Chapter16

3.5K 69 0
                                    

Chapter16

DYLAN POV

Matapos ang deliberation sa conference hall ay nanatili parin akong nakaupo sa aking executive chair, habang 'yong iba ay isa-isa nang nagsisilabasan.

Medyo nanakit ang batok ko sa mahaba-habang conference na 'yon with board of directors, mukhang kailangan ko munang ipahinga saglit ang batok ko nito sa office.

"Jewie, thanks!" Napalingon ako ng makita ko si Derek na may iniabot kay Jewie.

Hindi ko maiwasang hindi mapatiim bagang dahil sa paglapit niya kay Jewie, parati akong nakakaramdam ng selos kapag nag-uusap silang dalawa.

"Welcome sweetie" Nakangiting inabot ni Jewie ang ballpen na 'yon.

Bahagya akong napa-pikit dahil sa narinig ko, gusto ko ako lang ang tinatawag niyang sweetie. Darn it!

"Its exactly 4 o'clock, sabay tayong mag-meryenda?" Anyaya ni Derek dito.

Sa inis ko tumayo ako para lapitan silang dalawa, ayokong dumidikit sakanya si Derek. Kahit mahawakan man lang ang kamay nito ay ayoko.

Bago pa man siya magkapag-agree ay nagsalita na ako. "NO!" Hinila ko ang braso ni Jewie palayo dito. "Maghanap ka nalang ng ibang makakasama mong mag-meryenda"

Napa-iling si Derek na parang nang-aasar pa base sa ngise nito bago nagsalita. "I will ask her again, baka gusto niyang sumama sa akin saglit para mag-meryenda bro" Sabi nito at tumingin kay Jewie mula sa likod ko. "Jewie?"

"Next time nalang Derek" Mabilis na tugon naman nito.

Nakatingin lang ako kay Derek kaya hindi ko alam kung ano ang reaction ni Jewie habang sinasabi 'yon. Kung nagpapa-cute ba siya dito or what. Damn!

"Okay" Tatango-tangong sambit nito. "You win again bro. Congrats!" Nakangiseng saad nito sabay tapik pa sa balikat ko. "Bye Jewie" Paalam nito kay Jewie bago lumakad palabas.

"Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin kayo Close? Jeses!" Sabi nito pagharap ko sakanya. "Isa pa, bakit pinagbabawalan mo ko? Nagyayaya 'yong tao e" Sabi pa nito.

"Ayoko lang talaga na lumalapit ka sakanya" Sabi ko at hinawakan ang mukha niya.

She look at me into my eyes. I feel the beats of my heart again, kapag tinititigan ko siya parating may kakaibang tibok ang puso ko.

Yes, i'm badly in love with her. And i admit na nagseselos ako kapag nilalapitan siya ni Derek, ayokong lumalapit ito at dumidikit sakanya simula ng malaman kong babaero pala si Derek.

Naiinis din ako kapag nakikita ko siya dahil pakiramdam ko ako ang bastardo sa aming dalawa.

We're half brother, magkapatid kami dahil sa babaero naming ama. Mas matanda siya sa akin ng isang taon, it means bago paman ako nabuo nila mom ay may nauna ng nabuo si dad sa ibang babae. Tck!

"Baka nakakalimutan mong—" Pinigilan ko siyang magsalita gamit ang aking daliri.

"I know" Sabi ko sabay lunok.

Alam ko na ang sasabihin niya, na ayaw niya ng commitment. Paulit-ulit niya 'yon na sinasabi sa akin para h'wag akong umasa, pero handa pa rin akong maghintay kapag naging ready na siya.

"Nagiging possessive kana Papa Dylan ha, pigilan mo ang possessive disease na 'yan" May kahulogang wika nito.

"I'm sorry kung masyado akong possessive" Sabi ko tsaka siya niyakap. "I just love you" I whispered, 'yong tipo na ako lang ang nakarinig.

💋💋💋

Pagpasok ko sa office mabilis kong tinapos ang lahat ng pipirmahan sa desk ko, gusto ko ng umuwi ng maaga-aga ngayon para maipasyal ko siya sa seaside sa mall dahil may event do'n mamaya.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now