chapter for all of you. Lablots for ya all! >_<

Thank you in advance sa mga magbabasa ng chapter na to hehehe. Lablots everyone!

~ENJOY READING MINNA ^_^ ~

Cream's POV

~13 YEARS LATER~

"Faster! Ms. Greeks sobrang tagal mo!" pilit kong kinakalma ang sarili ko at ayaw kong magising ang naglalagablab kong kepyas. Pagod na pagod na nga ako kakatadtad ng mga rekado at kakaikot sa shutanginamers na kusinang ito, kuntodo dakdak naman ang Boss kong pinaglihi sa Sili. Naku! Kemahal-mahal na nga ng sili tapos napaka-anghang pa ng baklang to!

Sa sampung taon kong Kitchen Chef rito ay never akong natuwa sa career kong ito. Na-eenjoy ko oo pero hindi kailanman sa pakikitungo sa baklang head chef namin. Sampalin ko kaya ng kaldero to para tumuwid?!

Todo parin ako sa kakaikot sa napakalawak na kitchen ng Lim's Cuisina Resto at hindi magkandamayaw sa pagtatadtad ng sibuyas, bawang, luya, mga gulay, at marami pang iba. Para kaming nagpapakain ng mga asong ulul rito dahil walang tigil sa pag-order ang mga tao. Sa lawak ba naman ng kainang to? Gosh! Gusto ko nang umuwi.

"Ano ba Ms. Greeks tutunganga ka nalang ba jan!? aba'y limampung servings pa ang pagtatadtarin mo bago ka matapos! Don't tell me ako ang papalit sayo jan sa pwesto mong babae ka?! Eh kung banatan kita ng aklo ha?!" Napatungo nalang ako at sinimulan na ulit ang pagtatadtad. Napakarami namin rito pero laging ako ang pinaglilihian ng baklang to! Shutangarag naman talaga oo!

Umalis na ang baklang si Chef Madj kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Lumapit sa akin si Kaylin na mukhang pagod narin sa pagpi-plating ng mga niluto.

"Haay naku! Buti naman at umalis na ang Madj nayun! Kanina pa naririndi ang tenga ko sa kanya susginoo!"

"Sinabi mo pa! Hindi ko na ngalang sinusumbatan dahil baka pumutok iyun at magsiliparan ang mga pinggan. Naku! Simot na simot na niya ang pasensya ko at talaga nga namang wala siyang pakialam!" inis na singhal ko rin at mariing tinadtad ang mga gulay na iniisip ang mukha ng lecheng Madj nayun.

"Kung hindi lang talaga mabait si Chef Mighty sa atin hinding-hindi ko pagpapasensyahan yan no!" saad niya habang pangiti-ngiti na nag-aayos ng mga platito.

"Psh! Tama nanga ang pantasya Kaylin! Tandaan mong taken na siya at may limang taong gulang na anak yan!" pambabara ko naman sa kanya kaya inirapan ako.

Bumalik na kami sa kanya-kanya naming trabaho dahil naamoy na namin ang masamang hangin dala ni Baklitang Chef Madj.


Fast Forward..........


Gabi na at kakasara lang namin. Nagsi-uwian narin ang mga katrabaho ko at paalis palang kami ni Kaylin. Siya talaga ang pinakaclose ko rito. Nandito na kami sa parking lot sa labas at nagpasyang umuwi na.

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon