Chapter30

3.8K 80 4
                                    

Chapter30

DYLAN'S POV

I decided to ask for space because I feel hurt and disgruntled. Masama ang loob ko dahil sa nakita ko, pareho silang nakahubad. As in fully naked sa kama, nakapatong pa ang Ex niya sakanya.

Gusto ko namang maniwala sakanya pero pinipiga ang puso ko kapag sumasagi sa isipan ko 'yong actual na nakita ko. I feel that she was betraying me those time. And it feels like.... I am not enough for her.

Mahirap maging sensitive person, mabilis akong masaktan at magdamdam kahit noon pa maski na sa maliit na bagay lang. Lumayo ako at iniwasan siya dahil pakiramdam ko no'ng mga oras na iyon ay parang hindi ko mapipigilan ang sarili ko sa galit at poseble ko siyang masaktan physically.

I love her and I don't want to hurt her when I do not control my anger kaya mas minabuti ko nalang na umiwas muna para makapagpalamig ng ulo bago ko siya harapin at makipag-ayos sakanya. Kaonteng panahon lang naman ang kailangan ko para makapag-reduce ng sama ng loob at hinanakit.

Napagisip-isip kong sobra akong nagkamali. I didn't give her a chance to explain her side dahil mas umigting ang sama ng loob ko. Hinusgahan ko agad siya base sa nakita ko at lumalabas na wala nga talaga akong tiwala sakanya dahil mas pinairal ko ang galit at pride ko.

Ngunit.... nang magpagpasyahan kong kausapin na siya para suyuin at magsorry dahil sa pagtataboy ko sakanya ay wala na siya sa kanyang condo unit. Nalaman ko nalang sa personnel ng condo building na umalis na siya sa kanyang unit bitbit ang kanyang mga gamit.

Wala akong maisip na ibang pwede niyang puntahan kundi ang kanilang bahay kaya nagmadali akong pumunta doon. Nagpumilit at nagmakaawa ako sa guard na papasokin nila ako para makausap ko si Jewie ngunit paulit-ulit nitong sinasabi na wala raw ito sa loob ng bahay.

Sinubukan ko namang kausapin si Kirby kung alam ba nito kung saan nagpunta ang best friend niya pero patuloy nitong itinatanggi na hindi nito alam kung saan nagpunta si Jewie. Sinubukan ko siyang balikan para kulitin para paaminin ngunit wala na ito at umalis na ng bansa para bumalik sa Wellington para do'n magtrabaho.

"Manong....baka naman nandyan na si Jewie?" Tanong ko sa nakabantay na guard.

"Ikaw na naman? Sinabi ko naman sa'yong wala si Miss Jewie dito. Ilang linggo ka ng pabalik-balik dito, hindi ka ba sir napapagod?"

"Gusto ko lang naman siyang makausap—"

"Wala nga sabi si Miss Jewie dito. Umalis ka na Sir"

"Baka naman pwede kong malaman kung nasaan siya, please naman Manong.... Sabihin niyo sa'kin" Pangungulit ko dito.

"Hindi kami pwedeng magbigay ng detalye tungkol sa amo namin. Isa 'yon sa rules sa'min dito" Sabi nito tsaka ako pinagsaradohan ng gate.

"Shit!" Napahilamos ako ng dahil sa inis

Sunod-sunod din akong napamura ng pumasok na ako sa kotse ko at malakas na napahampas sa steering wheel.

"Kasalanan ko ang lahat ng 'to, hindi ito mangyayari kung nakipag-ayos lang agad sana ako sakanya. Damnit!" I said blaming myself.

Halos araw-araw ko nang sinisisi ang sarili ko dahil sa kagagohan ko, hindi rin ako makatulog ng maayos sa gabi dahil sa kakaisip ko sakanya. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, wala akong idea kung saan siya pumunta. Panay contact ko sa number niya pero parati itong unattended. Hindi ko na alam ang gagawin ko, mukhang iniwan na nga niya talaga ako ng tuluyan.. Fuck!

Ilang minuto akong tulala sa kotse ko habang inaalala ang mga masasaya naming pagsasamang dalawa. Namimiss ko na ang kapilyahan niya, ang pagiging pervert niya, ang ngiti niyang nang-aakit at ang labi niyang kay sarap humalik. Gusto ko na muli siyang makatabi sa pagtulog, makasabay sa pagkain, makasama sa pagligo, mayakap ng mahigpit, mahawakan ang maganda niyang mukha at mahalikan ang kanyang labi....I really miss everything to her damn much!

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now