Chapter 15

213 12 0
                                    


GA University

When you invest your time, you make a goal and a decision of something that you want to accomplish. Whether it's make good grades in school, be a good athlete, be a good person, go down and do some community service and help somebody who's in need, whatever it is you choose to do, you're investing your time in that.

-Nick Saban


CREAM's POV

Kay bilis ng araw at gabi. Parang kailan lang nung huling nagdidildil kami ng asin. Kailan lang noong naghihirap kami. Kailan lang noong naghahanap ako ng part time job para makapag-aral ako ng kolehiyo. Sobrang bilis.

Nang biglang nag-iba ang ikot ng aking mundo. Hanggang sa nagkaroon ako ng mga bagong parte. Bagong AMA, bagong bahay, bagong buhay na buhay paba kung tawagin.

Dahil mamamatay ako sa sobrang bwisit! Nang dahil nakilala ko ang anak ng bago kong Ama. Ang apat na HUDAS ng tahanan, the Four Ga's na nagmamay-ari ng nasa harapan ko ngayon, ang GA University.

Yes! Nandito na ako sa harap ng bago kong paaralang papasukan, nag-aalburuto sa inis dahil late na nga akong nagising, iniwan pa ako ng shutang apat nayon!

Ayaw ko na sanang pumasok pero napakalaking dagok sa aking buhay ang hindi pumasok sa isang araw. Aba'y sa buong buhay ko mula kinder hanggang grade 12 never akong umabsent! Maliban nalang noong nakaranas ako ng letseng tigdas nayan! Pero sheshebureche! Focus tayo sa ngayon!

Pumasok na ako sa loob ng unibersidad na ito at napaWow happy jolly si atashi! Ang lawak at ang ganda naman pala ng paaralan nato!

Nalula ako sa ganda nito kaya naman hindi ko napansin ang isang tao na aking nabunggo.

BOGSH!!

"Araay! Imbyerna si atashi!" sigaw ko dahil napaupo pa ako sa lakas ng aking pagkabunggo. Natigil naman ako dahil nakapasalita tuloy ako ng Gay language sa public place. baka pagkamalan pa akong bakla.

"Acheche Daebak! Knowsline mo ang linggo ng mga badush in the country?" napaigtad ako at nilingon ang nagsalita dahil naintindihan ko iyon.

"Yiiyiyis! But anyway high way, sinechiwa ang merlat standing face to face to atashi with matching pinkalou ang hairlalou?(yes of course! Pero sino itong nakatayo sa harapan ko na may kulay pink na buhok?)

"Ay haha Jamrich Nova Martinez si atashi! Sinechiwa vice versa ang free ganders like you? (ay haha, ako si Jamrich Nova Martinez! Ikaw, anong pangalan ng napakagandang babaeng tulad mo?)

"Crestia Amz Gr- I mean Torrez si atashi! Hehe but you can call me Cream" wika ko naman at lahad ng aking kamay.

"NEWBIE ka? Anong course mo?" tanong niya sa akin. Mukhang makakasundo koto wah.

"Freshmen ako Girl. Bachelor of Arts in English Major. Pero marunong ka sa balbal?" tanong ko na ikingiti niya.

"Parehas pala tayo eh. iyon rin ang course ko and Yes marunong ako sa ganyan dahil may kapatid akong beki. So I think were Friends?" nakangiting kuda niya na ikinangiti ko rin.

"FRIENDS."

Nagtataka kayo siguro kung bakit yun ang kinuha kong kurso? HRM ang unang pumasok sa aking isipan pero napagisip isip ko ng maraming beses na gusto kong matuto sa pagsasalita ng English. Aba'y nakakahiya sa tulad kong maganda ang hindi fluent sa pag i-English no! tsaka mapagkamalan pa akong baklang bilat kung puro gay linggo lang ang alam ko.

Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon