Chapter8 (Arrange Marriage)

4K 91 0
                                    

Chapter8

DYLAN'S POV

Mag-iisang Linggo na, simula ng tumiwalag ako sa Fist Electron na pinamumunuan ni Clyde Zieger.

Buo ang naging desisyon ko para umalis sa grupo at wala ni katiting na pagsisisi kahit na naging isang mabuting kaibigan para sa akin si Clyde noong mga oras na wala akong masandalan at makapitan noon.

Gusto ko lang maging normal ulit ang bawat araw ko, hindi katulad noong nasa mob pa ako na puro operation at gulo ang tinatahak ko.

Inaabala ko na lang ang sarili ko sa mga bagay na dapat kong pagtuonan ng pansin, katulad nalang nitong company ni Dad. Gusto ko itong muling mai-angat at maibalik sa dati, simula ng magkasakit si dad napabayaan na niya ang kompanyang matagal na niyang inalagaan.

Ilang araw din akong nawala sa company para sa out of town business dealing.

Pagpasok ko sa office, sunod-sunod ang pagpop-up ng mga messages sa phone ko ng i-on ko 'to.

I temporarily turned-off my phone few days ago para makapag-focus saglit sa prioritizes ko as chief executive officer, ayokong maistorbo sa important business dealing na isinasagawa ko.

*phone ringing*

*call-accepted*

"Yes hello?" I said ng sagotin ko ang tawag without looking on screen habang niluluwangan ang kurbata sa leeg ko.

"Finally bro, sinagot mo din ang tawag ko" I heard a familiar voice from other line.

"Jacob?" I smirked ng maupo ako sa aking swivel chair. "Kamusta na dude" Dugtong ko.

"Ayos na ayos bro, sabi ni Ken matagal ka ng nakauwi dito sa pilipinas" Sabi nito. "At CEO ka na raw sa kompanya ng daddy mo" Dagdag niya.

"Oo, kaya heto. Sobrang busy" Sabi ko ng mapasandal sa kinauupuan ko.

"Gaano ba ka busy bro? 'Yong tipo ba na halos mag-over time ka na?" Tanong niya.

"Parang ganoon na nga, tsaka may mga business proposal and dealing din" Sagot ko.

"Nakakapagod 'yan bro. Tsk-tsk! Nga pala, punta ka dito sa bahay mamaya kung hindi ka busy. Umuwi ako para sa silver wedding ng parents ko, si ken at seff pupunta din dito" Saglit akong nag-isip bago nagsalita.

Kung nando'n si Seff, baka maging awkward lang kami. Tck!

"Hindi ko alam kung makakapunta ako, pero susubukan ko" Sabi ko.

"Sige, naiintindihan kita bro. Pero kung may time ka rin naman, sumaglit ka kahit ilang minuto lang. Tagal din kasi nating hindi nagkita-kita" Sabi nito.

Ako si Jacob, Ken at Seff ang magbabarkada noon. Si Jacob ang pinakamaingay sa aming apat at ako naman ang pinaka-tahimik sa amin.

"I'll try" Maikling sagot ko.

"Oh sige bro, baka busy ka. Ibababa ko na 'to" Sabi nito. Hinintay ko munang patayin niya ang tawag bago ko inilapag ang phone sa desk ko.

Saglit akong tumunganga bago inabot ang telepono sa side ko, para kontakin si Ms. Ledesma isang head chief ng HR department para tanongin about sa pinapagawa ko dito.

"Naka-pili ka na?" Agad na tanong ko dito ng sagotin niya ang tawag.

"Yes sir, actually isang newbie po ang napili ko. Nagbase ako sa performance, magaling siya sa interpretation and clarification" Sagot nito.

"What is the name of this newbie?" Tanong ko.

"Jewel Stellar Greamory, Sir" Mabilis na sagot nito. Napakunot naman agad ako.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now