EPILOGUE

5.8K 122 15
                                    

EPILOGUE....

THE FINALE!

DYLAN'S POV

May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na hahamakin ka talaga ng tadhana kung gaano ka katapang at katatag dito sa mundong ibabaw. Minsan sa buhay natin ay masasaktan ka, malulungkot at magtatagumpay ka. Magkakamali ka ng maraming beses, but after the lot of mistakes you made ay may matutunan ka.

Kaya simula no'ng mapatawad at maging okay na ulit kami ni Jewie ay wala na akong sinayang na oras at niyaya ko na agad siyang magpakasal dahil iyon na lamang ang siyang kulang sa aming dalawa. Gustong-gusto ko na siyang matali sa'kin para siguradong wala na siyang kawala sa'kin...

Gusto ko sa akin lamang siya, kung pwede nga lang itali ko siya sa bewang ko para wala talaga siyang kawala ay gagawin ko. Alam kong OA na akong masyado pero mahal ko talaga siya at ayoko na talagang mahiwalay muli sakanya, natatakot akong bigla nalang siyang muling mawala sa buhay ko at maghintay na naman ako ng mahaba at matagal na panahon para bumalik siya sa'kin. Ayoko na ulit mangyari 'yon at baka iyon na ang ikamatay ko. Siya lang ang nagiisang babaeng minahal ko ng ganito na halos ikabaliw ko na no'ng umalis siya kaya hinding-hindi ko siya bibiyan ng rason para iwan ulit ako.

I'm also glad because of my cute little daughter na nagbibigay ng cuteness and happiness sa amin. Ang sarap pala sa pakiramdam na may tumatawag ng 'Daddy' sayo at the same time may naglalambing sayo na isang baby girl. Hindi parin kasi ako makapaniwala na may anak na kami ni Jewie.

Hindi ko man lang nalaman na nabuntis ko na pala siya noon, dapat nasa tabi niya ako noong time na buntis siya para naaalalagaan ko siya. I don't know how our daughter was born, if she ever had difficulty in her delivery. Hows her first month with my child? Napupuyat ba siya sa pagaalaga sa aming anak noong baby palang ito? Her first birthday, first word, first walk. Her first everything.

"Daddy~ Kyaaah!" Sinalubong ko ang aking anak ng bumaba ako sa aking kotse at kinarga ito.

I let her kiss me and embrace me. Namiss ko agad ang anak ko kahit dalawang oras palang akong nawawala sa tabi niya para sundoin ang parents ko sa aming bahay. Napatingin ako sa mga mata ng anak ko, nakuha ng anak ko ang kulay berde kong mata. Ang akala kong anak ni Kirby ay anak ko pala.

I smiled and kissed my daughter as I hugged her tight. She smelled powder and milk.

"Siya na ba ang aking apo?" My mom asked and my father smiled as they come out in my car. "How so cute and lovely, my granddaughter" She pinched my daughter's cheek.

"Say hello to grandma and grandpa, my princess" I said and my daughter happily waved her hands.

"Hello Grandma~ Hello Grandpa~" My daughter cheerfully said.

"Hello apo, I have a gift for you apo" Iniabot ni dad ang dala nitong box na naglalaman ng barbie doll.

"Wow~" Masayang tili ng anak ko kaya tuwang-tuwa naman sila dad dahil nagustohan nito ang regalong ibinigay nito sa anak ko. Bumaba ang anak ko mula sa pagkaka-karga ko dito para yumakap at humalik sa kanyang Grandparent. "Thank you~" Sabi pa nito tsaka pinaglaruan ang bago niyang barbie doll.

Naglakad naman kami para pumasok na sa loob ng bahay nang sa ganoon ay maipakilala ko na sa parents ni Jewie ang magulang ko, pinaupo ko ang parents ko sa living area bago ako pumihit para umakyat sana ng hagdan para tawagin si Jewie sa kwarto pero lumabas ito galing yata sa kusina.

"Mommy~look! Hihihihi" Sabay pakita nito sa barbie na hawak-hawak ng kanyang maliliit na kamay. Tumingin naman ako kay Jewie ng huminto ito sa tapat namin at binigyan ito ng matamis na halik sa pisngi.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now