Chapter24
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Dylan para pumunta sa Conference room para sa meeting with the finance Department.
I arched my brow as I stared Ylonna standing outside the conference room. Mukha siyang security guard sa pwesto niya, kulang nalang uniform at batuta para magmukha talaga siyang lady guard. Jeses!
"Ylonna, bakit nandito ka sa labas? Bakit hindi ka pumasok sa loob?" My boyfriend question her.
"Hinihintay kasi kita Dy" Sagot nito ng nakangiti pero nagtaray ito ng tumingin sa akin. "Bakit kasama mo pa siya?" Tukoy nito sakin.
"Bakit naman hindi?" I said and crossed my arms.
It's been a month na rin since nang magkita kami ng dodo-shark na 'to, malaki naman kasi itong building kaya hindi kami nagkikita. Mas gugustohin ko rin namang h'wag magcross ang landas naming dalawa dahil nakakapanakit ng mata at panga ang pagkalaki-laking bunganga niya.
"Bigla kasing sumama ang hangin dito sa paligid" Mataray na sagot nito na parang ang tingin niya sa akin ay isang marungis na pulubi sa paningin niya.
"Ay, ganoon? Baka hininga mo lang na mala-septic tank 'yong naaamoy mo sa laki niyang bibig mo." Pagmamaldita ko dito tsaka ko siya nginisihan.
"Nilalait mo ba ko? Bakit, sa tingin mo maganda ka? Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng ugali mong babae ka" Nanggigigil na saad nito.
Ay, natamaan? Iskandalosa pala ang dodo-shark na 'to e'. Akala niya naman siguro e' maaapektohan ako at maiinis sa sinabi niyang 'yon, halatang Inggit lang 'to sa natatanging ganda ko. The pek!
"Girls, Stop the argue..." Dylan's interrupted us.
"Ganyan na ganyan ang mga taong insecure sa mas nakakaganda sakanila" Natatawang wika ko. I saw her brows furrowed. "I'll fuck your day up with a smile on my face." I said smiling. Nilakihan ko ang pagkakangiti para mas lalo talaga siyang maasar. "Let's get inside sweetie" I said and cling to Dylan's arm na mas lalong ikina-asar niya at kulang nalang ay maglupasay siya sa sahig.
Buong meeting nakasimangot lang si Ylonna habang ako naman ay ngiting-tagumpay dahil alam kong asar na asar siya sa presence ko. Hindi lang pangmamaldita ang ginagawa ko sa taong kinaiinisan ko, nagiging hyperactive akong mang-asar kapag mabilis itong mapikon.
Kahit tapos na nga ang meeting ay nakasimangot parin siya, hindi kasi ako umaalis sa tabi ni Dylan kahit nagsilabasan na ang iba. Mabuti nalang at hindi siya lumapit sa amin dahil babarahin ko siya kapag nagtaray siya.
"Feel ko may gusto talaga ang kinakapatid mo sa'yo" I said and he look at me confusedly when we reach our floor.
"Ha? What do you mean babe?" He question as he walked outside the elevator.
"Sweetie, I'm not numb. Yakap at tingin palang sa'yo ni Ylonna may malisya na, babae rin ako at alam kong may gusto siya sa'yo" I answered and he smiled as he pinch my nose.
"Babe, nagseselos ka na naman. We're just close friend since then kaya akala mo may gusto siya sa akin. Parang magkapatid na rin ang turingan namin ni Ylonna kasi sabay kaming lumaki" Sabi nito habang naglalakad kami patungo sa kanyang office.
Tangna! Nakaramdam tuloy ako lalo ng selos. Kung magkapatid ang turingan nila sa isa't-isa, edi syempre nandoon ang pagmamahalan bilang magkapatid. May mga kapatid akong mahal na mahal ako kahit parati kong inaasar at mahal na mahal ko din na handa kong protektahan kapag may hampas-lupang nanakit sakanila. Iniisip ko palang na ganoon siya kay Ylonna ay gusto ko ng manggalaiti.
"Close friend? Bakit sa tingin mo hindi siya sa'yo magkakagusto porket close friend lang kayo? Kaya nga kayo close kasi tuwang-tuwa siyang nakakadaupang palad ka niya. At Magkapatid pa ang turingan niyo sa isat-isa? Siguro kapatid lang ang tingin mo sakanya pero siya naman e' higit pa sa kapatid ang tingin niya sa'yo kasi may pagnanasa at pagtingin siya sa'yo" I hissed and he sighed as he turned the knob of his door then faced me.
YOU ARE READING
CSS1: Captivated by Ms Pervert💋
RomanceShe is wild . . . . . . And PERVERT! She can do what she wants and don't make any excuses for her deeds....She loves flirting but she hate the word 'commitment' . . . . He is cute and decent . . . . He is also very neat in appearance and exactly p...