Chapter 33

220 17 0
                                    



Strange Feelings


**.*.**


I overthink many possibilities. But all in all, I find it strange.


Cream's POV


"Totoo?" nailayo ko ang cellphone ko sa aking tenga dahil sa lakas ng sigaw ni Honey. Oo katawag ko ngayon siya at alam kong kasama niya si Shine.


Sinabi ko sa kanila ang nangyari sa aming pag-uusap ni Mighty pati narin ang pag-amin niya na gusto daw niya ako.


"Pero nakakapagtaka beshiebaps, hindi ko talaga alam ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya eh. Kung alam ko lang na ganun-ganun lang siya aamin, dapat pinatos kona."


"Pero beshiebaps, diba gusto mo rin siya? Eh ano pa ang kinababahala mo ha?"


Hindi ako nakasagot sa tanong ni Honey. Tinanong ko narin ang sarili ko kung bakit parang hindi ko na appreciate o na acknowledge man lang ang pagkagusto ni Mighty.


"Eeh beshiebaps, ewan ko! Tulungan niyo ako pls! mababaliw na ako weh!" pagsusumamo ko at narinig kong napabuntong hininga si Honey sa kabilang linya.


"Haist! Pasalamat ka beshiebaps ka namin. Sandali't pupunta kami jan. yayayain ko narin si Jamrich."


"Waaaaah! Salamat beshiebaps! I love you all na talaga!" Lumiwanag ang aking mukha dahil pumayag siya.



"O siya siya sabihin mo na rin kay tita Ammy na pupunta kami jan."


Tinapos na niya ang tawag kaya dali-dali naman akong bumaba para sabihin kay mama na pupunta sila dito sa bahay.


Pababa na ako ng makasalubong ko si Great at nagtama ang aming mga mata. Pero agad niyang iniwas ang kanyang mata kaya naman napakunot ako ng aking noo.


"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya pero hindi ako pinansin at nilagpasan lang niya ako.


Psh! Lagi namang ganun yun. Hayaan na nga.


Nakita ko si Mama at Papa na magkatabing nanonood ng balita sa sala kaya pumunta ako doon.


"Ma, pa pupunta ngayon ang mga kaibigan ko. Okay lang po ba?" bungad na tanong ko sa kanila at tumango naman sila. Tutok na tutok kasi sila sa balita na may isang babae ang tumalon sa rooftop ng isang gusali. Ayun tegibels.


Pumunta ako sa kusina para magbake ng cake na ipapakain ko sa kanila.


Hindi parin talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Mighty. Gusto niya ako?! For real? As in parang Nestfruta? Real na real?


Taming the Four Greeks | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon