Chapter 11

211 14 0
                                    

BRIEF

"Perfectionism is the enemy of happiness but Embrace being perfectly imperfect. Learn from your mistakes and forgive yourself, you'll be happier. We make mistakes because we are imperfect. Learn from your mistakes, forgive yourself and move forward."


CREAM's POV

Wala naman akong gagawin ngayon dahil tapos ko naman nang linisin ang mga pinag-kainan namin kaninang umaga. Alas otso palang ng umaga kaya naman nakatambay ako ngayon dito sa salas.

At bilib din naman ako sa amats ng apat na hudas dahil takot naman pala silang kumain ng kinilaw na palaka. Akalain mo yun? Inubos talaga nila yung pagkain? At masaya naman si ako.

"Hey clean my room." Utos sa akin ni Gin habang ngumunguya ng bubble gum at pasimpleng kumikindat kindat.

"Dah! Ang pagkaka-alam ko babysitting ang sinabi ni Papa hindi tagalinis ng kwarto niyo!" singhal ko naman sa kanya ngunit ngumisi lang siya ng nakakaloko.

"And part of the contract na ang pag-aalaga mo sa amin ay isang malaking halimbawa ng paglilinis ng aming kwarto am I right?" tanong naman niya na ikinalag-lag ng aking panga.

"As if naman susundin ko! Ang laki-laki mo na tapos ako pa ang ang maglilinis ng kwarto mo?! Ikaw na lang kaya!" ngawa ko naman at mukhang walang mananalo at matatalo sa amin dahil nag-iisip nanaman siya ng isusumbat niya.

"Okay kung ayaw mong linisin then sasabihin ko nalang kay Dad na hindi mo kami inaalagaan ng maayos." Kibit-balikat niyang dada na ikinamulagat ko.

"Haish! Oo na sige na lilinisin kona ang dami pang dada!" pagsuko ko nalang.

Nagtungo ako sa kwarto niya at nalula pa ako sa laki nito. At talaga nga namang ang lakas ng kapit ni timing dahil sinadya niya ang pagkakalat. Hindi naman kalat na matatawag ang isang to dahil nakalabas lahat ng mga damit niya, mga nagkalat na papel na crinumple at pinagkainan niya ng mga chichirya.

Napasabunot nalang ako sa aking sarili pero no choice ako dahil dakilang sumbungero naman ang itim na Gin nayun. Nagsimula kong pulutin ang mga nagkalat na papel at inilagay iyon sa plastic at sinunod ko naman ang mga damit at itinupi ko ang mga ito tsaka inayos sa kanyang aparador. Binuksan ko ang kanyang bintana at sinimula na ang pag-agiw, pagwalis pag-ayos atpb.....

Mahigit isa't kalahating oras akong naglinis at ramdam ko narin ang tagaktak ng aking pawis kaya naman napagdesisyonan kong umupo muna dito sa kanyang ala king size bed na kama.



*****


GIN's POV

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay namangha ako sa pinagbago nito. From messy scenario to a tidy and nice ambiance. I didn't expect that my room will turn into something unrecognizable.

"Wow! Impressive." Mangha kong dada at napabaling ang aking tingin sa mahimbing na natutulog na babae.

Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang hitsura niya at masasabi kong maganda siya. No, sobrang ganda. Hindi niya lang kasi alam ang salitang fashion. Her face is so angelic at napakainnocent ng posture niya kapag TULOG! Dahil amazona tong babaeng to kapag gising at dragon naman kapag bad trip.

But regardless of that she is so cool when she says barbaric words. And napaka sarap pakinggan yung mga sweet curse niya na animo'y parang musika.

Pero kapag si Greg at Great ang makakarinig nun tiyak mag-aalburuto iyong dalawang yun hindi sa dahil nainsulto sila pero dahil hindi nila to maiintindhian.

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon