Chapter25

2.5K 47 0
                                    

Chapter25

Isang araw akong hindi pumasok para magpahimasmas buong araw. Akala ko bangungot lang 'yong nangyaring kaganapan sa bahay nila Dylan pero totoo pala talaga ang lahat.

Kahit sino namang ibang tao ay bitch talaga ang first impression sa akin, gano'n kasi talaga ang tingin nila minsan sa'kin. Hindi kasi ako magaling makipagplastikan kaya pinapatolan ko sila. Nagmamaldita talaga ako kapag natatapakan na ang ego ko at iniinsulto, inaapi at pinapahiya ako ng harap-harapan.

My phone rang and I quickly picked it and swipe the screen to answer the call. Baka ang boyfriend ko 'to para kumustahin ako kung papasok na ako ngayon. Hindi kasi ako pumasok kahapon at ngayong araw naman ay pinagiisipan ko pa kung papasok ako kaya nauna na siyang umalis kanina.

"Jewie Greamory Speaking..."

"This is Dylan's mother" Sabi ng nasa kabilang line. Napatingin naman agad ako sa screen ng phone ko.

Putcha! Ano bang nakain ng impakta na 'to at tumawag sa'kin. Nakakain ba 'to ng inu-uod na pagkain? The pek!

"Yes? Anong kailangan mo at napatawag ka?" I asked.

"Dederetsahin na kita. Hindi kita gusto para sa anak ko kaya hiwalayan mo ang anak ko" Utos nito na para bang amo ko siya at alipin naman ako.

Grabe mang-gulat ang Alicia na 'to. Para siyang diarrhea na bigla nalang nagpapasabog. Tangna!

"Kung hindi mo ako gusto para sa anak mo, sorry to tell you but the feeling is mutual. Hindi rin kita gusto para maging mother-in-law ko in the future. Kung 'yan lang naman ang sasabihin mo sa akin kaya ka nagabala pang tumawag, mas mabuti pang magpaalam na tayo sa isa't isa dahil ayokong nakikipagusap sa impakta na katulad mo" I said.

"You're so rude!"

"As if you're nice. And yes, bastos akong tao kapag may lapastangang binabstos ako. Sino ka ba para respetohin ko? Kahit ikaw ang PUTANG-INA ng boyfriend ko, hindi ako magpapakumbaba sa'yo. Chura mo!" I said and I heard her gasped.

"Isa sa rason kung bakit hindi kita gusto para sa anak ko dahil isa kang—"

"Wala akong time para pakinggan 'yang walang kwentang mga sasabihin mo. You don't have to explain why you hate me, kung ayaw mo sa akin edi manigas ka! Mahal ko ang anak mo and i'm enjoying your son. Kaya labas ka na do'n" Pagmamaldita ko.

"Wala kang mudong babae at bastos pa, totoo nga ang sinabi nila sa'yong bitch ka—"

"Hindi kasi ako mahilig makipagplastikan sa taong mas mabaho pa sa goma ang ugali. Kung ano ang ibinigay at ipinakita mong paguugali sa'kin ay sinusuklian ko 'yon ng buong puso. Wala kasi ako sa soap-opera para magpakamartir at magpatalo sa mga taong mas bitch pa sa'kin" I chime-in and smirked.

"Walang hiya ka. Get out of son's life, ayokong mapunta sa isang katulad mo ang unico-hijo ko. Sisirain mo lang ang buhay ng anak ko" Inis na sabi nito.

"As if namang gaganda ang buhay ng anak mo kung ganyan ka ka-echosera. Hindi na menor de edad si Dylan para mangailangan pa ng parent consent sa nanay niyang impakta" I said smirking and I heard her gasped in anger.

"Walang ka talagang mudo! Layuan mo si Dylan, hindi ka nababagay sa anak ko!" She angrily shouted and I smirked evilly.

Sasabog na yata sa asar at galit ang impaktang 'to. The pek!

"H'wag kang mag-alala, hindi ka invited kapag ikinasal kami ng anak mo. Bye!" I ended the call not giving her time to reply.

Ibinato ko ang phone ko sa kama tsaka ako pumasok sa loob ng banyo para maligo. Baka isipin ng ipaktitang 'yon na guilty ako sa mga paratang na ibinibintang ng mag-inang dodo-shark at hepa-shark na 'yon kapag nalaman niyang dalawang araw akong hindi pumasok sa office.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now