Chapter 03

276 18 0
                                    

MISTAKEN

CREAM's POV

Hindi ako magaling magsalita ng ENGLISH. I am not fluent to English words that were too deep to reach my IQ. Parang may limitation lang ang aking words of wisdom in terms of speaking English. Pero wag ka! Dahil sa mahilig kaming maki gimmick sa mga Baks kaya fluent ako sa pagsasalita ng mga Gay lingo. At mukhang magagamit ko ito ngayon.

"Shutanginamers kang otoko ka! Inimbyernadeth sembrano mo si atashi! Witchikels mo knowsline mag Apollo ginebra!!!! And FIY, was aketch POORITA PRADES. Tina turn-off ka even though betchinawa chi. Bet mo ma boogie wonderland? Baka ma luz valdez ka ni atashi! CHE!!! (P*tang *na mo kang Gwapo ka! Binubwisit mo ako ha! Hindi mo ba alam magsorry ha?! And FIY, hindi ako mahirap. Turn off ka sa akin kahit type kita. Gusto mo yatang mabugbog ha?! Baka matalo ka pa sa akin. CHE!!! )

Hindi ko na hinintay ang sagot ng otokong iyon kaya naman nag walkout na ako.

"Haist! Nakakainis naman ang lalaking iyon! Pasalamat siya hindi ko binigyan ng bahid ng dugo ang pagmumukha niya. Tignan lang natin kung naintindihan niya ang mga pinag-sasasabi ko! Hmp!" kausap ko sa aking sarili. Naglakad-lakad ako sa mall at ginawang rampahan ang pasilyo ng bawat kasuluk-sulukan sa loob. Binilang ko lahat ng tiles na nakapaloob pero nang hindi pa ako nakaka sampung bilang ng tiles ay napagod na ako. Haist! Matawagan nga si Honey!

Kinuha ko ang cellphone ko at saktong may tumatawag ngunit nahulog naman iyon dahil may bumunggo na naman sa akin. Wow! Mukhang araw ko ngayon ah! Tinignan ko kung sino ang nabunggo ko at biglang tumaas ang alta-presyon ko.

"Anak ng- IKAW nanaman?!" napasigaw na talaga ako matapos kong makita ulit ang pagmumukha ng otokong ito. Pero iba na ang suot niya dahil naka asul na t-shirt siya kanina at ngayon naman ay naka itim. Bilis magpalit ang lechehan! Pinulot ko ang cellphone ko at napag-alamang sira na talaga to. Tinignan ko ng matalim itong Mr. Who are you na 'to at nakakunot rin ang kanyang mga noo na nagpapakita ng pagkalito. Aba'y ang sarap punitin ng mga kilay niyang imbyerna siya!

"What are you talking about?" nakakunot na wika ng siraulong ito. Patay malisya? 

"'Wag mo akong wina-what are you talking about jan kung ayaw mong masapak ng sampal ha! Tignan mo sira na oh!" maiiyak na yata ako dito. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa Mall pero ayoko namang masira ang momentum ko kaya binalewala ko nalang.

"Psh." yun lang ang sinabi niya tsaka lumakad na paalis.

"Aba't wag mo akong dine-deadma at kinakausap pa kita!" kuda ko sabay hila sa kanya.

"Damn let me go!" ang pagkakahawak ko sa kanya ang siyang dahilan para mapaupo ako dahil tinabig niya ito ng pagkalakas-lakas. Ang pwet ko shutanginers!!

"HUMANDA KA SA AKING HUDAS KA!!!!!" sigaw ko ngunit mabilis siyang nawala sa aking landas. Lechehan!!

"Kainis!" sabunot ko sa aking sarili matapos mangyari ang kalbaryong hindi ko inaasahang darating. Tumayo na ako at ipinagpatuloy ang pamimili ng aking mga gamit at nang mabili ko na lahat ay tumungo ako sa Jollibee upang kumain dahil nakaramdam na ako ng gutom. Pagdating ko doon ay nagorder na ako ng pagkain at tsaka umupo sa may pinakadulo ng Jollibee dahil masyado nang madami ang mga tao. Yamot akong naghintay sa aking order hanggang sa dumating ito.

Habang kumakain ako, napapaisip parin ako sa sinabi ni Daddy Gel. Kung lilipat ako nang paaralan, may chance na magkaklase kami ni Honey. Sa GA University rin daw siya mag-aaral ng college eh kaya naman medyo panatag na ako. Mamimiss ko naman ang buhay ko sa DLSU dahil marami naman na akong ala-ala doon no. Natapos na akong kumain kaya lumabas na ako. Bukas na lang siguro ako bibili ng bago kong phone at magpapalamig muna ako ng ulo.




*****


Alas singko na ng hapon ng mapagdesisyonan kong pumarito muna sa isang Park na tambayan namin ni Honey kapag weekend. Madalas kami rito kaya naman halos ka close na namin ang mga street vendors dito.

"Musta iha?" Wika ni Mang Tino na siyang nagtitinda ng Ice Cream dito. Sa lahat ng vendors dito ay siya ang pinakamadalas naming kausap at suki rin kami dahil araw- araw kaming bumibili dito.

"Oks lang po Mang Tino. Pabili nga po ng ice cream yung strawberry po." Binigyan naman ako ni Mang Tino at akmang magbabayad na ako nang sinabi niyang wag na. Napangiti naman ako at nagpasalamat tsaka nagpaalam na dahil maggagabi narin.

Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa sofa't nanonood ng horror movie. Napakunot naman ang aking noo dahil ngayon ko lang siya nakita rito. Ibang bahay yata ang napasukan ko!

"Uhm...excuse me, sino ka?" tanong ko sa kanya at napalingon naman agad. Namilog ang aking mga mata ng mapagtanto ko kung sino ang lalaki sa aking harapan. 

"IKAW!?" bulalas ko ngunit binigyan lang ako ng "SINO KA" look. Nilapitan ko siya at kwinelyuhan at nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa aking hudas ka! Mukhang gusto mo ng makipaglandian kay blackeye ha?!" nanghahamong kuda ko ngunit hindi naman natinag itong kupal nato. Nagdilim lang naman ang mukha nito na halos hindi na maipinta ang reaksiyon ngunit hindi rin ako nagpatinag.

"Wag mo kong samaan ng tingin Hudas ka! mas lalo mo lang ginagalig ang hormones ko!"

"GET OFF MY CLOTHES" ma-awtoridad na sabat niya na siyang nagpainit ng mga gorgeous cells ko.

"Oo ige-get off ko yang clothes mo dahil huhubaran kita at tsaka itatali sa puno ng acacia!" sabat ko at sinabunutan ko siya.

"AAAAARGH!!" sigaw niya ngunit hindi ko parin binitawan at mas lalo ko pang hinigit. Nahulog kaming parehas sa sofa akay akay ko ang mga buhok niya at pilit niya naman akong itinutulak.

"WHAT IS THE MEANING OF THIS?" sigaw ng boses na nakapagpatigil sa aming dalawa. Nakita ko ang blangkong ekspresyon ni Papa Gel habang si Mama naman ay bagsak ang panga.
Saktong may mga dumating na nagtatawanan sa labas. Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang dalawang mukha na parehas na parehas sa mukha ng kasabunot ko ngayon. lumabas naman galing sa ibang pintuan ang isa pang mukha na kaparehas rin ng tatlo. Walang imik ang lahat maliban sa akin na lingon doon lingon sa likod at lingon sa kasabunot ko ng pabalik-balik. Hindi naman ako gutom ngunit bakit magkakamukha ang kaharap ko ngayon? Ako dapat ang may karapatang magsabi ng "WHAT IS THE MEANING OF THIS?"










Tiny_moja

All rights reserved 2018

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon