Chapter17

3.1K 73 4
                                    

Chapter17

DYLAN'S POV

Linggo ngayon at walang pasok sa trabaho. Sa halip na magpahinga, umalis ako ng unit para puntahan si Jewie sa kanyang condo. Gusto ko siyang makita at makasama kahit na araw-araw ko siyang nakikita at nakakasama sa kompanya.

Dumaan muna ako sa isang flower shop bago pumunta sa kanyang unit upang bumili ng bouquet para ibigay sakanya.

I pressed the doorbell kahit may susi naman ako ng condo niya, ginagamit ko lang ang duplicate na hawak ko kapag alam niyang pupunta ako. I pressed the doorbell again for the second time pero walang nagbukas ng pinto, until I decided to use the key to open the door.

"Jewie?" I said as I stepped inside but there's no any response from her.

Pagpasok ko agad kong iginala ang paningin ko sa buong unit niya, pumasok din ako sa kwarto niya to check her kung nandoon siya pero wala siya doon. maging sa bathroom, veranda at kusina ay wala din siya.

Kinuha ko ang phone sa aking bulsa para i-contact siya, ngunit panay lang ang ring nito. Ilang beses ko din kinontak ang number niya pero hindi niya sinasagot hanggang sa makapasok na ako sa kotse ko.

"Saan ba siya nagpunta? Darn!" I murmured as I throw the phone on the dashboard.

Sumandal ako at saglit na naghintay ng ilang minuto para kontakin siyang muli para alamin kung saan siya nagpunta o nakauwi na ba siya pero panay ring lang ulit ng phone niya. Damnit!

Naghintay ako ng 30minutes tsaka ako bumalik sa unit niya, ngunit wala pa rin siya pagpasok ko. Muli kong tinawagan ang phone niya pero ganon parin, ring lang ng ring ang phone niya at hindi man lang sinasagot.

Again, I dialed her number at nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto niya habang naghihintay na sagotin niya ang tawag ko. Napabaling ang atensyon ko sa drawer niya sa may side table dahil may naririnig akong parang nagba-vibrate do'n. Nang hugotin ko ang drawer, nakita ko ang phone niya sa loob at nakita ko rin ang pangalan ko sa screen ng phone habang panay ang vibrate nito.

"Kaya pala walang sumasagot" Ang nasabi ko nalang tsaka naupo sa kama at bumuga ng mahabang buntong hininga.

Kinuha ko ang phone niya sa drawer pero hindi ko naman mabuksan dahil may pattern 'yon kaya ibinalik ko nalang sa loob ng drawer.

Napagpasyahan kong hintayin nalang siya at baka dumating na siya, baka pumunta lang siya sa kung saan at babalik din kaagad dahil hindi niya dinala ang phone niya.

Ngunit dalawang oras na ang nakalipas at nakakaramdam na rin ako ng gutom ay wala parin siya, hanggang sa umalis na lang ako na dismayado.

Kumain ako sa isang restaurant na mag-isa, kahit kumakain ng lunch siya parin ang tumatakbo sa isip ko. Hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nakita, ganoon ako ka-obsess sakanya.

Malapit na ako sa condo building niya ng makita ko ang kotse niya, ipinasok ko sa basement ang kotse ko para sundan siya at para salubongin na din.

Bahagya akong napangiti ng makita ko siyang bumaba at binuksan ang compartment ng kanyang kotse, ngunit napawi rin ang ngiti ko ng makita kong may lumabas na lalaki sa kotse niya at tinulungan siyang bitbitin ang mga groceries.

Masaya silang nagtatawanan at nagbibiroan habang naglalakad at parehong may mga bitbit na groceries. Naalala ko ang mukha ng lalaking kasama niya ngayon, siya yong biglang sumulpot at tumapik kay jewie no'ng nasa seaside kami. Shit!

Mahigpit akong napahawak sa steering wheel dahil sa inis at tiim bagang na umalis sa lugar na 'yon, baka hindi ako makapagpigil masapak ko ang lalaking 'yon.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now